Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may malaking chance na tama ang iyong hinala sa kanya, kaya naman kahit papaano ay makakapaghanda ka.
Love:
Couples: Maging malambing ka sa iyong partner. Dapat ay sinusuyo mo rin siya at hindi lang palagi siya ang sumusuyo sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang job interview na paparating, mas mabuti kung magsusuot ka ng puti.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong iwasan na gawin ang mga bagay na inutos sa iyo. Magsipag-sipag ka para hindi ka napapagalitan.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na muli mong makita ang iyong ex. Kumalma ka lang dahil wala naman siyang balak balikan ka.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng good news tungkol sa iyong trabaho ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magrelax at magpahinga ka muna. Kung meron kang pupuntahan na hindi naman gaano kaimportante, mas mabuting huwag na lang tumuloy.
Love:
Couples: May malaking chance na maging moody ang iyong partner. Kaya kahit anong mangyari, huwag mo siyang kukulitin.
Money/Career:
Kahit na kaya mo namang gawin ang iyong mga gawain, hindi mo ito magagawa nang maayos kung kulang ka sa tulog.
Lucky color: Black
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang meron kang kakilala na malapit nang ikasal. Kaya naman pag-isipan mo na kung anong regalo ang ibibigay mo.
Love:
Couples: Kamustahin mo ang iyong partner. Yayain mo siya sa isang dinner at mag-usap lang kayo tungkol sa inyong future.
Money/Career:
Kung magaling kang magsalita, mas magiging successful ka sa iyong career dahil marami kang macoconvince.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 29
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maganda ang araw na ito para ipakita mo ang iyong natatagong talento. Maaaring dumami ang iyong mga tagahanga dahil dito.
Love:
Couples: Huwag ka magpadala sa tukso. Pigilan mo ang iyong sarili para na rin sa kapakanan ng iyong partner.
Money/Career:
Kung magaling ka talaga sa iyong trabaho, hindi na nakakapagtaka kung favorite ka ng iyong mga boss.
Lucky color: Cream
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maging honest ka sa sarili mo. Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, gawin mo na ito. Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.
Love:
Singles: May chance na muli mong makita ang iyong ex. Mukhang sign na ito para kayong dalawa ay magkabalikan.
Money/Career:
Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon dahil nakasalalay dito ang future ng iyong career.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Dahil matigas ang iyong ulo, hindi mo pakikinggan ang sinasabi ng ibang tao kahit na meron naman silang point.
Love:
Singles: Mukhang handa ka nang umibig muli. Huwag kang susuko lalo na’t ang taong nakalaan para sa iyo ay malapit lang.
Money/Career:
Kung masyadong hectic ang iyong schedule, hindi mo na masyadong magagawa ang mga bagay na ikinatutuwa mo.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mong hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Kung wala ka naman talagang kinalaman, umiwas ka na lang.
Love:
Couples: Kung hindi kayo mag-iingat, maaaring may sumira sa inyong relasyon at may chance na kakilala ninyo na ang taong ito.
Money/Career:
Bago mo gawin ang isang bagay, siguraduhin mo muna ang alam mo ang iyong ginagawa para hindi ka pumalpak.
Lucky color: Black
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Habaan mo ang iyong pasensiya para maging productive ka. Huwag mo rin hahayaang mawala ang iyong focus.
Love:
Couples: Kung nahihirapan ka sa isang bagay, magpatulong ka sa iyong partner. Hindi ka naman niya pagtatawanan kung mali-mali ka.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong kasamahan sa trabaho dahil may chance na magkalat siya ng masamang tsismis tungkol sa iyo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 14
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maswerte ka naman pero bago ka gumawa ng isang bagay, siguraduhin mo muna na kahit papaano ay may alam ka tungkol dito.
Love:
Couples: Kung palagi ka na lang stressed dahil sa trabaho, may malaking chance na maging mainit ang iyong ulo at mailabas mo ito sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka mag-isip ng kung ano-ano tuwing nagtatrabaho ka. Kung gusto mong makauwi nang maaga, magfocus ka.
Lucky color: Violet
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may taong tutulong sa iyo. Bihira lang ang pagkakataon na iyan kaya naman sulitin mo na hanggat nandiyan pa siya.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bagay tungkol sa iyong partner. May chance na mabigla ka sa iyong malalaman.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para tapusin mo ang anumang mga gawain na naiwan mo kahapon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maging positive ka lang palagi kahit na hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong paligid. Makakatulong ito para mabawasan ang iyong stress.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Iwasan mo na rin ang pagiging pasaway sa kanya.
Money/Career:
Alam mo kung gaano kaimportante ang oras, kaya naman pilitin mong huwag ma-late tuwing meron kang pupuntahan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16