Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may malaking chance na maging tamad at pasaway ka ngayong araw. Kaya naman magiging sakit ka sa ulo para sa iba.
Love:
Singles and Couples: Mas mabuting ilaan na muna ang araw na ito para sa inyong pamilya. Mag-isip kayo ng mga activity para naman makapagbonding kayo.
Money/Career:
Magconcentrate ka lang sa iyong mga gawain at tiyak naman na magtatagumpay ka rito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mas mabuting ikaw na lang ang umalam ng katotohanan kaysa sa iba pa ito manggaling. Alamin mo muna ang totoo bago ka humusga ng kapwa.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti nang nawawala ang paghanga mo sa taong nagugustuhan mo. Pero kung seryoso ka talaga sa kanya, maaaring magkaroon ka ng pag-asa.
Money/Career:
Bago ka gumastos, alamin mo muna kung meron pang matitira sa iyong budget.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kahit na gustuhin mong iimprove ang iyong mga talento, sadyang kapos ka sa budget para makapasok sa isang magandang school.
Love:
Singles: Magpasalamat ka sa mga taong gusto kang samahan kahit na napakapasaway mo. Sila ung mga taong dapat iniingatan.
Money/Career:
Kung meron kang subordinates, dapat ay kinakamusta mo rin sila at hindi laging pinapagalitan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maganda ang araw na ito para gumala ka kasama ng iyong mga kaibigan. Gawin ninyong memorable ang araw na ito.
Love:
Couples: Kung meron kayong hindi pagkakaunawaan ng iyong partner, mas mabuting pag-usapan na ninyo ito bago pa lumaki ang mga problema.
Money/Career:
Okay lang na magsaya ka ngayong araw dahil hindi ka naman mapapagastos. Malaki ang chance na may maglibre sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 27
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Madali kang makabangon sa mga panahong minamalas ka. Kaya naman maging consistent ka lang at i-maintain ang pagiging positive para gumanda ang iyong future.
Love:
Singles: Mukhang wala masyadong ganap sa buhay mo kaya naman ienjoy mo na lang ang pagiging single mo kasama ang iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Huwag mong hayaang tamarin ka. Magfocus ka sa iyong mga gawain para maaga ka ring matapos.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang meron kang dating kaibigan na makikita mong muli. Ilaan mo ang araw na ito para kamustahin siya at alamin ang mga nagbago sa kanyang buhay.
Love:
Singles: Mukhang masaya ka naman kasama pero mukhang hindi ka talaga trip ng taong nagugustuhan mo. Mas mabuting ilaan mo na lang ang atensyon mo sa iba.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil kung akala mo ay nakakatulong ka, sa tingin ng iba ay nangingialam ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may mga bagay na hahadlang sa iyong mga gawain, kaya naman may chance na hindi mo matapos ang mga inutos sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Mag-isip ka munang mabuti.
Money/Career:
Huwag kang gagawa na ikaiirita ng iyong mga kasama sa trabaho. Huwag ka muna masyadong makulit.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mong madaliin ang iyong mga gawain. Lalo ka lang magkakamali lalo na kung wala ka masyadong focus sa mga ito.
Love:
Couples: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung lagi ka na lang nanonood ng mga drama series.
Money/Career:
Piliin mo muna ang iyong pamilya kaysa sa iyong propesyon, lalo na kung nawawalan ka na ng oras sa kanila.
Lucky color: Cream
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na maging energetic ka ngayong araw. Matatapos mo kaagad ang iyong mga gawain at makakapagpahinga ka nang maaga.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga magka-love life, sundin mo ang tips na ibibigay sa iyo ng iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Kung may iooffer sa iyo, pag-isipan mo muna ito bago mo tanggapin lalo na’t hindi ito libre.
Lucky color: Rose
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang dinaramdam, mas mabuti kung ikukwento mo ito sa iyong mga kaibigan at para na rin mapayuhan ka nila sa dapat mong gawin.
Love:
Couples: Kahit na gusto mo maging romantic sa iyong partner, sadyang busy ka sa iyong mga gawain kaya bumawi ka na lamang sa susunod.
Money/Career:
Kung mamimili ka sa mall, siguraduhin mong alam mo na ang bibilhin mo para hindi mairita sa iyo ang iyong mga kasama.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang na mangarap ka nang mataas, pero dapat mong tandaan na matindi rin ang mga pagsubok na haharapin mo para rito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpesahin mo ang iyong partner, lalo na kung meron siyang achievement kamakailan.
Money/Career:
Huwag ka matakot na humanap ng ibang trabaho, lalo na kung hindi ka satisfied sa iyong kinikita.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Makipagkaibigan ka sa mga taong parehas mo ng hilig. Marami kang matututunan sa kanila at mas lalo pang lalawak ang kaalaman mo.
Love:
Singles: Ang taong hinahanap mo ay nasa malapit lang. Kailangan mo lang talasan ang iyong pakiramdam at huwag maging manhid.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may taong magbayad ng kanyang utang sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14