Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung magkakaroon man ng aberya sa iyong lakad ngayong araw, isipin mo na lang na merong mangyayaring mas maganda kaysa rito.
Love:
Singles: Huwag ka basta-basta magpauto sa sinasabi ng ibang tao. Ginagawa lang nila ito dahil may favor sila sa iyo.
Money/Career:
Gawin mo lang kung ano ang gusto mo talaga at tiyak naman na susuportahan ka naman ng iyong pamilya.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may malaking chance na bumili ka ng isang bagay dahil lamang sa maganda ito at hindi dahil sa kailangan mo ito.
Love:
Singles: Gumawa ka na agad ng desisyon. Huwag mo na ito patagalin pa para hindi ka na rin mahirapan.
Money/Career:
Magrelax ka lang kahit na medyo nagkakaroon ka ng problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna magpahiram ng pera sa kahit na sino ngayong araw, dahil tiyak na kakailanganin mo rin ang perang ipapahiram mo.
Love:
Couples: Mukhang magiging stable naman ang status ng inyong relasyon. Pwede kayong magbonding tungkol sa isang bagay ngayong araw.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa pagsagot mo sa isang tao dahil tiyak na meron kang babayaran dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na matapos mo ang lahat ng mga bagay na ipapagawa sa iyo ngayong araw.
Love:
Couples: Kung hindi mo masyadong gets ang ginagawa ng iyong partner, mas mabuting huwag ka na lamang makialam sa kanya.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para gumawa ka ng paraan lalo na kung medyo doubtful ka na sa iyong career.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Masyadong mabilis ang mga nangyayari sa iyong paligid. Kaya naman kung hindi ka mabilis mag-adjust, mapag-iiwanan ka.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong malungkot kung sakaling hindi matuloy ang inyong lakad. Marami pa naman next time.
Money/Career:
Kahit na nasa mood kang magtrabaho, mahihirapan ka naman pakisamahan ang iyong mga tamad na katrabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may malaking chance na maging emosyonal ngayong araw kaya mas mabuti kung hindi ka muna kukulitin ng ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang makakagawa ka ng tamang desisyon tungkol sa iyong problema na kasalukuyan mong hinaharap.
Money/Career:
Iwasan mong tamarin sa iyong trabaho. Marami ka pang dapat na tapusin kaya kumilos ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung marami ka pang dapat na gawin, subukan mong gumawa ng schedule para hindi ka malito kung ano dapat ang iyong unahin.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. I-treat mo siya sa labas para naman gumanda ang mood niya.
Money/Career:
Huwag ka masyadong malungkot kung medyo hindi maganda ang nangyayari sa iyong trabaho. Lilipas din naman ito.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ng iyong mga kaibigan. Kaya kung merong mang-aya sa iyo, sumama ka.
Love:
Couples: Kung hindi masyadong active ang iyong love life, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan tungkol dito.
Money/Career:
Huwag ka magsayang ng oras sa ibang bagay lalo na kung wala naman itong kinalaman sa iyong mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na magreklamo kung sakaling ma-delay ang bagay na matagal mo nang hinihintay. Basta ang mahalaga, darating ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-level up ninyo ang inyong relasyon. Kung nag-iisip kayo na magtayo na ng sarili ninyong pamilya, pagplanuhan ninyo na ito.
Money/Career:
Magiging hectic ang schedule mo ngayong araw kaya naman huwag kang gumawa ng kalokohan para lamang makatakas sa mga ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka na mag-aksaya ng oras sa ibang tao. Marami ka pang dapat na asikasuhin kaya iyon muna ang tapusin mo.
Love:
Singles: Okay lang naman na makipagdate sa iba, pero kung alam mo na wala talaga siyang gusto sa iyo, magmove on ka na.
Money/Career:
Mukhang nagiging maswerte ka sa iyong career at malaki ang chance na dahil may taong nagdarasal para sa iyong tagumpay.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo akuin ang isang kasalanan na hindi naman sa iyo, dahil may malaking chance na madawit ka sa isang kaso na wala ka naman talagang kinalaman.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, gumawa kayo ng paraan para mas lalo pa kayong maging close sa isa’t-isa.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong mga natutunan para solusyunan ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung paulit-ulit na lamang ang ginagawa mo araw-araw, may malaking chance na tamarin ka rin dito sa huli.
Love:
Couples: Mukhang masaya ka naman sa takbo ng inyong relasyon. Pero mag-ingat ka lang at baka may magawa kang mali sa iyong partner.
Money/Career:
Kung wala ka namang kinalaman sa isang problema, huwag ka na maki-tsismis dito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10