Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kailangan mong marealize na may mga bagay talaga na dapat mong i-let go kahit na gaano kahirap para mag-improve ka.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magtampo sa iyong partner. Pagbigyan mo na lang muna siya at babawi naman siya sa iyo.
Money/Career:
Kailangan mong imotivate ang iyong sarili lalo na kung gusto mo talagang maging successful sa iyong trabaho.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang kaya mo namang tapusin ang mga gawain mo ngayong araw, kaya huwag ka na tamarin at kumilos ka na kaagad.
Love:
Singles: Magagawa mong makagawa ng tamang desisyon ngayong araw, kaya naman may chance na maging maganda ang iyong mood.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Kung may plano kang magtayo ng iyong sariling business, gawin mo na ito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 15
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong defensive tungkol sa isang bagay lalo na kung wala ka naman talagang kinalaman dito.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang oras para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Maghintay-hintay ka muna.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung merong magbibigay sa iyo ng payo, mas mabuting sundin mo ito dahil mukhang may point naman siya.
Love:
Couples: Mukhang may chance na maging sweet sa iyo ngayong araw ang iyong partner, kaya naman huwag mong kalimutan na magthank you.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya sa iyong mga katrabaho. Huwag ka na lang makipagtalo sa kanila.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mag-ingat ka dahil tiyak na may mga taong gustong makita kang bumagsak para lamang maangatan ka nila.
Love:
Couples: Kailangan mo pang habaan ang pasensiya mo sa iyong partner, kahit na alam naman natin kung gaano siya kapasaway.
Money/Career:
Kung gusto mo talagang mapansin ng iyong boss, dapat ay palaging maganda ang performance mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Umalis ka sa iyong comfort zone. Gawin mo ang mga bagay na makakapagbigay sa iyo ng challenge para naman ganahan ka.
Love:
Couples: Mas mabuti kung maglalaan ka muna ng maraming oras para sa iyong pamilya. Huwag kang mag-alala dahil maiintindihan ka naman ng iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na mabawi mo ang perang nawala sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 22
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang kailangan mo munang magtiwala sa isang tao ngayong araw, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Huwag ka na magdalawang-isip pa.
Money/Career:
Kung meron kang plano na bumili ng bahay o sasakyan, gawin mo na ito habang maaga pa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mas makakabuti sa iyo kung susundin mo muna ang sinasabi ng iyong mga kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Kung dapat mong pigilan ang iyong partner sa kanyang gagawin, gawin mo ito pero dapat ay meron kang tamang rason.
Money/Career:
Kung meron kang paparating na job interview, tandaan mo lang na dapat maging confident ka sa bawat isasagot mo.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kaya kung gusto mong mapag-isa muna, gawin mo ito.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, may malaking chance na good choice siya para sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang planong pumasok sa isang investment, mukhang suswertehin ka lalo na kung pamilyar ka rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang mapipilitan kang gumawa ng aksyon sa isang bagay ngayong araw, lalo na kung hindi mo na ito pwede pang patagalin.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner at huwag ka kaagad na magagalit sa kanya.
Money/Career:
Kahit na sisiw sa iyo ang iyong trabaho, hindi pa ito ang tamang panahon para maghanap ka ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka masyadong mag-alala kung may mga magagawa kang mali ngayong araw. Tawanan mo na lang muna ang iyong mga problema.
Love:
Singles: Mukhang alam mo na ang mga katangian na hinahanap mo sa iyong magiging partner. Good luck sa iyo!
Money/Career:
Kung medyo malayo ang iyong trabaho sa iyong tinitirhan, marahil ay mas makakabuti kung maghahanap ka muna ng malilipatan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang mas mabuti kung mananatili ka muna ngayong araw sa iyong bahay at umiwas muna na umalis.
Love:
Singles: Kung naging busy ka lately, maganda ang araw na ito para maglaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya.
Money/Career:
Kung meron kang exam na kinuha kamakailan, may chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 22