Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magrelax-relax ka muna. Huwag mo muna isipin ang iyong mga problema para hindi ka gaano mastress.
Love:
Couples: Magplano ka ng something special sa iyong partner ngayong araw. oras na para bumawi ka sa mga panahong naging busy ka.
Money/Career:
Mukhang malapit na dumating ang time na mapansin ka ng iyong mga boss sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging maganda ang mood mo ngayong araw. Mag-ingat ka lang dahil may chance na meron kang masabi na hindi maganda sa iyong kapwa.
Love:
Singles: Huwag kang maging awkward sa tuwing kasama mo siya. Maiilang lang siya sa iyo kapag pinagpatuloy mo ito.
Money/Career:
Kumilos ka. Gawin mo ang isang bagay kung saan ka talaga tunay na liligaya.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang sariling business, may malaking chance na makapag-expand kayo o kaya’y maparenovate ang inyong lugar.
Love:
Couples: Kilalanin mong mabuti ang iyong partner. Kung naguguluhan ka tungkol sa isang bagay, tanungin mo siya.
Money/Career:
Mukhang malapit ka na maging successful sa iyong trabaho. Maging consistent ka na lamang dito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magiging sweet ka sa mga taong makakasama mo ngayong araw at dahil diyan, may ilan sa kanila ang magkakagusto sa iyo.
Love:
Singles: Maging mabait ka sa mga taong makikilala mo ngayong araw. Maaaring dumami ang iyong mga kaibigan dahil dito.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung nahihirapan ka sa isang bagay, humingi ka ng tulong sa isang kaibigan. Padalhan mo siya ng email.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa iba. Pero mag-ingat ka lang dahil walang seseryoso sa iyo kapag lagi mo itong ginagawa.
Money/Career:
Kailangan mong idevelop ang iyong sense of humor para naman hindi ka masyadong stressed sa trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka matakot iexpress ang iyong nararamdaman sa ibang tao. Diretsuhin mo na sila at huwag kang magpaligoy-ligoy pa.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong seryoso at mag-isip ng kung ano-ano. Kumalma ka lang dahil wala ka namang dapat ipangamba.
Money/Career:
Mukhang malapit mo na makuha ang isang trabaho na matagal mo nang inaasam.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung magfofocus ka lamang sa iyong trabaho, tiyak na marami kang gawain na matatapos at makakauwi ka nang maaga.
Love:
Couples: Mukhang maguguluhan ang iyong partner ngayong araw dahil sa mga ikinikilos mo. Huwag kang padalos-dalos.
Money/Career:
Maging consistent ka sa iyong trabaho. Ipakita mo sa iyong boss na kaya mo ang kanyang mga ipinapagawa.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na may makilala ka ngayong araw at makakaapekto siya ng malaki sa iyong buhay.
Love:
Singles: Mukhang magiging seryoso ka na this time sa iyong magiging relasyon. Naghahanap ka na ng matinong partner na makakasama mo habang buhay.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maging positive ka lang dahil maraming oportunidad ang darating sa buhay mo. Habaan mo na rin ang iyong pasensiya.
Love:
Singles: Mukhang may chance na mabighani ka sa isang foreigner. Huwag kang mag-alala dahil mukhang bagay naman kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Laban lang. Alam mo sa iyong sarili na malaki pa ang iyong iiimprove kaya naman huwag kang susuko.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gawin mo ang mga bagay kung saan ka magiging masaya. Huwag kang magpadikta sa iba dahil maaaring magsisi ka lang sa huli.
Love:
Couples: Kung may plano kayong dalawa na magsama na, isipin ninyo muna kung talaga bang handa na kayo para rito.
Money/Career:
I-enjoy mo lang ang araw na ito. Huwag ka muna magpastress sa iyong mga gawain dahil kaya mo namang tapusin ang mga ito.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging tama ang iyong desisyon na gagawin ngayong araw. Makakatulong ito para lalo ka pang magkaroon ng pera.
Love:
Couples: Kung gusto mo talaga na magtagal kayong dalawa, dapat ay habaan mo ang iyong pasensiya lalo na kung pasaway ang iyong partner.
Money/Career:
Kung may mga kasama ka na naiinggit sa iyo, mas mabuting huwag na lamang silang pansinin at patulan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring mawalan ka ng pera at mapipilitan ka tuloy na mangutang sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Intindihin mo rin minsan ang iyong partner. Huwag lang lagi puro sarili mo ang dapat mong isipin.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na kailangan at gagamitin mo talaga ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 16