Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang event na pupuntahan, mas mabuting magpass ka na lang muna rito kung kulang ka pa sa pahinga.
Love:
Singles: Ayusin mo muna ang problema ng iyong pamilya bago ka pumasok sa isang seryosong relasyon.
Money/Career:
Kung hindi ka magfofocus sa iyong mga gawain, may chance na mag-night shift ka na naman.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang malapit mo na malaman kung ano talaga ang gusto mong gawin sa hinaharap. Ibigay mo ang iyong best effort dito.
Love:
Couples: Mukhang magiging malambing sa iyo ang iyong partner ngayong araw at baka isipin mo na may gusto lang siyang ipabili sa iyo.
Money/Career:
Magiging demanding ang araw na ito para sa iyo kaya naman hindi ito ang oras para magpetiks ka.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging blooming ka ngayong araw. Paniguradong mapapansin ito ng iyong mga kaibigan kaya naman magtataka sila kung bakit.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Magplan ka ng
sorpresa para sa kanya.
Money/Career:
Dahil sa pagiging masipag mo sa iyong trabaho, may malaking chance na may matanggap kang bonus sa iyong boss.
Lucky color: White
Lucky number: 22
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang maraming tao ang makakapansin sa iyo ngayong araw dahil mukhang meron kang binago sa iyong itsura.
Love:
Couples: Kung nag-away man kayong dalawa, dapat ay ayusin ninyo na ito at huwag na ninyong hayaang lumaki pa ito.
Money/Career:
Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mahiyang magpatulong sa iyong mga kaibigan lalo na kung expert naman sila roon.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na maging pasaway ka sa araw na ito, kaya naman magiging sakit ka sa ulo para sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang malalaman mo na ang dahilan kung bakit parang iba ang kinikilos ng iyong partner kamakailan.
Money/Career:
Kung meron kang job interview ngayong araw, mas maganda kung magsusuot ka ng puti.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung nalilito ka kung aling desisyon ba talaga ang dapat mong gawin, piliin mo kung saan ka hindi kokonsensiyahin.
Love:
Couples: Mukhang may malaking chance na magkaroon ng kumplikasyon sa inyong relasyon ngayong araw. Habaan na lang ninyo ang inyong pasensiya para maayos ninyo ito kaagad.
Money/Career:
Kung wala ka namang kinalaman sa isang problema, huwag ka na makitsismis.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi ka maintindihan ng ibang tao, mas mabuting huwag ka na magsayang ng oras para mag-explain sa kanila.
Love:
Couples: Mukhang hindi papatalo sa iyo ang iyong partner sa inyong argumento, kaya para matapos na lang, pagbigyan mo na lang siya.
Money/Career:
Kung masipag ka sa iyong trabaho, may chance na mabigyan ka ng regalo ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Marami ka ngang mga kaibigan, pero hindi mo naman maaasahan ang karamihan sa kanila. Next time, piliin mong mabuti ang iyong kakaibiganin.
Love:
Singles: Lumabas ka kasama ng iyong mga kaibigan at may malaking chance na makasalubong mo ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Mukhang susuwertehin ka ngayong araw dahil maaaring may magbigay sa iyo ng pera.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kailangan mo ng tulong, at kung maaga mo itong marerealize, mas mabilis kang matutulungan ng ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo at may malaking chance na may pagtingin din siya sa iyo.
Money/Career:
Huwag kang mandaya sa iyong trabaho para masabing natapos mo na ang iyong mga gawain.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang maguguluhan ang iyong isip ngayong araw, kaya naman hindi ka masyadong makakagawa ng mga magagandang desisyon.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong solohin ang iyong mga problema. Nakahanda namang tumulong ang iyong partner tungkol sa mga ito.
Money/Career:
Mukhang may chance na makatanggap ka ng pera ngayong araw mula sa isang hindi inaasahang tao.
Lucky color: Cream
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mas mabuti kung hindi ka muna makikipag-away ngayong araw lalo na kung ayaw mong masira ang iyong araw at mood.
Love:
Couples: Huwag kang masyadong mag-alala sa iyong partner dahil sure naman na alam niya ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Mukhang may taong magbabayad sa iyo ng kanyang utang ngayong araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang muli mong makakabonding ang iyong dating kaibigan. Kamustahin mo siya at malay mo maging madalas na ang inyong pagkikita.
Love:
Singles: Huwag ka na magsayang ng oras sa mga taong hindi ka naman seseryosohin. Mas mabuting huwag ka na lang muna magpastress sa kanila.
Money/Career:
Lalo kang suswertehin sa buhay lalo na kung meron kang charity org na sinasalihan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14