Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka muna magtiwala agad sa isang tao ngayong araw. Marahil ay kampante ka sa kanya pero dapat ay nag-iingat ka pa rin.
Love:
Couples: Mukhang kailangan mo na gumawa ng desisyon at may malaking chance na may kinalaman ito sa ugali ng iyong partner.
Money/Career:
Kahit na gusto mo naman ang iyong ginagawa, may mga bagay pa rin tungkol dito na nakakairita para saiyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang meron kang kakilala na malapit nang ikasal. Kaya naman huwag mong kalimutang bigyan siya ng regalo lalo na kung close kayo.
Love:
Couples: Parang nabo-bore ka na sa inyong relasyon, kaya naman ito na ang tamang panahon para gawan mo ito ng paraan.
Money/Career:
Huwag ka matakot na gumawa ng desisyon na may kinalaman sa future ng iyong career.
Lucky color: Brown
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang problema sa ngayon, mas makakabuti sa iyo kung hahayaan mong tulungan ka ng iyong pamilya.
Love:
Couples: Kung matagal na nung huli kayong lumabas na dalawa, panahon na para gawin ninyo ulit to at dalas-dalasan ninyo na.
Money/Career:
Kung feeling mo ay hindi mo matatapos ang iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong kasama.
Lucky color: Brown
Lucky number: 19
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung may taong magpapayo sa iyo, gawin mo ang kanyang sinasabi para naman hindi masayang ang kanyang effort na pagtulong sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong tensyonado. Magrelax ka lang para hindi na rin mag-alala ang iyong partner. Chillax ka lang.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil baka maakusahan ka tungkol sa isang bagay na hindi mo naman ginawa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mong hayaang tamarin ka ngayong araw. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos ka na. Sige ka, ikaw rin.
Love:
Couples: Mukhang mawi-weirduhan ka ngayong araw sa iyong partner dahil sa kanyang mga sinasabi. Mas mabuting huwag mo na muna siyang pansinin.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng pera mula sa isang tao ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Panahon na para gumawa ka ng desisyon. Huwag mo na ito patagalin pa dahil ikaw lang ang mahihirapan sa huli.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong pananamit ngayong araw at may malaking chance na may taong mabighani sa iyo.
Money/Career:
Maging positive ka lang palagi. Tatagan mo ang iyong loob dahil mahirap talaga ang laging stressed sa trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may pagbabago na magaganap sa buhay mo. Hindi mo man ito magustuhan sa umpisa, tiyak naman na may positive na effect ito sa buhay mo.
Love:
Couples: Kung meron kang hindi gusto sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya at baka sakaling baguhin niya ito para sa iyo.
Money/Career:
Magtipid ka pa rin kahit na alam mong malaki naman ang iyong kinikita.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo basta-basta sasabihin ang iyong mga sikreto sa iyong mga kaibigan dahil may malaking chance na ipagkalat nila ito sa iba.
Love:
Singles: Mukhang wala ka na talagang pag-asa sa iyong crush, kaya naman magmove on ka na dahil marami pa naman diyang iba na mas deserving.
Money/Career:
Bago ka gumastos ngayong araw, siguraduhin mo muna na talagang kailangan mo ang mga bibilhin mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka masyadong magpanic sa isang problema na hinaharap mo ngayon. May solusyon naman dito kaya mas mabuting gawan mo na ito ng paraan.
Love:
Couples: May malaking chance na magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw. Huwag ninyong hayaan na matapos ang araw na hindi kayo nagbabati.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw dahil may malaking chance na may taong magbayad ng kanyang utang sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, pero tanggapin mo lamang ang mga ito lalo na kung paglalaanan mo ito ng oras.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner. Intindihin mo na lang muna siya dahil baka may pinoproblema lang siya.
Money/Career:
May chance na makapag-abroad ka dahil sa iyong trabaho, kaya naman ayusin mo na ang requirements mo.
Lucky color: Maroon
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka muna magpastress ngayong araw. Kung wala ka namang gagawin, mas mabuting manatili ka na lang muna sa bahay.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner sa isang outdoor activity lalo na kung napapansin mo na kulang na siya sa exercise.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka magpabago-bago ng desisyon. Panindigan mo ang iyong sinabi lalo na kung ayaw mong mawala ang tiwala sa iyo ng ibang tao.
Love:
Couples: May malaking chance namairita ka sa iyong partner, kaya naman mas mabuting lumayo-layo ka muna sa kanya.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para gawin mo ang mga bagay na hindi mo natapos kahapon.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 29

