Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring may matanggap kang good news ngayong araw. Kaya kung gusto mong magcelebrate, gawin mo ito.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na muli mong makita ang isang taong naging bahagi ng iyong nakaraan.
Money/Career:
Magfocus ka sa mga bagay kung saan ka magaling. Magiging matagumpay ka kung dito mo ilalaan ang iyong lakas.
Lucky color: Purple
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may plano ka na bumili ng bahay, marahil ay ito na ang tamang panahon para gawin mo ito. Tiwala lang.
Love:
Couples: Maaaring maging romantic sa iyo ang iyong partner ngayong araw. Kaya naman humanda ka para sa mga sorpresang ihahanda niya.
Money/Career:
Kung hindi mo naman kayang gawin ang isang bagay, huwag mo na ito ipagpilitan pa.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 15
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, mas mabuting ipagpaliban mo muna itong araw dahil may chance na hindi niya ito magustuhan.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner dahil may chance na magtampo na naman siya sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang kakilala na nagtatrabaho abroad, maaaring matulungan ka niya kung gusto mong mangibang-bansa.
Lucky color: White
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung naguguluhan ka sa ngayon, mas mabuting magpatulong ka muna sa isang kaibigan na talagang maaasahan mo.
Love:
Couples: I-enjoy ninyo munang dalawa ang araw na ito. Pwede kayo magdate para naman maging romantic kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
May malaking chance na matambakan ka ng mga gawain ngayong araw, kaya naman huwag kang babagal-bagal.
Lucky color: Green
Lucky number: 27
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyadong magpastress sa iyong mga problema. May solusyon ang mga ito kaya naman magrelax ka lang.
Love:
Couples: Yayain mo sa isang date ang iyong partner lalo na kung hindi ka masyadong nakakapaglaan ng oras sa kanya.
Money/Career:
Kahit na alam mo kung paano magsaya, hindi mo naman pinapabayaan ang iyong mga trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 22
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mong takasan ang iyong mga problema. Harapin mo ang mga ito para naman hindi ka na mahirapan pa sa hinaharap.
Love:
Singles: Hindi ito ang tamang panahon para magkulong ka lang sa bahay buong maghapon. Yayain mo ang iyong mga kaibigan para lumabas at magsaya.
Money/Career:
Mukhang marami pa ang kailangan mong gawin kaya naman hindi malayong mag-overtime ka ulit.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kahit na gaano pa kaganda ang iyong suggestions, kung hindi naman ito pinapansin ng mga tao, mas mabuting huwag na magasayang ng panahon tungkol dito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Bawas-bawasan mo na rin ang pagiging pasaway sa kanya.
Money/Career:
Kung magrereklamo ka, huwag mo itong lakasan at baka marinig ka ng iyong boss.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang nagbago ka na talaga. Nakikinig ka na sa sinasabi ng ibang tao at hindi ka na rin masyadong pasaway.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, gumawa kayo ng mga paraan para lalo itong mapatibay.
Money/Career:
Mukhang merong trabaho na iaalok sa iyo ngayong araw at may posibilidad na kumita ka ng malaki dito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kailangan mong magfocus muna sa iyong mga gawain. Gawin mo ito para naman hindi ka na matambakan pa ng trabaho.
Love:
Couples: Ito ang tamang panahon para ayusin ninyong dalawa ang mga problema sa inyong
relasyon.
Money/Career:
Huwag mong hayaang mainggit ka sa achievements ng ibang tao. Kung magsisipag ka lang, dadami rin ang iyong mga achievements.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring mairita ka sa mga maliliit na bagay ngayong araw. Huwag mong hayaang masira ang araw mo dahil sa mga ito.
Love:
Couples: Kung meron kang problema, huwag kang mahiyang sabihin ito sa iyong partner at baka matulungan ka pa niya.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa trabaho, hindi maiiwasan na dumami ang mga taong naiinggit sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may mangyayari na kokontra sa magandang takbo ng iyong araw, kaya naman humanda ka at gumawa ka ng paraan para labanan ito.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa ibang tao. Pero kung patuloy mo itong gagawin, walang tao ang seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Makinig ka sa ipapayo ng iyong kaibigan kung paano ka pa makakapag-ipon ng maraming pera.
Lucky color: Gold
Lucky number: 20
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may tsismis na kumakalat sa iyo at alam mong hindi ito totoo, magsalita ka para malaman nila na mali ito.
Love:
Singles: Huwag mo i-base sa mga napapanood mo sa tv at pelikula ang iyong love life. Huwag kang masyadong maaliw sa mga ito.
Money/Career:
Kailangan mong magmadali ngayong araw lalo na kung gusto mong umabot ang iyong mga gawain sa deadline.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16