Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mong gawin ang lahat ng mga mahihirap na bagay sa umaga para matira na lang sa hapon ay ang mga madadali.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner ngayong araw. Huwag ka masyadong magpanic dahil mukhang maganda naman ito.
Money/Career:
Magiging ayos lang naman ang iyong araw sa trabaho. Umiwas ka na lamang sa mga katrabaho mong panay reklamo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi lahat ng pagbabago ay maganda. Kaya kung feeling mo ay hindi ito makakatulong sa iyo, panahon na para umaksyon ka.
Love:
Couples: Lambingin mo naman ang iyong partner, lalo na kung naging busy ka masyado kamakailan sa iyong trabaho.
Money/Career:
Mukhang malapit ka na maging successful, pero may mga bagay talaga na nangyayari kaya nade-delay ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Bago mo gawin ang mga bagay na gusto mo, siguraduhin mo munang natapos mo na ang mga bagay na inutos sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang merong problemang hinaharap ang iyong partner, kaya naman suportahan mo siya lalo na ngayon.
Money/Career:
Huwag ka makipagtsismisan o makipagflirt sa iba sa oras ng trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring malito ka sa mga mangyayari ngayong araw. Kaya kung hindi mo naman ito magawan ng paraan, mas mabuting sumabay ka na lamang sa agos.
Love:
Couples: Kung feeling mo ay mali ang ginagawa ng iyong partner, sabihin mo ito sa kanya. Magpaliwanag ka nang mabuti para hindi siya maoffend.
Money/Career:
Bago ka gumastos sa araw na ito, siguraduhin mo muna na mga importanteng bagay lamang ang iyong mga bibilhin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may mga bagay ka na mamadaliin ngayong araw. Siguraduhin mo lang na nag-iingat ka para hindi ka magkamali.
Love:
Couples: May malaking chance na gumanda pa lalo ang inyong samahan.
Singles: Magmasid-masid ka sa paligid dahil mukhang may taong magkakagusto sa iyo.
Money/Career:
Huwag kang mairita lalo na kung feeling mo ay hindi mo matatapos ang iyong mga gawain bago ang deadline.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Bago mo gawin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na wala kang maaapektuhang tao na makakasira sa kanyang araw.
Love:
Couples: Mukhang mas makakabuti kung maglalaan muna kayo ng panahon sa inyong mga magulang at kapatid ngayong araw.
Money/Career:
Kung gusto mo makapag-abroad, makakatulong sa iyo kung meron kang kakilala na doon na nagtatrabaho.
Lucky color: Lime green
Lucky number: 29
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Irespeto mo ang paniniwala o opinyon ng ibang tao. Hindi porke magkaiba ang tingin ninyo sa isang bagay ay mali na talaga ang isa.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mag-alala sa iyong partner. Kaya niya ang kanyang sarili at mukhang responsable naman siya.
Money/Career:
Kung nakukulangan ka sa iyong kinikita, marahil ay panahon na para ikaw ay kumuha ng sideline.
Lucky color: Purple
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang mapapansin ka ng maraming tao ngayong araw. Dahil dito, may iba sa kanila ang maiinggit dahil sa atensyon na matatanggap mo.
Love:
Couples: Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya sa iyong partner. Alam natin na pasaway siya kaya pagbigyan mo na siya paminsan-minsan.
Money/Career:
Kung kaya mo namang tulungan ang ibang tao, huwag mo itong ipagdamot sa kanila.
Lucky color: Light green
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang panahon na para putulin mo ang iyong koneksyon sa isang tao na hindi na nakakatulong para sa iyong improvement.
Love:
Couples: Mag-ingat ka ngayong araw dahil malaki ang chance na maging lapitin ka ng tukso at magalit sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa kotse o gamot ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para makipagmeet ka sa mga dati mong kaklase o kaibigan. Pumunta kayo sa mall para makapamasyal.
Love:
Couples: Mukhang kuntento ka naman sa takbo ng inyong relasyon, pero meron pa namang iimprove ang samahan ninyo.
Money/Career:
Alagaan mo ang iyong sarili dahil kapag nagkasakit ka, mapipilitan kang umabsent sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-ingat ka ngayong araw, lalo na kung pupunta ka sa mall dahil may chance na may bilhin kang bagay na hindi mo naman talaga kailangan.
Love:
Singles: Huwag mong pilitin ang isang tao na mahalin ka. May taong nakatadhana sa iyo kaya naman maghintay ka lang.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ka lalo na kung meron kang charity organization na sinusuportahan.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may pagbabago na mangyayari sa iyong buhay, pero tandaan mo na hindi ka dapat kabahan dahil mukhang maganda naman ito para sa iyo.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na sumali sa isang outdoor activity, lalo na kung feeling mo ay tumataba na kayo pareho.
Money/Career:
Kung meron kang job interview na paparating, dapat paghandaan mo itong mabuti para makuha mo ang trabahong inaasam mo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 25