Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng may exam na pinaghahandaan.
Love:
Singles: Subukan mong iimprove ang iyong sarili at baka sakaling may taong magkagusto sa iyo. Huwag ka masyadong mahiyain.
Money/Career:
May malaking chance na makapag-abroad ka dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyadong maging clingy sa mga gamit mo. Kung hindi mo naman ginagamit ang mga ito masyado, mas mabuting ibigay na lang ito sa iba.
Love:
Singles: Mukhang ang taong para sa iyo ay nasa malapit lang. Huwag ka na kasi tumingin pa sa malayo.
Money/Career:
Mukhang makakabuti sa iyo kung makakapagsimula ka ng isang bagong proyekto para naman ganahan ka ulit.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang dapat sabihin sa iyong mga kamag-anak, gawin mo na agad ito. Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.
Love:
Singles: Mukhang obvious naman kung sino talaga dapat ang taong makatuluyan mo. Pero mukhang nagdadalawang-isip ka pa rin na ipursue siya.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng problema sa iyong trabaho kaya naman hindi ka makakapagfocus nang mabuti.
Lucky color: Rose
Lucky number: 17
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mag-isip ka munang mabuti bago mo tanggapin ang isang offer galing sa iyong kaibigan. Huwag ka muna pumayag kaagad.
Love:
Couples: Mukhang hindi matutuloy ang lakad ninyo mamaya kaya mas mabuting magpahinga na lamang sa bahay.
Money/Career:
Kung paulit-ulit na lamang ang iyong ginagawa araw-araw, darating din ka sa point na magsasawa ka.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang handa kang akuin ang kasalanan ng ibang tao. Pero mag-ingat ka lang dahil mukhang hindi mo talaga magugustuhan ang mangyayari.
Love:
Couples: Makuntento ka sa kung anong meron ka. Huwag mong ipagyabang ang bagay na hindi mo pa naman nakukuha.
Money/Career:
Mukhang magagawa mong tapusin ang iyong mga gawain ngayong araw kaya naman wala ka na masyadong aalahanin pa.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magkakaroon na ng magandang resulta ang iyong paghihirap. Kapit lang at ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag mo.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na pumasok sa isang relasyon. Huwag mo lang kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na makapag-abroad ka, kaya ayusin mo na agad ang iyong visa.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ng iyong mga kaibigan. Huwag ka lang masyadong magpagabi para hindi mag-alala ang ibang tao sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang nagiging busy ka sa iyong mga gawain kaya naman hindi ka na masyadong nakakapaglaan ng oras sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang magiging maganda naman ang takbo ng iyong araw kaya naman magrelax-relax ka lang.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, pero dapat ay magkaroon ka ng oras para gawin ang mga ito para hindi masayang.
Love:
Couples: Kung may problema ka, huwag kang mahiya sa iyong partner dahil sigurado namang maiintindihan ka niya.
Money/Career:
Mukhang magfofocus ka sa isang bagay, kaya naman hindi mo mamamalayan ang pagtakbo ng oras.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may kailangan kang puntahan ngayong araw, kaya naman agahan mo ang alis mo para hindi ka maipit sa traffic.
Love:
Singles: Mukhang may taong makikipagflirt sa iyo ngayong araw. Pero huwag mo na lang siyang patulan dahil paniguradong bored lang siya.
Money/Career:
Iwasan mo munang gumastos sa mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan kaagad.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag kang susuko. Kahit gaano pa kahirap ang problema mo, tandaan mo na may solusyon dito kaya naman mag-isip ka lang.
Love:
Couples: Mukhang may pagbabagong magaganap sa inyong relasyon at mapapansin mo ito sa mga ikikilos ng iyong partner.
Money/Career:
Mukhang unti-unti nang lumalaki ang iyong ipon, kaya naman hindi masama kung magtayo ka ng sarili mong business.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging maganda naman ang araw mo, pero iwasan mo lang mainis tungkol sa isang bagay dahil hindi naman ito importante.
Love:
Couples: Maglaan ka muna ng oras sa iyong pamilya lalo na kung nagiging busy ka na masyado sa iyong trabaho.
Money/Career:
Kung feeling mo ay may mali sa iyong mga ginagawa, mas mabuting magsimula ka na lang muli sa umpisa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mo nang pag-isipang mabuti kung ano ba talaga ang gusto mong gawin, para naman hindi masayang ang oras mo.
Love:
Couples: Kung gusto mong magtagal pa ang inyong relasyon, kailangan mong maging matatag at magsakripisyo para sa iyong partner.
Money/Career:
Kung magiging pulido ang iyong mga gawain, tiyak na matutuwa sa iyo ang iyong mga boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 5