Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang hindi maganda na sasabihin, mas mabuting sarilihin mo na lamang ito para walang magalit sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may malaking chance na sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw. Maaaring ilibre ka niya sa labas.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magagawa mong matapos ang lahat ng iyong mga gawain ngayong araw, lalo na sa mga bagay kung saan ka nahihirapan.
Love:
Couples: Patawarin mo ang iyong partner kung meron siyang nagawang kasalanan sa iyo. Intindihin mo ang kanyang sitwasyon.
Money/Career:
Hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay kumuha ng bagong credit card.
Lucky color: Gold
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang nagbago ka na talaga. Nakikinig ka sa sinasabi ng ibang tao at hindi ka na rin masyadong pasaway.
Love:
Couples: Mukhang maguguluhan ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Magmasid-masid ka muna sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang gustong idiscuss sa iyong boss, ito na ang tamang panahon para rito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Umpisa pa lang ng tao pero mukhang stressed ka na. Mas mabuting pumunta ka na sa isang beauty salon para gumanda naman ang itsura mo.
Love:
Couples: Kung stable naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para kayong dalawa ay magpakasal.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw, pero huwag mo itong ipantaya sa sugal.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may mangyayaring hindi maganda sa iyo ngayong araw. Hindi naman grabe, pero talagang masisira ang araw mo dahil dito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para yayain sa isang date ang iyong partner. Maging romantic ka sa kanya.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang agreement, siguraduhin mo muna na may budget ka para rito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Madalas ay nauubos ang iyong oras sa pagtulong sa ibang tao. Kaya naman mataas ang respeto nila sa iyo.
Love:
Singles: Bago ka humanap ng taong magmamahal sa iyo, matuto ka munang mahalin ang iyong sarili. Love yourself.
Money/Career:
Kahit na gusto mong gumanda ang iyong career, hindi maiiwasan na may mga taong hihilahin ka pababa.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang tinatagong talento, oras na para ipakita mo ito sa iba. Malay mo, pwede mo pa itong pagkakitaan.
Love:
Couples: Huwag ka mainsecure sa iyong partner. Dapat ay hindi ka rin nagpapastress sa mga maliliit na bagay.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng tensyon sa iyong trabaho. Pero kung wala ka namang kinalaman dito, huwag ka na sumali pa.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may bagay na gumgulo sa iyo, huwag kang mahiyang ikwento ito sa iyong kaibigan. Hindi naman niya ito ipagkakalat sa iba.
Love:
Couples: Nagkakaintindihan kayong dalawa at tanggap ninyo ang flaws ng bawat isa. Kaya naman hindi maipagkakaila na strong ang relasyon ninyo.
Money/Career:
Kung hindi masyadong maganda ang takbo ng iyong career, marahil ay kailangan mo na humingi ng tulong sa isang eksperto.
Lucky color: Violet
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Para hindi ka na mahirapang gumawa ng isang desisyon, tanungin mo na lang ang iyong mga magulang tungkol dito.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner ngayong araw dahil may malaking chance na maging pasaway siya sa iyo.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, maaaring matulungan ka ng isa sa iyong mga kaibigan.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ingatan mo ang iyong health. Kung kaya mong magluto, gawin mo na lang ito kaysa umorder ka ng pagkain sa fast food.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo na ang taong nakatadhana sa iyo sa lugar na merong kinalaman sa sports.
Money/Career:
Magrelax ka lang. Magiging okay din ang lahat kaya naman huwag ka na mahigh blood.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Panahon na para harapin mo ang isang bagay na matagal mo na iniiwasan. Lakasan mo ang iyong loob para hindi ka na mahirapan pa.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mo ulit ang iyong ex ngayong araw. Marahil ay may bagay siyang ibibigay sa iyo para makatulong.
Money/Career:
Kung talagang proud ka sa iyong trabaho, makikita ito ng iyong superiors at maaaring mapahanga mo sila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Simple ka lang kaya naman nahihirapan ka sa mga bagay na kumplikado. Madalas din ay madali ka lang mauto ng mga tao sa iyong paligid.
Love:
Singles: Hwuag ka na makialama sa problema ng ibang tao, lalo na kung ayaw mong madamay dito at masira ang iyong araw.
Money/Career:
Huwag ka muna gumastos ngayong araw. Maghintay ka lang at may tamang panahon para rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3