Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may matatanggap kang balita galing sa iyong kaibigan. Makinig kang mabuti dahil importante ito.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para sumabak sa isang bagong relasyon. Tandaan mo lang na hindi ka dapat nagpapastress sa ibang tao.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho. Hindi porke nasa tabi mo si crush ay mawawala ka na sa focus.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magtiwala ka muna sa sinasabi ng iyong kutob o hinala. Kung gagawin mo ito, maaari ka pang magkaroon ng pera.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong isip-bata. Magseryoso ka naman dahil mahihirapan lang ang iyong partner sa iyo.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng job interview kamakailan, may malaking chance na makatanggap ka ng good news mula rito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong OA. Kumalma ka lang dahil hindi naman makakatulong sa iyo kung masyado kang magpapanic.
Love:
Singles: Hindi porke dinadamayan ka niya ay may gusto na siya sa iyo. Huwag maging masyadong mababaw.
Money/Career:
Kung meron kang job interview na paparating, mas mabuti kung magsuot ka ng kulay puti.
Lucky color: Violet
Lucky number: 22
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi naman sinusunod ng iyong mga kasama ang iyong suggestions, mas mabuti na huwag ka na lang mag-effort sa pag-iisip.
Love:
Singles: Kung may taong nagkasala sa iyo, bigyan mo siya ng second chance lalo na kung kaya naman niyang magbago at kung deserve niya ito.
Money/Career:
Galingan mo ang pagdiskarte mo sa iyong trabaho para naman mabilis kang maging successful sa iyong career.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Makinig ka sa sinasabi ng nakakatanda sa iyo. Huwag ka na maging pasaway at gawin mo na lang ang kanilang sinasabi.
Love:
Couples: Kung malayo sa piling mo ang iyong partner, huwag kang mag-alala dahil ikaw lang naman ang palaging nasa isip niya.
Money/Career:
Okay lang na gumastos ka ngayong araw, lalo na kung medyo malungkot ka.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ng iyong barkada. Umiwas ka lang sa mga tsismis dahil ikasisira mo ito.
Love:
Singles: Huwag mong ibase sa napapanood mo sa tv o pelikula ang iyong love life. Gumising ka sa katotohanan.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang gawin ang iyong mga gawain ngayong araw lalo na kung may taong kulit nang kulit sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong ma-bore ngayong araw. Habaan mo ang iyong pasensiya o kaya gawin mo ang isang bagay na magpapatanggal ng iyong boredom.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong malungkot kung hanggang ngayon ay hindi mo pa nakikita ang taong nakalaan para sa iyo. Konting hintay pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring masorpresa ka ngayong araw. Pero huwag ka masyadong mag-alala dahil mukhang good news naman ito.
Love:
Couples: Kung may nag-invite sa iyo sa isang event, huwag kang tamarin na pumunta rito. Huwag ka maging paasa.
Money/Career: Kung hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong career, marahil ay mas makakabuti kung magsisimula kang muli.
Lucky color: Brown
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Tapusin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo bago ka maglakwatsa. Kung hindi mo ito gagawin, tiyak na mapapagalitan ka lang.
Love:
Couples: Huwag ka mainsecure sa ex ng partner mo. Ikaw ang pinili niya kaya dapat ay sapat na ito para sa iyo.
Money/Career:
Kung magiging emosyonal ka sa iyong trabaho, maaaring bumaba ang productivity mo dahil dito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gawin mo muna ang mga bagay na pinapagawa sa iyo. Huwag mong takasan ang mga ito para lamang gumala kasama ng iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Kung may away kayo, mas mabuting palamigin ninyo muna ang inyong mga ulo bago kayo mag-usap muli.
Money/Career:
Huwag kang magpaistorbo sa mga bagay sa iyong paligid. Magfocus ka sa iyong mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka na magsayang ng panahon sa isang bagay na hindi mo naman masosolusyunan. Mas mabuting hayaan mo na lang ito at sumabay sa agos.
Love:
Couples: Subukan mong gawan ng kanta ang iyong partner o kaya’y ipagluto siya kung magaling ka rito.
Money/Career:
Kung nag-iisip ka na magtayo ng iyong sariling business, marahil ay panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may tao kang nagawan ng mali, magsorry ka agad sa kanya para hindi na lumaki pa ang inyong away.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan sa inyong pamilya. Lumabas kayo para kumain o kaya’y manood ng sine.
Money/Career:
Maganda naman ang iyong trabaho, pero mukhang hindi pa rin tumitigil ang pagdating ng iba’t-ibang job opportunities sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 21