Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mag-ingat ka dahil may malaking chance na siraan ka ng isa mong kakilala dahil naiinggit siya sa iyo.
Love:
Singles: Huwag kang magpadikta sa ibang tao. Gawin mo ang isang bagay lalo na kung dito ka naman sasaya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Umalis ka na agad dito habang maaga pa.
Love:
Couples: Huwag kang mainsecure sa mga kaibigan ng iyong partner. Matutong makisama sa kanila.
Money/Career:
Iwasan mong maging tamad lalo na kung ikaw ay nasa trabaho. Kailangan mong bilisan ang iyong kilos lalo na kung gusto mo ng promotion.
Lucky color: Cream
Lucky number: 30
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong iwasan ang iyong mga obligasyon. Bago mo gawin ang iyong mga gusto, tapusin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo.
Love:
Couples: Hindi sapat na sinasabi mo lang sa iyong partner na mahal mo siya. Dapat ay ipinaparamdam mo rin ito.
Money/Career:
Mukhang magagawa mong tapusin ang anumang gawain na simulan mo ngayong araw.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 28
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mo nang harapin ang isang tao o bagay na matagal mo na iniiwasan. Panahon na para gumawa ka ng paraan tungkol dito.
Love:
Couples: Mukhang nagiging mas seryoso na ang inyong relasyon. Huwag kang mangamba dahil at least secured ka na.
Money/Career:
Mukhang may chance na magshopping ka ngayong araw, kaya naman magpasama ka sa iyong kaibigan at ilibre mo rin siya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Meron kang kaibigan na magse-share ng isang secret sa iyo. Gawin mo ang lahat para hindi ito ipagkalat sa iba.
Love:
Couples: Kung pipigilan mo ang iyong partner sa kanyang gustong gawin, dapat ay magrason ka sa kanya nang maayos.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para mag-invest sa isang bagay na talagang gusto mo.
Lucky color: Violet
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may matatanggap ka na good news ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman ito sa pera.
Love:
Couples: Mukhang magiging stable naman ang inyong relasyon. I-enjoy mo lang ang mga oras na kasama mo ang iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 30
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para ipakita sa ibang tao ang iyong natatagong talento. Malay mo, ito na ang tamang oras para sumikat ka.
Love:
Couples: May malaking chance na maging complicated ngayong araw ang inyong relasyon. Magchill muna kayo para hindi na lumalal pa ang gulo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong part-time job.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Iwasan mo munang manghula sa iyong mga gawain. Sundin mo kung ano ang inutos sa iyo para hindi ka na mapagalitan.
Love:
Singles: Mukhang maganda ang araw na ito para gumala ka kasama ng iyong mga kaibigan, lalo na kung hindi na kayo masyadong nagkakasama recently.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang tapusin ang isang gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: White
Lucky number: 28
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Ingatan mo ang iyong kalusugan, lalo na kung palagi ka na lang puyat sa mga nagdaang araw. Magpahinga na lamang at huwag na umalis ng bahay.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, gumawa kayo ng mga paraan para lalo pang maging close sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung meron kang problema sa iyong pamilya, mas mabuting solusyunan mo muna ito bago ka magfocus sa ibang bagay.
Lucky color: White
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mas mabuting lumayo ka sa mga taong negative ang pag-iisip. Huwag mo ring hayaang mahawaan ka nila.
Love:
Couples: Kung meron kayong problema, mag-usap kayo. Huwag ninyong idaan sa dedmahan dahil wala ring pupuntahan iyan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may malalaman kang bago ngayong araw at dahil dito, mas lalo pang mag-iimprove ang iyong personality.
Love:
Singles: Kailangan mong i-let go ang mga bagay na nagpapahirap sa iyo para makapagmove-on. Panahon na para magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay.
Money/Career:
May malaking chance na may mangyaring pagbabago sa iyong trabaho. Maging handa rito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magfocus ka sa mga bagay na gusto mong gawin at pwede mo itong pagkakitaan para naman may sarili ka ng pera.
Love:
Singles: Kung makita mo ulit ang iyong ex sa daan, may malaking chance na magkabalikan kayo lalo na kung single pa rin siya.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isang kasamahan mo sa iyong trabaho dahil may chance na siraan ka niya sa iyong boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 26