Aries (Mar 21 – Apr 19)
Isa ka talagang talented na tao, kaya naman chance mo na para ipakita ito sa ibang tao. Malay mo sumikat ka dahil dito.
Love:
Couples: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting huwag na lang mag-react para hindi ito matrigger.
Money/Career:
Kung may balak kang mag-invest sa isang bagay, gawin mo na ito ngayong araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maging open-minded ka naman. Hindi porke ayaw mo sa mga suggestion niya ay hindi na ito makakatulong ng malaki sa iyo.
Love:
Singles: Kung gusto mo na mahalin ka ng isang tao, dapat ay iparamdam mo sa kanya ang iyong tunay na saloobin.
Money/Career:
May malaking chance na mawalan ka ng pera ngayong araw. Bantayan nang mabuti ang iyong wallet.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kailangan mo nang gawin ang isang bagay na matagal mo na dapat nasimulan. Kung nahihirapan ka rito, huwag mahiyang humingi ng tulong sa iyong kaibigan.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo ulit ang iyong ex. Kung may balak siyang makipagbalikan sa iyo, ikaw lang ang nakakaalam ng kasagutan.
Money/Career:
Kontrolin mo muna ang iyong paggastos. Huwag kang magpapadala sa mga sale na nakikita mo.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang matakot. Kaya mo iyan. Kailangan mo lang ng suporta ng ibang tao para ma-boost pa lalo ang iyong confidence.
Love:
Couples: Bago ka gumawa ng desisyon, kausapin mo muna ang iyong partner lalo na kung medyo mabigat ang gagawin mo.
Money/Career:
Ibigay mo lang ang lahat ng iyong effort sa iyong trabaho at tiyak naman na may makukuha kang magandang reward dito.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Tama naman ang gagawin mong desisyon. Magtiwala ka lang sa iyong sarili at huwag agad matakot sa challenges na haharapin mo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Gumawa ka ng something special para sa kanya.
Money/Career:
Huwag kang mangutang sa ibang tao para mabili lamang ang isang bagay na iyong gusto.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung medyo bored ka na, subukan mong pasyalan ang isang lugar na matagal mo nang gustong balikan.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin mo ang iyong partner. Pakiligin mo siya para naman gumanda ang mood niya.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod sa utos ng iba, pero huwag ka naman lagi magpauto sa kanila.
Lucky color: Cream
Lucky number: 22
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May chance na maging moody ka ngayong araw. Mas makakabuti kung lalayo ka muna sa mga tao na nagpapastress sa iyo.
Love:
Singles: Maaaring bisitahin ka o makita mo ulit ang iyong ex. Wala naman siyang balak makipagbalikan sa iyo, pero meron siyang favor na hihingiin.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga katrabaho. Friendly man sila, pero ang motibo talaga nila ay hanapan ka ng mali.
Lucky color: White
Lucky number: 12
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman magagawa mong tapusin ang karamihan sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Ang taong nakalaan sa iyo ay nasa tabi-tabi mo lang. Huwag ka na kasi tumingin pa sa iba.
Money/Career:
Kailangan mong kumilos nang mabilis lalo na kung ayaw mong mapag-iwanan.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong buhay, subukan mong gumawa ng bagong plano. Hindi pa huli ang lahat.
Love:
Singles: Mukhang naghahanap ka na ng taong seseryoso sa iyo. Hindi ka na basta-basta nakikipagflirt sa kung sino-sino.
Money/Career:
Kung hindi maganda ang iyong pakiramdam, umabsent ka muna sa iyong trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, mas mabuti kung maging honest ka na lamang sa iyong sarili.
Love:
Couples: May tao na nagbibigay sa iyo ng sobrang stress. Kaya para mabawasan ito, subukan mong magpamasahe sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag kang magmadali na maging successful sa iyong career. Magtatagumpay ka rin sa tamang panahon.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Panahon na para tuparin mo ang mga ipinangako mo na gagawin mo. Hindi ito ang oras para maging tamad ka.
Love:
Couples: Mukhang may paparating na malaking pagbabago sa inyong relasyon. Maging alerto lang kayo palagi.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mong magtayo ng iyong sariling business, mas mabuting simulan mo na ito kaagad.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Dahil magaling ka sa iyong mga gawain, maaaring makatanggap ka ng gantimpala dahil dito. Kaiinggitan ka lalo ng ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang nag-iiba na ang pagtingin mo sa iyong kaibigan at unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya.
Money/Career:
Maging confident ka sa iyong mga gawain dahil tiyak naman na tama ang iyong ginagawa.
Lucky color: Orange
Lucky number: 3