Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag kang susuko kaagad. Mahirap lang talaga iyan sa umpisa pero masasanay ka rin sa huli at magiging okay ang lahat.
Love:
Singles: Panahon na para i-let go mo ang mga bagay na pumipigil sa iyo para makapag-move on. Huwag mo na pahirapan pa ang iyong sarili.
Money/Career:
Ayusin mo ang iyong pananalita kung ayaw mong mapahamak sa iyong boss ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Makinig ka sa payo sa iyo ng iyong kaibigan. Sundin mo siya lalo na kung ayaw mong maulit sa iyo ang isang masamang pangyayari.
Love:
Couples: Mukhang may pagtatalunan kayong dalawa ngayong araw. Pero huwag ninyong hayaang matapos ang araw na hindi kayo nagbabati.
Money/Career:
Dahil sa iyong achievements sa iyong trabaho, may malaking chance na may mga taong naiinggit sa iyo.
Lucky color: Cream
Lucky number: 15
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang dapat na ayusin sa bahay mo, simulan mo na ito ngayong araw para hindi mo na makalimutan.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, maaaring masira ng isang tao ang inyong relasyon. Kailangan ninyong maging matatag.
Money/Career:
Kung magrereklamo ka tungkol sa iyong trabaho, huwag mo ito sabihin sa iyong mga kasama at baka isumbong ka nila sa iyong boss.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang panahon na para magpahinga ka muna, lalo na kung napaka-hectic ng iyong schedule dahil may malaking chance na magcollapse ka.
Love:
Couples: Mukhang magiging okay naman ang inyong pagsasama sa mga susunod na araw kaya wala kang dapat ipangamba.
Money/Career:
Kung konti lang ang sinasahod mo, dapat ay hindi ka gumagastos ng malaki at iwasan mo na umutang sa iba.
Lucky color: Black
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang masosorpresa ka ngayong araw, pero huwag kang matakot dahil mukhang papabor naman ito sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka na kumontra sa sinasabi ng iyong partner sa iyo. Mas makakabuti kung susundin mo na lang muna siya.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung gusto mong mapuri sa isang bagay na gagawin mo, dapat ay ibigay mo ang best mo at maging proud ka rito.
Love:
Couples: Pansinin mo naman ang iyong partner, lalo na kung madalas kang busy at wala na masyadong oras sa kanya.
Money/Career:
Kailangan mong matuto sa iyong mga pagkakamali para lalo kang maging magaling sa iyong trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 30
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung marami masyado ang iyong mga gawain, subukan mong i-schedule ang mga ito para hindi ka mahirapan kung ano ang dapat mong unahin.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na lumabas ngayong araw. Pwede kayong magtry ng isang bagay na hindi ninyo pa nasusubukan.
Money/Career:
Kung consistent ka sa iyong trabaho, hindi malayong mapuri ka ng iyong mga boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mong takasan ang iyong mga obligasyon. Kung gusto mong gawin ang mga nais mo, tapusin mo muna ang mga inutos sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong isip-bata. Isipin mo rin ang iyong partner dahil nahihirapan siya na pakisamahan ka.
Money/Career:
Kung hindi mo naman talaga kailangan ang isang bagay, huwag mo na muna ito bilhin.
Lucky color: Violet
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang kailangan mo munang magpahinga. Kung hindi naman importante ang pupuntahan mo, huwag ka na lang umalis.
Love:
Couples: Kailangan mong habaan ang iyong pasensiya sa iyong partner. Matigas man ang kanyang ulo, matututo rin siya balang araw.
Money/Career:
Dapat ay maging confident ka tuwing ikaw ay nasa trabaho, para naman makita ng iba na bilib ka sa iyong mga gawa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong mga kaibigan na gumala sa labas. Tiyak na mag-eenjoy ka kung gagawin mo ito.
Love:
Singles: Huwag ka muna masyadong mag-expect lalo na kung hindi mo naman sigurado na meron siyang pagtingin sa iyo.
Money/Career:
May malaking chance na kumita ka ng malaki kung gagawin mong business ang isang bagay na gustong-gusto mong gawin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw lalo na kung lagi ka na lamang stressed dahil sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner at tiyak na makakaapekto ito sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kahit na marami kang dapat na gawin, kayanin mo lang at matatapos mo rin ang mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka muna sumubok ng kahit anong bago. Gawin mo na lang ung mga subok na para hindi ka na mahirapan.
Love:
Couples: May malalaman kang bagay tungkol sa iyong partner. Pero huwag kang mag-alala dahil mukhang positive naman ito.
Money/Career:
May malaking chance na tamarin ka ngayong araw at mawala ang focus mo sa iyong mga gawain.
Lucky color: Cream
Lucky number: 30