Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na maging masipag ka ngayong araw. Huwag mo lang pabayaan ang sarili mo. Magpahinga ka kung kailangan.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Ipakita mo sa kanya na kaya mo pa rin siyang pakiligin.
Money/Carer:
Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong mga kasama sa trabaho. Maaaring mabagal nga sila, pero bibilis din sa pagkilos ang mga iyan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung merong bagay na bumabagabag sa iyo, huwag kang mahiyang i-share ito sa iyong kaibigan.
Love:
Couples: Magtiwala ka sa iyong partner. Hayaan mo muna siya sa kanyang gustong gawin at maiisip din naman niya kung tama ba o mali ang kanyang nagawa.
Money/Career:
Huwag kang magpaistorbo ngayong araw. Magfocus ka sa iyong mga gawain para maaga kang matapos.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
I-enjoy mo lang ang araw na ito kasama ng iyong pamilya. Mag-isip ka ng activities para makapagbonding kayo.
Love:
Couples: Kung hindi mo aayusin agad ang mga problema sa inyong relasyon, marahil ay humantong ito sa hiwalayan.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, may malaking chance na lumipat ka na lang sa iba.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Lumayo ka sa mga taong negative sa buhay. Huwag mo ring hahayaang maimpluwensiyahan nila ang gagawin mong mga desisyon.
Love:
Singles: Mukhang may taong makakapansin sa iyo at may chance na lapitan ka niya. Huwag kang maging awkward kapag kinausap ka niya.
Money/Career:
Huwag kang mandaya sa trabaho para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung magfofocus ka sa talents mo, tiyak na malayo ang mararating mo dahil meron kang motivation para gawin ang mga ito.
Love:
Couples: Iwasan mo na maging pasaway sa iyong partner. Mahaba ang kanyang pasensiya pero huwag mo itong susubukan kung ayaw mong malintikan.
Money/Career:
Huwag mong pabayaan ang iyong katawan. Kung pagod ka na, magpahinga ka muna.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka masyadong palakain ngayong araw dahil may malaking chance na sumakit ang iyong tiyan habang ikaw ay nasa labas.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong outfit at maaaring magustuhan ito ng iyong partner. Sorpresahin mo siya.
Money/Career:
Mukhang madedelay pa ang perang matagal mo nang hinihintay.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging maganda ang performance mo ngayong araw, kaya naman maraming tao ang hahanga sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magtampo sa iyong partner. Kung may nagawa man siyang hindi mo gusto, hindi naman niya ito sinasadya.
Money/Career:
Para maging close ka sa iyong boss, lagi mo siyang patawanin kapag stressed na siya.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka masyadong mainsecure. May mga katangian ka rin na kinaiinggitan ng iba kaya naman maging proud ka na lang sa kung sino ka.
Love:
Singles: Subukan mong makipagkilala sa ibang tao at paramihin pa ang iyong mga kaibigan. Malay mo, maging close ka sa isa sa kanila.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong mahilig sa sugal.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maganda ang araw na ito para subukan mo ang isang bagay na bago para sa iyo. Maaaring magustuhan mo ito at hindi ka na ma-bore.
Love:
Couples: Huwag mo na masyadong gawin kumplikado ang lahat. Mas mabuti kung yayain mo na lang ang iyong partner na lumabas.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong nagtatatrabaho sa public sector.
Lucky color: Red
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Malaki ang tiwala mo sa iyong sarili, pero sana ay huwag ka naman maging mayabang sa paningin ng iba.
Love:
Couples: Mas mabuting huwag mong pairalin ang iyong ego sa inyong relasyon. Kung lagi mo itong gagawin, magiging malabo lang ang inyong samahan.
Money/Career:
Makuntento ka muna sa kung anong meron ka. Huwag mo ipagyabang ang mga bagay na hindi naman sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging maswerte ka ngayong araw na ito. Kung may mga tao man na lalapit para humingi sa iyo ng advice, mapapayuhan mo sila ng tama.
Love:
Singles: Kung hindi mo siya maalis sa iyong isipan, sign na iyan na tinamaan ka talaga sa kanya.
Money/Career:
Maaaring may matanggap kang job offer, pero pag-isipan mo muna ito lalo na’t hindi ka sanay sa ganung trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Wala ka nang magagawa kung madelay man ang bagay na iyong inaasam. Maghintay ka na lamang at sigurado namang darating ito.
Love:
Couples: Mukhang wala sa mood ang iyong partner kaya naman huwag mo na muna siyang kulitin para hindi siya magalit sa iyo.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kasama.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18