Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung gusto mong gumimik mamayang gabi, siguraduhin mo na tapos mo na ang iyong mga gawain para wala ka na masyadong aalahanin.
Love:
Singles: Mukhang makikita mo na ngayong araw ang taong nakatadhana sa iyo. Kaya naman mag-ayos-ayos ka naman kahit papaano.
Money/Career:
Hindi naman masama na magshopping ngayong araw lalo na kung marami ka namang sobrang pera.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Yayain mo ang iyong mga kaibigan na gumala ngayong araw para naman gumanda ang mood mo at maaliw ka kahit na papaano.
Love:
Singles: Huwag ka na magsayang ng oras sa mga taong hindi ka naman pinapahalagahan. Ibaling mo na lang ang atensyon mo sa iba.
Money/Career:
Mukhang ayos lang naman ang mga ginagawa mo. Maging consistent ka na lamang sa mga ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung medyo nagiging bored ka na kamakailan, mas maganda siguro kung gumala ka muna sa iyong paboritong lugar.
Love:
Singles: Mukhang may taong magiging clingy sa iyo ngayong araw. Pansinin mo siya at baka may sorpresa pa siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang hindi pa ito ang tamang oras para pumasok ka sa isang investment.
Lucky color: Purple
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Okay lang naman na magfocus ka sa iyong career, pero dapat ay naglalaan ka pa rin ng sapat na oras para sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Ipakita mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Gumawa ka ng mga romantic na bagay para sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka na mag-aksaya ng panahon sa mga maliliit na bagay. Marami ka pang dapat asikasuhin na mas importanteng mga bagay.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 19
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Ayusin mo na ang iyong mga problema kaagad bago pa lumala ang mga ito. Mahihirapan ka lang sa huli kung hindi mo ito paglalaanan ng panahon.
Love:
Couples: Darating din ang panahon na mas maiintindihan ninyo ang sitwasyon ng bawat isa. Kaya sa ngayon, habaan ninyo na muna ang inyong pasensiya.
Money/Career:
Mukhang magiging maganda ang araw mo sa iyong trabaho dahil marami kang bagay na matatapos.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo naiintindihan ang mga bagay na nangyayari sa iyong paligid, mas mabuti kung sumabay ka na lang muna sa agos.
Love:
Singles: Magpahinga ka muna sa kakahanap ng iyong magiging partner. I-enjoy mo na lang ang iyong pagiging single.
Money/Career:
Hindi importante kung maraming pagsubok ang dumating sa buhay mo. Ang mahalaga ay kung paano mo lalampasan ang mga ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 4
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Dahil sa maganda ang takbo ng iyong career, hindi maiiwasan na may mga ilang tao ang maiinggit sa iyo at siraan ka.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ipasyal mo ang iyong partner. Pumunta kayo sa isang lugar na romantic.
Money/Career:
Kung meron kang balak na bumili ng bahay, paghandaan mo na ito ngayon pa lang.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Meron kang mga bagay na mamadaliin ngayong araw. Tandaan mo na lang na mag-ingat kang mabuti dahil malaki ang chance mo na magkamali.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nahuhulog sa isa sa iyong mga kaibigan. Huwag ka masyadong magpahalata kapag kausap mo siya.
Money/Career:
Gaganda ang status ng iyong career kung nakafocus ka talaga at hindi ka tinatamad tuwing ikaw ay nasa trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging maganda ang mood mo ngayong araw, kaya naman hindi masamang ilibre mo ang ilan sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: May malaking chance na may taong umakit sa iyong partner ngayong araw. Gawin mo ang lahat para hindi siya magtagumpay.
Money/Career:
Subukan mong gawin ang mga bagay na mahirap para sa iyo at baka naman meron ka nang maisip na solusyon para sa mga ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung marami kang dapat na gawin, subukan mong gumawa ng schedule para alam mo kung alin sa mga ito ang dapat mong unahin.
Love:
Singles: May mga taong nagmamahal sa iyo kaya naman huwag mo silang balewalain. Matuto kang iappreciate ang efforts nila.
Money/Career:
Mukhang hindi masyadong maganda ang iyong pakiramdam, kaya naman huwag mong kalimutang uminom ng gamot.
Lucky color: Red
Lucky number: 26
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bago ka gumawa ng desisyon, pag-isipan mo muna itong mabuti lalo na kung ayaw mong magsisi sa huli.
Love:
Couples: Kung dapat mong pigilan ang iyong partner sa kanyang gagawin, gawin mo ito lalo na kung sa tingin mo ay makakasama ito sa kanya.
Money/Career:
Kailangan mong alamin kung anong mga bagay ang dapat mong bilhin. Huwag ka muna gumastos sa mga bagay na hindi naman gaano kaimportante.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman subukan mo munang lumayo sa iyong mga kaibigan para hindi sila mabadtrip sa iyo.
Love:
Couples: Huwag kang mahiya na sabihin sa iyong partner ang ilan sa iyong mga sikreto. Tingnan mong mabuti ang kanyang magiging reaksyon.
Money/Career:
Mukhang maganda naman ang status ng iyong career kaya huwag ka na masyadong magpastress dito.
Lucky color: White
Lucky number: 5