Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging maganda ang araw mo ngayon dahil may malaking chance na may taong magbigay sa iyo ng pera.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Maghintay ka na lang muna.
Money/Career:
May malaking chance na magquit ka sa iyong trabaho lalo na kung hindi mo naman ito gusto sa umpisa pa lang.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung ano mang bagay ang simulan mo ngayong araw, may malaking chance na matapos mo ito kaya naman wala ka nang aalahanin kinabukasan.
Love:
Couples: Subukan mong kausapin ang iyong partner lalo na kung hindi na kayo masyado nakakapag-usap dahil sa inyong mga trabaho.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang pumasok sa ngayon, huwag mo na muna pilitin ang iyong sarili.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi ka makagawa ng desisyon, subukan mong tanungin ang ibang tao kung ano ang palagay nila sa iyong sitwasyon.
Love:
Couples: Subukan mong panalunin naman ang iyong partner sa inyong mga argumento para hindi naman siya masyadong magtampo sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang balak na simulang bago ngayong araw, tandaan mo lang na huwag mo itong susukuan kaagad.
Lucky color: Purple
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Matuto ka sa iyong experiences. Huwag mo na gawin ang isang bagay kung hindi naman maganda ang idinulot nito sa iyo.
Love:
Couples: Kung masyado kang busy sa iyong trabaho, lalo lang mababawasan ang oras na pwede mong ilaan sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag mong gayahin ang ibang tao lalo na kung gusto mong magstand-out sa inyong grupo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring muli mong makita ang isang dating kaibigan. Kamustahin mo siya at baka meron siyang iaalok sa iyo.
Love:
Couples: Magset ka ng boundaries sa inyong relasyon. Hindi naman lahat ng bagay ay kailangan ninyong malaman.
Money/Career:
Kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman kung gagana ba ito o hindi.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maganda ang araw na ito para sumubok ka ng isang bagay na bago para sa iyo. Malay mo, maging magaling ka rito bigla.
Love:
Couples: Kung hindi mo sasabihin sa iyong partner ang gusto mo, hindi niya ito malalaman at mas lalo ka lang mahihirapan.
Money/Career:
Kung haharap ka sa iyong boss, dapat ay maging confident ka kapag magsasalita ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang marami kang maiisip na gawin ngayong araw, pero mahihirapan ka naman kung alin sa mga ito ang uunahin mo.
Love:
Singles: Kung gusto mong magustuhan ka ng isang tao, ayusin mo ang ugali mo para naman hindi siya maturn-off sa iyo.
Money/Career:
Mukhang unti-unti mo nang nakukuha ang iyong mga gusto. Kaya naman mas makakabuti kung magiging consistent ka na lang muna sa iyong mga gawain.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang ito na ang tamang panahon para kumilos ka at ipakita sa ibang tao na mali ang tingin nila sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang mas lalo mo nang naiintindihan ang iyong partner. Ipagpatuloy mo ito para wala na kayo masyadong pag-awayan.
Money/Career:
Ibigay mo ang iyong buong effort sa iyong mga gawain, para naman maging proud ka sa mga ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 28
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maghanda ka ngayong araw dahil may malaking chance na makatanggap ka ng good news mula sa iyong kaibigan.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo ang taong nakalaan sa iyo kung bibisita ka sa isang simbahan ngayong araw.
Money/Career: Kung maganda ang mood mo, hindi naman masamang
regaluhan mo ang iyong sarili.
Lucky color: Cream
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may malaking chance na makasama ka sa isang biglaang lakad lalo na kung meron ka pang ipon.
Love:
Couples: Kung hindi ka na busy, yayain mo ang iyong partner sa isang dinner para naman makabawi ka sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo namang kailangang gumastos, huwag mo na ito gawin at baka masayang lang ang iyong pera.
Lucky color: Purple
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi mo naman talaga gusto ang isang bagay, mas mabuting sabihin mo na ito kaagad para hindi ka na mapilitan pa.
Love:
Couples: Mukhang may something na magbabago sa iyong partner. Hindi mo ito mapapansin kaagad kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Huwag mo na lang intindihin ang ibang tao lalo na kung wala naman silang bilib sa iyo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mong magfocus sa iyong mga gawain lalo na kung gusto mong matapos nang maaga at magawa mo pa ang iyong mga gusto.
Love:
Couples: Kailangan mo munang ayusin ang iyong mga problema bago mo subukang ayusin ang problema ng iyong partner.
Money/Career:
May malaking chance na makatanggap ka ng pera ngayong araw. Magpasalamat ka sa kanya.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 16