Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maging positive ka lang kahit na mukhang hindi umaayon sa iyong kagustuhan ang mga mangyayari ngayong araw.
Love:
Couples: Kung masyadong magulo ngayon ang iyong isip, mas mabuting lumayo ka na lang muna sa mga ito para makapagmuni-muni ka.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho lalo na kung merong kinalaman ito sa public sector.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung lagi mong inuunan ang ibang tao kaysa sa iyong sarili, hindi nakakapagtaka kung bakit maraming tao ang may paghanga sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang magiging aggressive ka ngayong araw at tiyak na maninibago sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag mo na lang pakinggan ang sinasabi ng mga taong kumukontra sa iyo. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang dapat.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magsuot ka ng kulay blue ngayong araw lalo na kung gusto mong swertehin tungkol sa pera. Wala namang mawawala kung susubukan mo.
Love:
Couples: Kahit na anong gawin mo, hindi ka papansin ng iyong partner lalo na kung may kasalanan ka sa kanya.
Money/Career:
Bago ka lumipat sa ibang company, tiyakin mo muna na magugustuhan mo magiging bago mong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Lumayo ka na lamang sa mga taong negative sa buhay. Huwag mo ring hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para itreat mo sa labas ang iyong pamilya. Gumala kayo para naman maenjoy ninyo ang araw na ito.
Money/Career:
Bago mo gawin ang mga dapat mong gawin, mag-isip ka muna kung paano mo mapapabilis ang pagtapos sa mga ito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maghanda ka sa challenges na maaari mong harapin sa araw na ito. Tandaan mo, walang mahirap kung talagang gusto mong umasenso.
Love:
Singles: Bago ka pumasok sa isang relasyon, dapat ay sigurado ka na sa iyong magiging partner para hindi ka na masaktan muli.
Money/Career:
Okay lang naman na pumasok ka sa isang investment, lalo na kung pinag-isipan mo na ito nang matagal.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung wala ka namang kinalaman sa isang bagay, mas mabuting huwag ka na sumali rito at baka madamay ka pa.
Love:
Couples: Kung meron kayong pagtatalo ng iyong partner, dapat ay ayusin ninyo agad ito para hindi na ito lumaki pa.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka ng malaki sa mga susunod na araw kaya magtipid-tipid ka na.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may dumating na chance sa iyo, kunin mo na ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba lalo na kung ayaw mong magsisi sa huli.
Love:
Singles: Huwag ka muna magsaya dahil hindi mo pa naman siya napapasagot. Baka mapahiya ka ng wala sa oras.
Money/Career:
Mukhang may taong handang tumulong sa problema mo kaya naman makinig ka nang mabuti sa kanya.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mag-ingat ka sa mga nakakasama mo. Maaaring mabait sila sa iyo, pero may lihim pala silang balak sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong malungkot kung wala ka pang love life. Nandiyan naman ang friends mo para maging masaya ka.
Money/Career:
Kung ibibigay mo ang best mo sa iyong trabaho, tiyak naman na magiging successful ka rito. Dapat ay mahaba rin ang pasensiya mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mas mabuti kung makikinig ka muna sa sinasabi ng iyong kutob o hinala, dahil malaki ang chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Kung may tampo sa iyo ang iyong partner, gumawa ka na ng paraan kaagad para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Kahit na masipag ka naman sa iyong trabaho, hindi mo pa rin maiiwasan na magkaroon ng aberya rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya kung wala ka namang importanteng gagawin, manatili na lamang sa bahay.
Love:
Couples: Huwag mong iignore ang iyong partner. Marami siyang ginagawa para sa iyo kaya kahit papaano maging thankful ka.
Money/Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para simulan mo ang isang bagay na hindi mo natapos dati.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na tamarin ka ngayong araw. Pero ayos lang un lalo na kung wala ka namang gagawing importante. Matulog ka na lamang.
Love:
Couples: Kailangan na ng pagbabago sa inyong relasyon pero dapat ay ikaw muna ang umaksyon dito.
Money/Career:
Mukhang malapit mo na makuha ang iyong inaasam, kaya naman push lang nang push.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may problema sa inyong pamilya, mas mabuting unahin mo muna itong ayusin para wala ka na masyado pang alalahanin.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para ikaw ay lumabas at manood ng sine para naman gumanda ang mood mo.
Money/Career:
Kung may balak kang pumasok sa isang investment, gawin mo na ito lalo na kung sigurado ka na rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 7