Aries (Mar 21 – Apr 19)
Matuto ka sa iyong experiences. Huwag mo na ulitin ang isang bagay lalo na kung alam mo naman na wala itong magawang mabuti sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka munang gumawa ng desisyon kung hindi mo kinokonsulta ang iyong partner. Marahil ay magkaiba kayo ng opinyon.
Money/Career:
Kung meron kang gustong simulang bago ngayong araw, gawin mo ito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw at dahil dito, maguguluhan ang iyong mga kaibigan sa mga kilos mo.
Love:
Singles: Alam mo naman kung sino talaga ang taong gusto mo. Kaya huwag ka na humingi ng validation sa ibang tao.
Money/Career:
Panahon na para gumawa ka ng desisyon. Huwag mo na itong patagalin pa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
Madali mong mahuhulaan ang maaaring mangyari ngayong araw, kaya naman gamitin mo ito para maging maswerte ka buong maghapon.
Love:
Couples: Ingatan mo ang iyong temper dahil baka mailabas mo ang sama ng iyong loob sa iyong partner na walang kamalay-malay.
Money/Career:
Panahon na para gawin mo ang mga bagay kung saan ka nahihirapan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang napalaki ang iyong paggastos sa mga nakaraang mga araw, kaya naman mapipilitan kang magtipid sa ngayon.
Love:
Couples: Maaaring may problema ang iyong partner sa ngayon, kaya naman mas mabuti kung ibibigay mo ang iyong buong suporta sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo naman talaga gusto ang iyong trabaho, mas mabuti siguro kung magtayo ka na lang ng sarili mong business.
Lucky color: Red
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna sumubok ng bago. Gawin mo na lang ang mga bagay na subok na para hindi ka na mahirapan pa.
Love:
Couples: Okay lang naman na makinig sa iyong partner. Pero kung alam mo na mali siya, magsalita ka na.
Money/Career:
Maging consistent ka lamang sa iyong trabaho at tiyak na mapopromote ka rin soon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag kang magpadala sa iyong galit. Pag-isipan mo muna ang iyong mga gagawin para hindi mo ito pagsisihan sa huli.
Love:
Singles: Kung meron kang nagugustuhang tao, subukan mo muna siyang kaibiganin para makita mo ang kanyang tunay na ugali.
Money/Career:
Mukhang may chance na magkaroon ka ng job offer, pero ito ay masyadong malayo sa iyong nakasanayan na trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May kaibigan kang hihingi ng payo sa iyo, kaya naman makinig ka sa kanyang kwento at huwag mo siyang barahin.
Love:
Singles: Kontrolin mo ang pagiging moody mo at tiyak na may taong makakapagtiyaga na samahan ka sa buhay.
Money/Career:
Huwag ka maging masyadong emosyonal. Hindi ka makakapag-isip nang maayos kung mawawala ka sa focus.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka muna magpayo sa kahit na sino ngayong araw dahil may chance na pumalpak ang mga ito at magagalit lang sa iyo ang taong papayuhan mo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-treat mo ang iyong partner sa labas. Kilalanin ninyo pa ang isa’t-isa.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring malugi ang pera mo sa isang investment.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Marami talagang pangyayari ang hindi mo kayang kontrolin. Kaya naman mas mabuting sumunod ka na lamang sa agos.
Love:
Couples: Kung medyo stressed ka lately, mas mabuting magpamasahe ka na lang sa iyong partner.
Money/Career:
Ituloy mo lang ang pagiging masipag mo sa trabaho at tiyak naman na magiging maganda ang iyong future.
Lucky color: Orange
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang planong bilhin ngayong araw, siguraduhin mo lang na hindi mo ito itatambak sa iyong kwarto sa huli.
Love:
Couples: Hindi naman maiiwasan na mag-away kayo ng iyong partner. Huwag ninyo lang hayaan na matapos ang araw na hindi kayo nagbabati.
Money/Career:
Nakukuha mo naman ang mga bagay na gusto mo, pero tandaan mo na hindi mo ito sabay-sabay na makukuha.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na may kaibigan kang bumisita sa bahay ninyo. Huwag mong kalimutan na ipaghanda siya ng makakain.
Love:
Couples: Subukan mong ibahin ang iyong pananamit at sorpresahin mo ang iyong partner. Tingnan mo kung ano ang magiging reaksyon niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mo na ng tulong. At kung marerealize mo ito kaagad, mas madali kang matutulungan ng ibang tao.
Love:
Singles and Couples: Maglaaan ka ng maraming panahon sa iyong pamilya. Pwede kayong mamasyal para magkaroon kayo ng bonding moment.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 28