Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung ano talaga ang hilig mo, mas mabuting iyong ang iimprove mo para magkaroon ka ng self-fulfillment sa buhay.
Love:
Couples: Ayusin ninyong mabuti ang inyong mga plano sa araw na ito para hindi na magkaroon pa ng aberya.
Money/Career:
Hindi pa ito ang tamang panahon para humingi ka ng raise sa iyong boss.
Lucky color: Cream
Lucky number: 29
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi ka naman kayang intindihin ng mga tao sa iyong paligid, mas mabuting huwag ka na magsayang ng panahon kakaexplain sa kanila.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Maglambing ka kung kinakailangan.
Money/Career:
Kung maganda ang performance mo sa iyong trabaho, may malaking chance na maibigay na sa iyo ang bonus mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi tanggap ng mga tao ang iyong ginagawa, mas mabuting ikaw na mismo ang lumayo sa kanila para hindi ka na mahusgahan.
Love:
Singles: Kung hindi talaga para sa iyo ang isang tao, huwag mo na ito pilitin pa dahil ikaw lang ang masasaktan.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting magpahinga na lamang sa bahay.
Lucky color: Purple
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto o kaya sumali ka sa mga palaro sa perya.
Love:
Singles: Kilalanin mo muna ang isang tao bago mo siya ipursue. Baka madisappoint ka lang sa dulo at magsisi ka.
Money/Career:
Mukhang magagawa mo ring enjoyin ang isang bagay na hate na hate mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang maraming tao ang hihingi ng tulong sa iyo kaya naman gawin mo ang lahat para makatulong sa kanilang lahat.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero kaibigan lang ang turing mo sa kanya kaya naman huwag mo na siya paasahin.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong strengths para maovercome mo ang iyong weaknesses.
Lucky color: Green
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangan mong pag-isipang mabuti ang gagawin mong solusyon sa iyong problema lalo na kung gusto mo maging epektibo ito.
Love:
Singles: Mukhang mahihirapan kang pumili ng taong gusto mong ipursue lalo na kung marami kang taong nagugustuhan.
Money/Career:
Kung kailangan mo ng pera, lumapit ka sa iyong mga matalik na kaibigan at tiyak na tutulungan ka nila.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may pinagdaraanan ang isa sa iyong mga kaibigan at kailangan mong pakinggan ang kanyang problema.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para dagdagan mo ang bilang ng iyong mga kaibigan. Maaaring lumaki rin ang iyong mga koneksyon.
Money/Career:
Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para lisanin mo ang iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag ka na mahiya at magpatulong ka na sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung hindi kayo mag-iingat, may malaking chance na may taong kumontra sa inyo at magdulot ng malaking problema sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, huwag kang mag-alala dahil may oportunidad na darating sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging busy ka sa mga susunod na araw kaya naman magpahinga ka na habang may panahon ka pa.
Love:
Singles: Nandiyan lang ang taong nakalaan sa iyo pero hindi mo siya nakikita dahil sa ibang tao ka nakatingin.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa sa iyong mga katrabaho dahil may balak siyang siraan ka sa iyong boss.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Lumayo ka na lang sa mga tao na negative ang pananaw sa buhay. Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Huwag mong pigilan ang iyong partner sa kanyang gustong gawin lalo na kung alam naman niya ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Mukhang magiging masipag ka ngayong araw kaya naman marami kang matatapos na mga gawain.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Payuhan mo ang isang tao ngayong araw lalo na kung sa tingin mo ay makakatulong ito sa kanya ng sobra.
Love:
Couples: Kung puro problema na lang ang dulot ng iyong partner sa iyo, mas mabuting wakasan na lang ninyo ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na mabawi mo ang perang nawala mo kamakailan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Ilayo mo na lang ang sarili mo sa mga taong ginagamit ka para sa kanilang sariling interes. Hindi mo sila kailangan sa iyong buhay.
Love:
Couples: Kung may tampo ka sa iyong partner, mas mabuting patawarin mo na siya lalo na kung nagpapakita naman siya ng effort.
Money/Career:
Huwag kang mainggit sa iyong mga katrabaho. Sipagan mo na lang sa iyong mga gawain para ikaw naman ang kainggitan next time.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4