Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka mo muna isipin ang iyong mga problema. Ilaan mo muna ang araw na ito para makabonding ang iyong pamilya.
Love:
Couples: Okay lang naman na makinig ka sa sinasabi ng iyong partner, pero dapat ay alam mo rin kung kailan ka dapat magsalita.
Money/Career:
Malapit ka na maging successful sa iyong career, kaya naman maging consistent ka na lamang sa iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging masayahin ka lang buong araw, kaya naman maganda ring yayain mong lumabas ang iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Unti-unti nang nawawala ang problema sa inyong relasyon, kaya naman ipagpatuloy ninyo lang ang pagiging open sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung meron kang bagay na gustong bilhin, maganda ang araw na ito para gawin ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maging maingat ka ngayong araw. Huwag ka na lumabas kung hindi naman importante dahil mnalaki ang chance na may makuha kang sakit sa iba.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang seryosong relasyon. Kailangan mo na lang humanap ng magiging kapareha mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 14
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang makakabuti sa iyo kung susundin mo muna ang sinasabi ng iyong konsensiya dahil malaki ang chance na maging tama ito.
Love:
Couples: Magplano ka ng something romantic para sa iyong partner. Maaaring ipagluto mo siya o kaya ay kantahan.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng exam kamakailan, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maging positive ka lang ngayong araw. Mawawala rin ang iyong problema kaya naman huwag ka na masyadong mag-alala.
Love:
Couples: May malaking chance na maging iritable ka buong araw, kaya naman subukan mong huwag itong ilabas sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging okay din ang lahat. Basta tandaan mo lang na gawin mo lagi ang best mo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Bago ka magcommit sa isang bagay, siguraduhin mo muna na kaya mo itong gawin para hindi ka masabihan ng paasa.
Love:
Couples: May malaking chance na sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw. Kaya naman kung magugustuhan mo ito, huwag mong kalimutang magpasalamat.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at makukuha mo rin ang office na matagal mo na hinihintay.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi ito ang panahon para tamarin ka. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos ka na kung ayaw mong mapagalitan.
Love:
Couples: Magbonding kayo ng iyong partner ngayong araw. Gumala kayo o kaya gumawa ng activites na ieenjoy ninyong parehas.
Money/Career:
May mga mangyayari talaga sa iyong trabaho na hindi mo magugustuhan, pero kumapit ka lang at maaayos din ang lahat.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may good news ka na matatanggap ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman ito sa pera.
Love:
Couples: Kumalma ka lang. Kung may away kayo ng iyong partner, mas mabuting huwag mo na itong palakihin pa.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga sasabihin dahil may malaking chance na mamisinterpret ito ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Para matapos mo ang iyong mga gawain, mas mabuting simulan mo na ito kaagad sa umaga at para na rin magkaroon ka ng panahon para makapagpahinga.
Love:
Singles: Mas mabuti kung iiwas ka na muna sa away ng iba lalo na kung ayaw mong madamay ka rito. Huwag ka na makitsismis.
Money/Career:
Mahirap talaga makisama sa mga taong walang common sense kaya naman habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Lucky color: Violet
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mas mabuting sundin mo ang sinasabi ng iyong mga magulang kaysa sa iyong mga kaibigan dahil tiyak naman na mas may experience sila.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang magbago ang iyong partner dahil sa iyong mga kagustuhan. Mahalin mo ang tunay na siya.
Money/Career:
Mukhang magiging maganda ang iyong performance sa iyong trabaho kaya naman may chance na purihin ka ng iyong mga kaibigan.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang mga gamit na nakatambak na lamang, mas mabuting idonate mo na lang ang mga ito para mapakinabangan pa ng iba.
Love:
Couples: Bumawi ka sa iyong partner lalo na sa mga panahon na masyado kang busy sa iyong trabaho. Ilaan mo muna ang araw na ito sa kanya.
Money/Career:
Mukhang okay naman na gumastos ka ngayong araw. Tumingin ka ng mga naka-sale online.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang dapat gawin ngayong araw, simulan mo na ito kaagad dahil may chance na magkaroon ka ng lakad pagsapit ng gabi.
Love:
Couples: Dapat ay hindi ka masyadong pasaway sa iyong partner. Kung meron kang pinoproblema, huwag kang mahiyang sabihin ito sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na makapag-abroad ka dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 7