Aries (Mar 21 – Apr 19)
Bago ka gumawa ng desisyon, pag-isipan mo muna itong mabuti lalo na kung ayaw mong magsisi sa huli.
Love:
Couples: Mukhang maguguluhan ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw, kaya mas mabuting magmasid-masid ka muna sa kanya.
Money/Career:
Magrelax ka lang. Kung magkakaroon man ng problema sa iyong trabaho, walang maidudulot na mabuti ang pagiging mainitin ang ulo.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang gustong gawin ngayong araw, kailangan mong mag-ingat dahil maaaring masorpresa ka sa pwedeng mangyari.
Love:
Couples: Kung may matatanggap ka na advice galing sa iyong partner, gawin mo ito kahit na ayaw mo naman ito.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa isang gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang hindi na masyado magiging hectic ang iyong schedule sa mga susunod na araw, kaya naman magkakaroon ka ng oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kung merong achievement ang iyong partner, i-celebrate ninyo ito para naman mas lalo siya maging masaya.
Money/Career:
Bago ka gumastos sa isang bagay, dapat ay pagplanuhan mo itong mabuti para hindi ka mabigla sa presyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi ka naman kayang intindihin ng ibang tao, mas mabuting huwag ka na lang magsayang ng oras sa kanila.
Love:
Couples: Kung may away kayo ng iyong partner, pag-usapan ninyo ang problema at huwag idaan ito sa dedmahan.
Money/Career:
Kung merong iutos sa iyo ang iyong boss, huwag kang magpanic kahit na medyo mahirap ito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 9
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may isang tao na magkakaroon ng importanteng role sa buhay mo ngayon. Kung meron siyang ipapayo sa iyo, sundin mo ito.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman pinapansin ng taong nagugustuhan mo, mas mabuting huwag ka na magsayang ng oras pa sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Lumayo ka na lang sa mga taong wala namang tiwala o bilib sa iyong kakayahan. Hindi mo sila kailangan sa iyong buhay.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ilevel up ninyo ang inyong relasyon, lalo na kung handa na kayo para rito.
Money/Career:
Huwag kang magreklamo lalo na kung nasa paligid ang iyong boss at baka malintikan ka.
Lucky color: Brown
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para makipagkita ka sa iyong mga dating kaibigan para naman makapagkamustahan kayo.
Love:
Couples: Dapat ay iwasan mong maging selfish sa inyong relasyon. Dapat ay iniintindi mo rin ang iyong partner.
Money/Career:
Kung gusto mo na lumipat sa ibang lugar para magtrabaho, maganda ang araw na ito para asikasuhin na ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw kaya naman sasakit ng husto ang ulo ng iyong mga kasama.
Love:
Couples: Mukhang may pinoproblema ang iyong partner sa ngayong kaya naman dapat binibigay mo ang buong suporta mo sa kanya.
Money/Career:
Magiging maganda ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maganda ang araw na ito para ipursue mo ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin. Hindi pa huli ang lahat.
Love:
Singles: Mukhang mahihirapan kang gumawa ng desisyon ngayong araw, kahit na alam naman ng lahat ang iyong dapat gawin.
Money/Career:
Maging positive ka lang kahit na hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong work.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maging totoo ka sa iyong sarili. Kung hindi mo gusto ang isang bagay, sabihin mo ito at huwag ka na mahiya.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para gumimik kasama ng iyong mga kaibigan na single din para naman makapagbonding kayo.
Money/Career:
Kung merong kang bagong project na gagawin, paghandaan mo itong mabuti para naman maging maganda ang resulta nito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 30
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka masyadong maingay dahil may malaking chance na may ibang taong makarinig sa usapan ninyo.
Love:
Singles: Kahit na marami ang nagkakagusto sa iyo, mahihirapan ka pa ring pumili kung sino sa kanila ang karapat-dapat.
Money/Career:
Kung may tanong ka, huwag kang mahiyang iapproach ang iyong boss. Gawin mo ito lalo na kung ayaw mong magkamali.
Lucky color: Cream
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi mo siguradong gawin ang isang bagay, magresearch ka muna at magtanong-tanong sa mga expert para hindi ka masyadong magkamali.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mayabang sa iyong partner, lalo na kung napatunayan mong tama ang iyong sinasabi at mali siya.
Money/Career:
Kung maganda ang iyong performance sa iyong trabaho, tiyak na tatatak ka sa isip ng iyong mga boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 29