Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, kaya naman madaliin mo ang pagkuha sa mga ito bago pa ito mapunta sa iba.
Love:
Singles: Oras na para magseryoso ka. Bawas-bawasan mo na ang pakikipagflirt mo sa kung sino-sino dahil wala ka namang mapapala sa kanila.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho. Alalahanin mong mabuti ang mga inutos sa iyo para hindi ka magkamali.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may matatanggap kang balita mula sa iyong kaibigan ngayong araw. Makinig ka sa sasabihin niya at huwag siyang barahin.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mangamba kung nasa malayo man ang iyong partner. Magtiwala ka na lang sa kanya dahil may tiwala rin naman siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na madelay ang pagtanggap mo ng pera.
Lucky color: Grey
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Umaksyon ka na bago pa mahuli ang lahat. Hindi ito ang panahon para magdalawang-isip ka pa sa pagdedesisyon.
Love:
Couples: Kung hindi mo pakikinggang mabuti ang iyong partner, maaaring hindi kayo magkaintindihan at mag-away na naman kayo.
Money/Career:
Maging honest ka sa iyong mga gawain. Huwag mong iwan ang iyong mga trabaho lalo na kung hindi pa tapos ang mga ito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 24
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, gawin mo ito lalo na kung lagi ka naman nilang tinutulungan din.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner ngayong araw, kaya naman medyo magbabago ang mga ikikilos niya.
Money/Career:
Kung hindi mo sure kung ano ang dapat mong gawin, humingi ka ng tulong sa taong expert dito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Iwasan mo na ang pagiging negative. Maraming bagay ang makakapagpasaya sa iyo kaya naman magfocus ka na lang sa mga bagay na iyon.
Love:
Couples: Kahit na gusto mong makipagbonding sa iyong partner, may mga bagay talaga na hahadlang dito.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance ka na maging successful sa isang bagay na talaga namang hilig mong gawin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maganda ang araw na ito para makipagbonding ka sa iyong pamilya. Yayain mo silang kumain sa labas o kaya’y manood ng sine.
Love:
Singles: Bago ka pumasok sa isang relasyon, dapat ay disiplinado ka para hindi kayo magkaroon ng maraming problema sa inyong relasyon.
Money/Career:
Huwag ka masyadong masungit sa iyong trabaho. Dapat ay huminahon ka lang kahit na merong problema.
Lucky color: Blue
Lucky number: 22
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mo munang huminahon bago ka gumawa ng desisyon, para naman matino ang iyong pag-iisip at hindi mo ito pagsisihan sa huli.
Love:
Couples: Mukhang may malaking chance na magkaroon ng 3rd party sa inyong relasyon at mukhang may posibilidad na ito ay ang iyong ex.
Money/Career:
Magiging maayos din ang lahat kaya naman habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Hindi pa huli ang lahat para magplano ka. Bilisan mo lang ang iyong kilos para naman makahabol ka pa.
Love:
Couples: Yayain mong lumabas ang iyong partner ngayong araw dahil mabobore ka lang kung uuwi ka nang maaga.
Money/Career:
Huwag mong iwasan ang iyong mga trabaho. Marami ka pang dapat gawin kaya naman kumilos ka.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 19
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na may makilala kang tao at mukhang bibigyan ka niya ng advice na makakatulong sa iyong problema.
Love:
Couples: Kung gusto mong magtagal ang inyong relasyon, dapat ay marunong kang isantabi ang iyong ego.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, may malaking chance na mapansin ka na ng iyong mga boss.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ng iyong mga kaibigan. Pero mukhang mas maganda kung iiwas ka muna sa mga tsismis.
Love:
Singles: Huwag ka basta-basta magtiwala sa mga taong recently mo lang nakilala. Maging mapanuri sa mga kilos nila.
Money/Career:
Mukhang mas mabuti kung hindi ka muna makikialam sa problema ng ibang tao sa iyong trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may kasama ka sa trabaho na may balak kang siraan ka sa iyong boss. Maging maingat sa iyong mga kilos.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Magchill-chill ka muna.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka muna magpastress sa araw na ito. Kung gusto mo, pwede kang manood ng pelikula o kaya’y pumunta sa mga bar.
Love:
Couples: Huwag kang matakot kung nagiging seryoso na talaga ang inyong relasyon. Matuwa ka dahil talagang dedicated ang iyong partner sa iyo.
Money/Career:
Bawas-bawasan mo na ang pagiging pasaway mo sa iyong trabaho. Marami lang ang maiinis sa iyo kung ipagpapatuloy mo ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 17