Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Kung gusto mo maging masigla, dapat ay hindi mo kinakalimutan ang iyong kalusugan.
Love:
Couples: May chance na may pag-awayan na naman kayong dalawa ngayong araw, kaya naman mas mabuting habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Huwag kang mainggit sa achievements ng ibang tao. Gawin mo na lang ang best mo sa iyong mga gawain.
Lucky color: White
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Marami kang tao na napapatawa kaya naman huwag mong iwawala ang iyong sense of humor. Mag-ingat ka rin muna sa pagkain ng isda ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong praning lalo na kung may maririnig ka ngayong araw tungkol sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung gusto mong may mabago sa iyong itsura, simulan mo sa pagpapalit ng mga damit at tingnan mo kung babagay ito sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang alam mo na kung ano ang gusto mo sa isang relasyon, kaya naman alamin mo naman ang mga bagay na dapat mong iwasan.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ka na sa iyong trabaho soon kaya naman magrelax ka lang.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may chance na makasama ka sa isang biglaang lakad, lalo na kung marami kang pera na naipon.
Love:
Couples: Mukhang kakaiba ang mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Magmatiyag ka muna sa kanya.
Money/Career:
Maging positive ka lang palagi at may chance na mahawaan mo ang mga tao sa iyong paligid.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging moody ka ngayong araw. Hindi ka masyadong maiintindihan ng mga tao sa iyong paligid kaya mas mabuting maging mapag-isa na lang muna.
Love:
Couples: Huwag mo muna ipressure ang partner mo sa iyong mga kagustuhan. Hayaan mo muna siya na mag-adjust.
Money/Career:
Kung hindi mo na alam ang gagawin sa iyong career, subukan mong humingi ng tulong sa isang expert.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang na magsaya ka, pero dapat ay tapusin mo muna ang iyong mga gawain para hindi ka na mapagalitan.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw at maging romantic sa kanya. Itreat mo siya sa kanyang paboritong resto.
Money/Career:
Mukhang magiging okay naman ang takbo ng iyong trabaho, dapat lang ay maging positive ka rito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may malaking chance na meron kang matanggap na pera ngayong araw, kaya naman magagawa mong ilibre ang iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Mukhang may chance na mag-away kayo ng iyong partner, pero huwag kang mag-alala dahil mukhang panandalian lamang ito.
Money/Career:
Wala tayong magagawa kung kailangan mo talagang maging busy muna. May mga bagay talaga na dapat mong asikasuhin kaagad.
Lucky color: Blue
Lcuky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang plano na gawin ngayong araw, magfocus ka rito para naman makatapos ka kaagad.
Love:
Couples: May malaking chance na may sorpresa ang iyong partner sa iyo. Mas mabuting maging thankful ka na lang sa huli.
Money/Career:
Kung meron ka mang pending na gawain, may chance na matatapos mo ang mga ito ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang planong magrenovate ng bahay, mas mabuting asikasuhin mo na ito kaagad para hindi ka na masyado magkaroon pa ng problema.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masyadong masaya sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para itigil ninyo na lang ito.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga gagawin na desisyon dahil magiging crucial ito sa huli.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may malaking chance na maging confident ka ngayong araw at talaga namang mapapansin ito ng mga tao sa iyong paligid.
Love:
Couples: Huwag kang padalos-dalos sa paggawa ng mga desisyon para hindi mo ito pagsisihan sa huli.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong charming personality para naman dumami ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Black
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bago ka gumawa ng desisyon, pag-isipan mo muna itong mabuti. Huwag ka basta-basta umasa sa iyong kutob.
Love:
Singles: Mukhang kahit anong diskarte na gawin mo, hindi ka talaga pinapansin ng taong nagugustuhan mo. Mas mabuting magmove ka na lang sa kanya.
Money/Career:
Mag-ingat ka kapag ikaw ay nasa trabaho dahil may isa kang kasama na may balak siraan ka sa iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may mga taong mangungulit sa iyo ngayong araw, kaya mas mabuting habaan mo na lang ang iyong pasensiya sa kanila.
Love:
Singles: Lumabas ka kasama ng iyong mga kaibigan at malay mo, makita mo na ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka na naman ngayong araw at dahil lamang sa gusto mo ang isang bagay.
Lucky color: Grey
Lucky number: 9