Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may taong hihingi sa iyo ng tulong. Kaya naman pagbigyan mo na siya lalo na kung maliit na bagay lamang ito.
Love:
Singles: Malapit ka na makamove-on sa crush mo. Huwag mo na kasing ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka naman pinapansin.
Money/Career:
Kung marami ka masyadong gawain at kailangan mo rin ng tulong, huwag kang mahiyang tawagan ang iyong mga kaibigan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring maging busy ka ngayong araw kaya naman iwasan mo munang magpaistorbo sa ibang tao lalo na kung gusto mo makauwi nang maaga.
Love:
Singles: Mukhang may makikilala kang tao na tiyak naman na magugustuhan mo. Diskartehan mo na siya kaagad.
Money/Career:
Huwag mong hayaang tamarin ka ngayong araw. Marami ka pang dapat gawin kaya naman kumilos ka.
Lucky color: Brown
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makakapag-isip ka nang matino ngayong araw at makakagawa ka ng mga tamang desisyon na makakatulong sa iyong mga problema.
Love:
Couples: Mukhang magiging malambing ka sa iyong partner ngayong araw kaya naman magtataka siya kung bakit.
Money/Career:
Kung mahal mo talaga ang iyong trabaho, gawin mo ang lahat para maging successful ka rito.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magbubunga na ng maganda ang iyong paghihirap sa trabaho. Maging consistent ka lamang sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang maganda naman ang takbo ng inyong relasyon at kung handa na kayo, pwede na kayong magpakasal.
Money/Career:
Hindi magiging mahirap ang iyong trabaho lalo na kung gusto mo naman ang iyong ginagawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Tapusin mo na ang mga gawaing hindi mo nakumpleto kahapon para hindi ka na matambakan pa ng trabaho.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang fitness program lalo na kung medyo bumibigat na siya.
Money/Career:
Mas maganda kung magfofocus ka muna sa iyong mga gawain at huwag na makitsismis pa sa iyong mga kasama.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang makakatanggap ka ng tulong mula sa isang tao ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Love:
Couples: Mukhang happy ka naman sa inyong relasyon. Pero kung meron kang hindi gusto, mas mabuting sabihin mo ito sa iyong partner.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong katrabaho dahil may balak siyang siraan ka sa iyong boss.
Lucky color: Gold
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang masyado ka nang naglalaan ng maraming oras sa iyong mga gawain. Magpahinga ka naman dahil makakasama sa katawan mo ang sobrang trabaho.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang magtampo nang matagal ang iyong partner. Suyuin mo siya kaagad para hindi na lumaki pa ang inyong away.
Money/Career:
Mukhang may chance na magbago ka ng trabaho, lalo na kung toxic na masyado ang iyong mga kasama.
Lucky color: Rose
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang maganda ang araw na ito para sumubok ka ng bagong bagay. Marahil ay ito na ang tamang oras para simulan mo ito.
Love:
Couples: Kung meron kayong pagtatalo, hayaan mong manalo ang iyong partner lalo na kung lagi na lang siyang nagtatampo sa iyo.
Money/Career:
Dahil sa kasipagan mo sa iyong trabaho, mapapansin ka na ng iyong mga boss.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang merong bagay na bumabagabag sa iyo ngayon. Kung hindi mo ito aaksyunan, baka mas lalo lang itong lumala.
Love:
Couples: Kailangan mo na gumawa ng desisyon sa inyong relasyon. Kumilos ka na bago pa mahuli ang lahat.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa kalusugan ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 27
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maglaan ka ng oras para makasama mo ang iyong pamilya. Yayain mo sila sa labas para naman makapagbonding kayo.
Love:
Singles: Mukhang hindi ka na basta-basta pumapatol sa kung sino-sino. Ito na ang tamang panahon para magseryoso ka.
Money/Career:
Maging confident ka lang palagi at siguradong lalabas ito sa iyong mga gawa.
Lucky color: Black
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka basta-basta manghusga ng iyong kapwa. Alamin mo muna kung ano ba talaga ang totoo bago ka gumawa ng aksyon.
Love:
Couples: May malaking chance na mairita sa iyo ang iyong partner. Mahaba ang kanyang pasensiya pero huwag mo itong susubukan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong hayaang tamarin ka ngayong araw. Marami ka pang dapat gawin kaya naman kumilos-kilos ka.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, mas mabuti kung habang maaga pa ay open na kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang maraming oportunidad ang darating sa iyo kahit na meron ka ng magandang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12