Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi ka naman kayang intindihin ng mga tao sa iyong paligid, huwag ka na lang magsayang ng oras para mag-explain sa kanila.
Love:
Singles: Kung meron kang problema sa iyong pamilya, gawan mo na agad ito ng paraan para hindi na lumala pa ito.
Money/Career:
Basta ba maging masipag ka lang palagi, tiyak na magtatagumpay ka sa iyong career.
Lucky color: Silver
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi mo talaga mapapayag ang isang tao sa iyong gusto, mas mabuting ikaw na lang ang mag-adjust para sa kanya.
Love:
Couples: Mukhang magiging kalmado na kayong dalawa at anumang issue sa pagitan ninyo ay unti-unti nang mawawala.
Money/Career:
May malaking chance na may taong magbigay sa iyo ng pera ngayong araw. Magpasalamat ka.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang problema, subukan mong humingi ng payo sa iyong mga magulang at baka may maisip silang magandang solusyon dito.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na maging masungit ka ngayong araw, kaya naman maiilang sa iyo ang ilan sa iyong mga kasama.
Money/Career:
I-motivate mo ang iyong sarili para maging masipag. Hindi ito ang panahon para maging tamad ka.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Irespeto mo ang opinyon ng ibang tao. Huwag mong ipilit sa kanila ang mga bagay na sa paningin mo ay tama.
Love:
Couples: Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na maging complicated ang relasyon ninyong dalawa.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para kausapin ang iyong boss na bigyan ka ng raise.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Bago pa lumala ang problema mo, dapat mong aksyunan na ito habang maaga pa para hindi ka na mahirapan sa huli.
Love:
Singles: Mukhang kaya mo namang iimpress ang taong nagugustuhan mo. Kaya lang, huwag ka masyado maging mayabang.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay magtayo ng iyong sariling business.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit na mahirap ang iyong pinagdaraanan, maeenjoy mo naman ito lalo na kung maganda ang mangyayari sa iyo sa huli.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Bigyan mo siya ng regalo na magpapasaya sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo gusto ang ugali ng iyong kasamahan sa trabaho, mas mabuting ireport mo na lang siya sa iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kahit na magaling ka sa iyong mga gawain, kung paulit-ulit mo naman itong ginagawa, darating ka rin sa point na tatamarin ka na.
Love:
Singles: Hindi ito ang panahon para magkulong ka sa bahay. Yayain mo ang iyong mga kaibigan para gumimik.
Money/Career:
Mag-adjust ka rin sa mga kasama mo sa trabaho dahil may iba sa kanila na talagang pasaway.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang problema sa iyong kamag-anak, kausapin mo siya pero huwag kang magagalit agad-agad.
Love:
Couples: Kung meron kayong balak na gawing event ng iyong partner, iinvite ninyo lang ung mga tao na tiyak na darating.
Money/Career:
May malaking chance na matulungan ka ng isang tao na natulungan mo rin dati.
Lucky color: White
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Makinig ka sa iyong mga kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Mukhang may chance na maging close ka sa taong mahilig kang patawanin. Marahil ay ito na ang simula ng moment ninyong dalawa.
Money/Career:
Huwag kang mandaya sa iyong trabaho dahil mas mahihirapan ka kung mawawala ang tiwala nila sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang gusto i-celebrate, yayain mo ang iyong mga kaibigan at pagplanuhan ninyo itong mabuti para matuloy.
Love:
Couples: Kung dapat mong tutulan ang iyong partner sa kanyang gagawin, gawin mo ito lalo na kung meron kang valid reason.
Money/Career:
Mukhang malapit na dumating ang panahon na hindi ka na magigipit pa sa pera.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, mas mabuting i-try mo na lang ang mga bagay na may napatunayan na.
Love:
Couples: Huwag kang mainsecure sa mga ex ng iyong partner. Mas importante ang present at matuwa ka dahil ikaw ang kasama niya.
Money/Career:
Iimprove mo ang iyong communication skills para naman gumanda ang performance mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may malaking chance na may matanggap ka na regalo mula sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Love:
Couples: Lambingin mo naman ang iyong partner lalo na kung naging busy ka kamakailan at nawalan ng panahon sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may makukuha kang magandang offer, pero mapipilitan ka na lumipat ng matitirhan.
Lucky color: Green
Lucky number: 18