Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong mag-alala kung hindi mo kayang tapusin ang iyong mga gawain. Humingi ka ng tulong sa ibang tao para masolusyunan ang iyong problema.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensya sa iyong partner. Marami siyang iniisip kaya stressed lang siya sa ngayon.
Money/Career:
Mag-isip ka nang mabuti para naman magawa mo ang iyong trabaho nang maayos. Huwag ka magpadistract sa iyong paligid.
Lucky color: White
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring makatanggap ka ng tulong ngayong araw para matapos mo ang mga dapat mong gawin. Magpasalamat pagkatapos.
Love:
Singles: Kailangang matuto kang magtiwala sa iba para naman pagkatiwalaan ka rin nila. Huwag masyadong maghinala sa iyong kapwa.
Money/Career:
I-push mo lang ang iyong ideya at tiyak naman na maganda ang magiging resulta nito.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ang iyong mga kaibigan. Siguraduhin mo lang na natapos mo na ang mga dapat mong gawin.
Love:
Couples: Kung may nagawang kasalanan sa iyo ang iyong partner, patawarin mo siya lalo na kung nagsisisi naman siya sa kanyang nagawa.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Marami talagang bagay ang nangyayari na hindi mo gusto.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magagawa mong pagkakitaan ang isa mong hobby at ito na rin ang magbubukas sa posibilidad na magkaroon ka ng sariling business.
Love:
Couples: Mukhang papayag na ang iyong partner sa isang bagay na gusto mo talagang gawin kasama siya.
Money/Career:
Kung makatanggap ka ng advice galing sa isang kaibigan kung paano ka kikita nang malaki, huwag mong kalimutang gawin ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Madali mong mahuhulaan kung ano ang mga mangyayari ngayong araw. Gamitin mo ito para iwasan ang ilang bagay na sisira sa araw mo.
Love:
Singles: Kung seryoso ka talaga sa isang tao, gawin mo ang lahat para mapansin ka o kaya’y makuha mo ang kanyang loob.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na magkamali ka sa iyong trabaho ngayong araw.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung masama ang iyong pakiramdam ngayong araw, mas mabuting iwan mo muna ang iyong mga gawain at ikaw ay magpahinga.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang pagkakataon mo para magkaroon ng love life, basta dapat ay marunong kang mag-adjust sa magiging partner mo.
Money/Career:
Maaaring maging hectic ang araw na ito para sa iyo. Kaya naman mas mabuting humingi ka ng tulong sa iba lalo na kung hindi mo na kaya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring makatanggap ka ng good news ngayong araw. May malaking chance na may kinalaman ito sa iyong bahay.
Love:
Couples: Mukhang may darating na malaking pagbabago sa inyong relasyon. Huwag masyadong mag-alala dahil mukhang maganda naman ito.
Money/Career:
Kahit na malaki ang iyong kinikita, magbudget ka pa rin dahil madali lang maubos ang iyong pera.
Lucky color: White
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring malito ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting habaan mo na lang ang iyong pasensiya para hindi na sumakit pa ang iyong ulo.
Love:
Singles: Mag-ingat ka sa iyong mga pwedeng sabihin at baka pagsisihan mo lang ito sa huli. Huwag magpadalos-dalos.
Money/Career:
Mukhang alam mo naman ang dapat mong gawin, kaya i-push mo lang ito lalo na kung malakas ang kutob mo na gagana ito.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 1
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka masyadong magpagod ngayong araw. Marami ka ngayong matatapos pero susuko naman ang iyong katawan.
Love:
Couples: Kung naging busy ka kamakailan, bumawi ka sa iyong partner. I-treat mo siya sa isang dinner at maging romantic ka sa kanya.
Money/Career:
Maging mabuti ka sa iyong mga kasama dahil darating din ang araw na kakailanganin mo ang tulong nila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangang maayos ang iyong isipan bago ka gumawa ng desisyon. Mahirap na at baka pagsisihan mo ito sa huli kung magmamadali ka.
Love:
Couples: Kung may pagtatalo kayo ng iyong partner, subukhan mong magpatalo paminsan-minsan para naman hindi siya nagtatampo sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa journalism ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring may taong bumisita sa inyo ngayong araw, kaya naman siguraduhin mo na may handa kayo para sa kanya.
Love:
Singles: Talasan mo ang iyong pakiramdam ngayong araw. Hindi mo lang alam, baka may taong nagpapakita na ng signs na may gusto siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magagawa mo nang tapusin ang isang bagay na matagal mo na dapat natapos.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 20
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung isa kang estudyante, mukhang magiging maswerte ang araw mo ngayon lalo na kung meron kayong isang mabigat na pagsusulit.
Love:
Couples: Paminsan-minsan ay tiyak naman na mag-aaway kayo. Huwag lang kayong masyadong praning sa isa’t-isa dahil maaayos ninyo rin ang inyong mga problema.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 19