Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung merong balak ang barkada mo na magbakasyon, sumama ka kahit na medyo malayo ito dahil sure naman na mag-eenjoy ka.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong demanding sa iyong partner. Tandaan mo na may mga kailangan din siyang gawin na mga bagay.
Money/Career:
Balansehin mo ang iyong oras sa iyong career at sa iyong pamilya.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo masyadong pahirapan ang iyong sarili. Gawin mo lang kung ano talaga ang kaya ng katawan at isipan mo.
Love:
Couples: Maglaan ka ng oras sa iyong partner. Maaari mo siyang bigyan ng regalo kung ito ay gusto mo.
Money/Career:
Huwag kang mag-alala kung medyo nalugi ka lately. Tiyak naman na makakabawi ka rin.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag kang maniwala sa ibang tao lalo na kung masyadong negative ang sinasabi nila sa iyo. Maniwala ka sa sarili mong kakayahan.
Love:
Couples: Mukhang magiging aggressive ngayong araw ang iyong partner. Pagbigyan mo na lang muna siya kung gusto mo.
Money/Career:
May malaking pagbabago na mangyayari sa iyong trabaho, kaya naman paghandaan mo ito.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang masyadong mahiya kung wala ka naman talagang pera. Magsikap ka na lang at magkakaroon ka rin nito.
Love:
Singles: Kung ready ka na pumasok sa isang relasyon, tandaan mo lang na dapat maging honest ka sa iyong magiging partner.
Money/Career:
Kung hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong career, mas mabuting magsimula ka na lang ulit sa umpisa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag kang masyadong emosyonal ngayong araw. Tatagan mo ang iyong loob dahil mukhang kakayanin mo naman ang challenges sa iyong buhay.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo ulit ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan.
Money/Career:
Huwag masyadong sasama ang loob mo kung hindi maganda ang status ng iyong career. I-try mo na lang palagi ang best mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna sumubok ng anumang bagong bagay ngayong araw. Magstick ka muna sa mga paraan na may napatunayan na.
Love:
Singles: Pag-aralan mong mabuti ang mga relasyon ng iyong mga kaibigan para naman alam mo na ang mga dapat mong iwasan sa isang relasyon.
Money/Career:
Kung nag-uumpisa ka pa lang sa iyong career, tandaan mo na maging consistent ka dapat sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung merong mag-aya sa iyo sa isang bakasyon, sumama ka rito lalo na kung kailangan mong makapagmuni-muni.
Love:
Couples: Huwag mong balewalain ang needs ng iyong partner. Huwag ka naman maging selfish sa kanya.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong charming personality para dumami ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi tanggap ng ibang tao ang iyong mga ginagawa, mas mabuting lumayo ka na lamang sa kanila para hindi ka na nila mahusgahan pa.
Love:
Couples: Maglambing ka naman sa iyon partner, lalo na kung stressed na siya lately dala ng kanyang trabaho.
Money/Career:
Matuto ka sa iyong mga pagkakamali dati para naman hindi mo na maulit pa ang mga pagkakamaling ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Gawin mo ang isang bagay na talaga namang magbibigay sa iyo ng saya. Kalimutan mo muna ang iyong mga problema sa ngayon.
Love:
Couples: Huwag kang magpapressure sa relasyon ng ibang tao. Magconcentrate ka na lamang sa iyong partner.
Money/Career:
Kung kaya mong pigilan ang iyong sarili sa paggastos, gawin mo ito para naman lumaki pa lalo ang iyong ipon.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magiging sweet ka sa mga taong makakasama mo ngayong araw, kaya naman magiging maganda naman ang mood nila dahil sa iyo.
Love:
Singles: Kung meron kang tao na dapat alagaan ngayong araw, gawin mo muna ito bago ka maglakwatsa.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita, siguro ay panahon na para maghanap ka ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Simulan mo na kaagad ang mga bagay na dapat mong gawin ngayong araw. Hindi ito ang panahon para maging tamad ka.
Love:
Singles: Bago ka pumasok sa isang relasyon, dapat ay alam mo muna kung talaga bang kaya ka niyang panindigan.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, may good news na tiyak na darating sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka masyadong magmadali ngayong araw. Marami ka pang oras kaya naman magdahan-dahan ka lamang.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Gawin mo ang isang bagay na talaga namang ikatutuwa niya.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong pleasing personality para naman magkaroon ka ng maraming koneksyon.
Lucky color: Cream
Lucky number: 26