Aries (Mar 21 – Apr 19)
Para hindi ka maguluhan kung ano ba ang dapat mong unahin, gumawa ka ng schedule at sundin mo ito.
Love:
Couples: Hindi sapat na mahal ninyo ang isa’t-isa para tumagal ang inyong relasyon. Dapat ay nag-eeffort kayong dalawa para rito.
Money/Career:
Subukan mong tapusin nang maaga ang iyong mga gawain para magkaroon ka ng maraming oras para makapagpahinga.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka gastos nang gastos porke may pera ka. Bilhin mo lang ang mga bagay na talagang kakailanganin mo.
Love:
Couples: May malaking chance na may pag-awayan kayo ng iyong partner at may kinalaman dito ang iyong kapatid.
Money/Career:
Kung may job offer sa iyo, pero hindi ka sigurado rito, huwag ka muna pumayag dahil baka pagsisihan mo rin ito sa huli.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may chance na bisitahin ka ng iyong mga kaibigan ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang ipaghanda sila.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner kahit gaano pa siya kapasaway. May pinoproblema lang iyon kaya ganun.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang ayusin ang isang problema, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ang araw na ito ay tungkol sa pagbabago. Marahil ay may mangyayari na hindi mo inaasahan at masosorpresa ka talaga rito.
Love:
Couples: Kung matagal na kayong hindi lumalabas ng iyong partner, maganda ang araw na ito para gawin iyon.
Money/Career:
Marami kang kalaban sa iyong career, kaya naman tatagan mo lang ang iyong loob para hindi ka nila matalo.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung sa tingin mo ay may tinatago sa iyo ang isang tao, huwag mo itong ipahalata. Sumakay ka lang muna sa mga gusto niya.
Love:
Singles: Huwag ka na malungkot. May mga taong humihingi ng atensyon mo kaya mas maganda kung sa kanila ka mo na lang ibibigay ang iyong oras.
Money/Career:
Kung masyadong marami ang iyong mga gawain, magpahinga ka kahit ilang minuto lang para naman makabawi ang iyong katawan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka na masaya sa sitwasyon na kinalalagyan mo sa ngayon, gumawa ka na ng paraan para makaalis dito.
Love:
Couples: Huwag mo ikumpara ang relasyon ninyo sa ibang tao. Huwag ka magpastress sa sinasabi ng iba.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may matatanggap kang good news ngayong araw at may chance na matuwa dito ang iyong mga magulang.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang time para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Magchill-chill ka muna.
Money/Career:
Kailangan mong maging masipag ngayong araw dahil may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi ka pa sure kung dapat mo na bang simulan ang isang bagay, humingi ka muna ng opinyon sa ibang tao.
Love:
Couples: Mukhang kailangan mo na umaksyon lalo na kung medyo bored ka na sa inyong pagsasama. Gawan mo na ito ng paraan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 8
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang nais sabihin sa isang tao, gawin mo ito nang dahan-dahan para naman hindi siya mabigla sa sasabihin mo.
Love:
Couples: Kahit na busy ka sa iyong mga gawain, dapat ay naglalaan ka pa rin ng oras para sa iyong partner.
Money/Career:
Kung palagi kang masipag sa iyong trabaho, hindi malayong makuha mo ang promotion na matagal mo nang inaasam.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang planong bumili ng bahay, mukhang panahon na para gawin mo ito. Huwag mong kalimutang magtanong sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Kung meron na kayong anak, mas mabuti kung maglalaan ka sa kanila ng maraming oras kaysa maging romantic ka sa iyong partner.
Money/Career:
Kung hindi mo na gusto ang iyong trabaho, marahil ay panahon na para lumipat ka sa iba.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung pare-parehas na lang ang ginagawa mo kada araw, hindi malayong ma-bore ka sa iyong buhay. Humanap ka ng bagong hobby para mabuhayan ka ng dugo.
Love:
Singles: Kung gusto mong mapansin ka ng crush mo, dapat ay maging magiliw ka sa kanya sa tuwing magkakasalubong kayo.
Money/Career:
Kung gusto mo maging successful sa iyong career, marahil ay panahon na para paramihin mo ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may chance na makasama ka sa biglaan lakad ng iyong barkada. Mas mabuti kung mag-iipon ka na simula ngayon.
Love:
Couples: May tiwala naman sa iyo ang iyong partner, kaya dapat ay magtiwala ka rin sa kanya. Hindi ito ang tamang oras para pagdudahan siya.
Money/Career:
Kung marami ka pang tambak na gawain, may chance na gabi ka na makakauwi at magiging puyat ka na naman.
Lucky color: Grey
Lucky number: 8