Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka na masyadong mag-alala. Tiyak naman na may maiisip ka ring paraan kaya naman magchill- chill ka muna.
Love:
Couples: Mukhang magiging stable naman ang inyong samahan. Maging consistent lang kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
May malaking chance na magkasakit ka ngayong araw, kaya naman maaapektuhan nito ang performance mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may nalaman kang sikreto, huwag mo na itong ipagkalat pa sa iba dahil ikaw lang ang malilintikan.
Love:
Singles: Kung hindi ka sigurado sa iyong gagawin, mas mabuting hingin mo ang opinyon ng iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Kung hindi mo man kayang tapusin ang iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
Ipakita mo sa iba kung sino ka talaga. Malay mo, may taong magkagusto sa iyo nang hindi mo namamalayan.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong mag-isip. Pinapalala mo lang ang sitwasyon kaya naman kumalma ka muna.
Money/Career:
May malaking chance na maging hectic ang iyong schedule ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang planong gawin ngayong araw, magagawa mo ito nang maayos at marami ang pupuri sa iyo.
Love:
Couples: May malaking chance na maging pasaway ang iyong partner ngayong araw, kaya naman mas mabuting habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Kahit na anong gawin mo, hindi mo maipagkakaila na napaka-talented mong tao.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Okay lang naman na makisama ka sa ibang tao, pero dapat ay alam mo rin kung kailan ka dapat tumanggi sa kanila.
Love:
Couples: May malaking chance na maging romantic sa iyo ang iyong partner, kaya naman humanda ka sa kilig na hatid niya.
Money/Career:
Hindi talaga maiiwasan na gumastos ka ng malaki ngayong araw. Dalas-dalasan mo na lang ang pagtitipid.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Ito na ang tamang panahon para magdesisyon ka tungkol sa isang bagay na matagal mo na pinag-iisipan.
Love:
Singles: Para magka-love life ka, dapat ay maging socially available ka. Labas-labas din ng bahay pag may time.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka ngayong araw, basta ba ingatan mo lang na huwag mawala ang iyong wallet.
Lucky color: Purple
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung kaya mo namang tulungan ang iba, gawin mo ito dahil darating din ang araw na ikaw naman ang hihingi ng tulong sa iba.
Love:
Singles: Hindi porke naiintindihan ninyo ang isa’t-isa ay kayo na ang nakatadhana. Huwag masyadong padalos-dalos.
Money/Career:
Kung gusto mo makauwi nang maaga, tapusin mo ang iyong mga gawain. Huwag ka na magpalusot pa.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magandang ideya kung susundin mo muna ang iyong mga hinala at kutob dahil malaki ang chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Huwag ka na malungkot kung wala ka pa ring love life sa ngayon. Mas mabuti siguro kung hindi ka na muna magfofocus sa paghahanap.
Money/Career:
Galingan mo sa iyong trabaho ngayong araw dahil may chance na babantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na maging magulo ang iyong isip ngayong araw, lalo na kung meron kang pinoproblema sa iyong buhay.
Love:
Singles: May malaking chance na magparamdam na sa iyo ang isang taong may crush sa iyo. Huwag magpanic at stay calm lang.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang isang offer, alamin mo muna kung legal ba ito o hindi.
Lucky color: Cream
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging pabor ang araw na ito sa iyo, basta ba magiging humble ka lang at huwag maging masyadong mayabang.
Love:
Couples: Kung meron kayong problema ng iyong partner, huwag mo na ito palakihin pa. Iwasan mong maging praning.
Money/Career:
Mukhang magiging okay naman ang araw mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na maging masaya ka ngayong araw, kaya naman macucurious ang mga tao sa iyong paligid dahil dito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Gawin ninyo ang mga bagay na ieenjoy ninyong dalawa.
Money/Career:
Kung hindi ka magmamadali sa iyong trabaho, may malaking chance na gabihin ka ulit dahil dito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magrelax ka. Hindi makakatulong sa iyo kung lagi ka na lamang magpapanic at magiging stressed sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kung medyo bored ka na sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para ikaw ay gumawa ng paraan.
Money/Career:
Kung hindi maganda ang nangyayari sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng panibago.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29

