Aries (Mar 21 – Apr 19)
May mga gawain ka pa na kailangang gawin, kaya naman hindi ito ang oras para magpabaya ka. Kilos-kilos din pag may time.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para yayain ang iyong mga kaibigan na kumain sa labas. Malay mo at may makita kang tao na magugustuhan mo.
Money/Career:
Kung hindi pa masyadong malaki ang iyong naipon, subukan mo munang huwag gumastos ngayong linggo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung meron kang bagay na pilit na iniiwasan.
Love:
Couples: Yayain mong kumain sa labas ang iyong partner ngayong araw at huwag mong kalimutang kamustahin siya.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na may masabi kang sikreto nang hindi mo sinasadya.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Handa kang akuin ang kasalanan ng iyong kaibigan. Pero mag-ingat ka dahil baka madamay ka sa isang problema na hindi mo matatakbuhan.
Love:
Couples: Ang stress dulot ng trabaho ang isa sa mga dahilan kaya nasisira ang relasyon mo sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap pa lang ng trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Simpleng tao ka lang kaya naman nahihirapan kang makisama sa ibang tao lalo na kung masyadong complicated sila mag-isip.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin ang oras mo sa mga taong hindi ka naman kayang pahalagahan. Matutong magmove-on.
Money/Career:
Mukhang may chance na madelay ang iyong sahod. Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado naman na darating ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May mga bagay ka na mamadaliin ngayong araw. Pero tandaan mo na sa tuwing nagmamadali ka, may chance din na magkamali ka sa mga ito.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo aayusin kaagad ang inyong mga problema, lalala lamang ang mga ito at baka matapos na ang inyong relasyon.
Money/Career:
Kailangan mong tandaan na para maging successful ka sa iyong career, hindi ka dapat maging atat. Habaan mo ang iyong pasensiya.
Lucky color: Green
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Panahon na para humingi ka ng tawad sa taong nagawan mo na kasalanan. Gawin mo ito para magkaroon ka na rin ng peace of mind.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw. Malay mo, magustuhan mo ito maging ang ibang tao.
Money/Career:
Mukhang paganda nang paganda ang status ng iyong career. Kailangan mo na lang maging consistent dito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo. Pero bago mo tanggapin ang isa, siguraduhin mo munang paglalaanan mo ito ng panahon.
Love:
Singles: Mukhang wala na talagang pag-asa na magkagusto sa iyo ang taong gusto mo, kaya mas mabuting humanap ka na lang ng iba.
Money/Career:
Huwag mong balewalain ang iyong trabaho dahil lamang sa gusto mong sumama sa gimikan.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang kailangan mo munang mag-unwind para mabawasan ang stress sa iyong katawan. Kung gusto mong pumasyal sa paborito mong lugar, gawin ito.
Love:
Couples: Kung magpapaapekto ka sa stress na dulot ng trabaho, maaaring magkaroon ka ng problema sa iyong relasyon.
Money/Career:
Mukhang palaki nang palaki ang iyong paggastos sa mga nakaraang araw. Pero huwag mag-alala dahil may pera kang paparating.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw dahil sa iyong kaibigan. Kung kaya mo siyang suportahan, gawin mo ito.
Love:
Singles: Okay lang naman na makipagflirt ka sa ibang tao, pero dapat ay alam mo rin kung kailan ka dapat tumigil.
Money/Career:
Mukhang panahon na para simulan mo ang isang bagay na dapat matagal mo nang nasimulan.
Lucky color: Green
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na may matanggap kang good news ngayong araw. Kaya naman kung gusto mong magcelebrate, gawin mo ito.
Love:
Couples: Kailangan mong mag-ingat dahil may taong gustong sumira sa relasyon mo sa iyong partner.
Money/Career:
Kahit na kaya mo namang tapusin ang iyong mga gawain, may chance na tamarin ka kaya naman matatambakan ka ng trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging maayos naman ang araw na ito para sa iyo. May malaking chance na makapagpahinga ka ng mahabang oras.
Love:
Couples: Mas maganda kung maglalaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya. I-treat mo sila sa isang dinner.
Money/Career:
Hindi maipagkakaila na talaga namang charming ka na tao, kaya may mga pagkakataon na madali mong nauutusan ang ibang tao.
Lucky color: Cream
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka masyadong magpanic. Hindi man maganda ang nakikita mo sa ngayon, magiging maayos naman ang lahat sa huli.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Ipakita mo sa kanya na kaya mo pa ring maging romantic.
Money/Career:
Kung meron kang subordinates, mas makakabuti sa iyo kung makikipagbonding ka sa kanila.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 27