Aries (Mar 21 – Apr 19)
Masyadong maraming ang nangyayari sa iyong paligid kaya naman mas mabuting magconcentrate ka para hindi ka malito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para regaluhan mo ang iyong partner lalo na kung hindi ka niya pinapansin kamakailan.
Money/Career:
Kung meron kang balak na bumili ng bahay o sasakyan, gawin mo na ito sa araw na ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman prone ka sa paggawa ng mga maling desisyon lalo na kung mabibigla ka.
Love:
Singles: Huwag ka na makipagflirt sa ibang tao lalo na kung meron na silang partner sa buhay. Marami pa diyang iba.
Money/Career:
Mukhang pahirap nang pahirap ang iyong mga gawain sa trabaho kaya naman dapat ay galingan mo pa.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag kang susuko hanggat hindi mo pa nakukuha ang gusto mo. Magtiyaga ka lang at habaan mo ang iyong pasensiya.
Love:
Singles: Kung gusto mo na mahalin ka ng ibang tao, dapat ipakita mo sa kanila na mahal mo ang iyong sarili.
Money/Career:
Kung balak mo nang kumalas sa isang partnership, mas mabuting gawin mo na ito habang hindi pa kumplikado ang lahat.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mong hayaang tamarin ka ngayong araw. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos ka.
Love:
Couples: Ienjoy mo lang ang mga bagay na ginagawa ninyo ng iyong partner kahit na gaano pa ito kababaw.
Money/Career:
Kahit na nasa trabaho ka, mukhang gugustuhin mo na umuwi na lang at magpahinga.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Bago ka magdesisyon tungkol sa isang bagay, siguraduhin mo munang pinag-isipan mo itong mabuti para hindi ka magkamali.
Love:
Couples: May malaking chance na maging romantic ka ngayong araw at aakalain ng iyong partner na may hihilingin ka lang sa kanya.
Money/Career:
Kung merong kang matatanggap na advice galing sa iyong boss, mas makakabuti sa iyo kung susundin mo ito.
Lucky color: Violet
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung merong taong nanakit sa iyo recently, may malaking chance na karmahin siya ngayong araw.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para pumasok ka sa isang relasyon. Maghintay- hintay ka na lang muna.
Money/Career:
May malaking chance na lumipat ka ng trabaho lalo na kung toxic ang mga katrabaho mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang gustong gawin, mas mabuting ikaw na mismo ang magsimula nito at huwag mo na hayaang masayang ang oras mo.
Love:
Couples: Huwag mong icompare ang relasyon ninyo sa ibang tao dahil ikaw lang ang mapapraning kung gagawin mo ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa kalusugan ang trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 3
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang magiging demanding ang araw na ito para sa iyo ngayong araw. Kaya naman huwag ka na magsayang ng oras at kumilos ka na.
Love:
Singles: Mukhang may taong didiskarte sa iyo ngayong araw. Pero kung manhid ka, hindi mo siya mapapansin.
Money/Career:
Huwag ka mawalan ng pag-asa lalo na kung malasin ka man ngayong araw. Magiging maswerte ka naman sa mga susunod na araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging busy ka ngayong araw, kaya naman huwag ka na magpaistorbo sa ibang tao at magfocus na lamang sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Hindi lahat ng sikreto ng iyong partner ay kailangan mong alamin. Dapat ay nirerespeto mo ang kanyang privacy.
Money/Career:
Kung nakukulangan ka sa iyong kinikita, marahil ay panahon na para maghanap ka ng sideline.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mag-ingat ka sa iyong mga sasabihin ngayong araw dahil may malaking chance na meron kang maoffend na tao.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para makipagbati ka sa isang tao na nakagalit mo, lalo na kung matagal na itong nangyari.
Money/Career:
Kung proud ka sa iyong trabaho, makikita ito ng iyong mga boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Siguraduhin mong inaalagaan mo ang iyong sarili. Huwag ka muna kumain ng malalamig dahil sasakit lang ang tiyan mo.
Love:
Couples: Suportahan mo ngayong araw ang iyong partner. Huwag mo na rin siyang pagsabihan sa ilang bagay.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para magkaroon ng pagbabago sa iyong career.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 2
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka masyadong magpastress sa iyong mga gawain. Kung kailangan mo munang magpahinga, gawin mo ito.
Love:
Couples: Kung merong susubukang bago ang iyong partner, mas mabuti kung susuportahan mo siya at huwag pagtawanan.
Money/Career:
Humanda ka ngayong araw dahil may malaking chance na may matanggap kang regalo.
Lucky color: Green
Lucky number: 14