Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang mag-eenjoy ka naman sa araw na ito. Maraming bibilib sa kakayahan mo kaya magiging proud ka sa iyong sarili.
Love:
Singles: Kung gusto mo na talaga magkaroon ng love life, makinig ka sa mga kaibigan mong taken na at humingi ka ng tips.
Money/Career:
Huwag kang matakot na maghanap ng bagong trabaho, lalo na kung hindi ka na kuntento rito.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang mahiyang magtanong sa isang tao lalo na kung nahihirapan ka sa isang bagay. Hindi naman niya iisipin na weak ka.
Love:
Couples: Dapat ay naglalaan ka rin ng oras sa iyong pamilya at hindi na lang palagi sa iyong partner.
Money/Career:
Kung hindi ka magrerelax, wala kang matatapos na gawain dahil mawawala ka sa focus.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 28
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging busy ka sa araw na ito. At kung feeling mo ay hindi mo kayang tapusin ang mga inuutos sa iyo, humingi ka ng tulong sa iba.
Love:
Couples: Mukhang may problema ang iyong partner kaya naman huwag mong kalimutang bigyan siya ng suporta.
Money/Career:
Masipag ka naman sa iyong trabaho, pero kung tamad ang iyong officemates, mahihirapan ka rin sa iyong mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo agad husgahan ang isang tao. Makinig ka muna sa side niya bago ka gumawa ng isang desisyon.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner, lalo na kung madalas mo na lang siyang naiignore.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi ka maintindihan ng ibang tao, huwag ka na lang maglaan ng oras sa kanila dahil masasayang lang ang panahon mo sa kanila.
Love:
Couples: Mukhang may tao na gustong sumira sa inyong relasyon. Maging matatag para hindi siya magtagumpay.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka na naman sa mga susunod na araw kaya kailangan mo munang magtipid.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka mag-iingat sa iyong mga kilos, may malaking chance na may masaktan ka ngayong araw.
Love:
Singles: Mas mabuting huwag ka na lang makialam sa problema ng ibang tao lalo na kung ayaw mong madamay rito.
Money/Career:
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, mas mabuting pakawalan mo na lamang siya.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting huwag mo muna masyadong isipin ang iyong mga problema.
Love:
Couples: Huwag mong i-test ang pasensiya ng iyong partner, lalo na kung ayaw mong masira ang iyong araw.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na mawalan ka ng pera ngayong araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mas maganda kung magfofocus ka muna sa iyong mga gawain, bago mo isipin kung saan ka gagala mamayang gabi.
Love:
Couples: Kung kayo ay kasal na, merong chance na madagdagan ang bilang ng iyong pamilya. Maging handa.
Money/Career:
Kung meron kang exam ngayong araw, may chance na malasin ka rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Hindi ito ang panahon para maguluhan ka. Gamitin mo ang iyong common sense para makagawa ka ng tamang desisyon.
Love:
Couples: Kung parehas kayong naging busy kamakailan, gamitin ninyo ang araw na ito para gumawi kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang may mangyayaring pagbabago sa iyong trabaho. Parang hindi ito maganda sa umpisa, pero magiging maayos naman ito pagdaan ng panahon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong mag-isip. Huwag mong gawing kumplikado ang napaka-simpleng bagay. Kumalma ka lang bes.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong atat na magkaroon ng love life. May tamang panahon para diyan at kailangan mo lamang maghintay.
Money/Career:
Magtipid ka muna sa ngayon at huwag ka muna pumatol sa mga sale online.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho. May chance din na magregalo ka ng mamahalin sa isang tao.
Love:
Singles and Couples: Unahin mo muna ang iyong pamilya. Kung may problema kayo, ayusin na muna ito para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Kung mabilis ka mawala sa focus, magiging problema ito para maging matagumpay ka sa iyong career.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na muna masyadong mag-alala. Magiging maayos din ang lahat kaya naman mas maganda kung kakalma ka.
Love:
Couples: Kung naging busy kayo kamakailan, lumabas kayo ngayong araw para makabawi sa isa’t-isa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19