Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ang araw na ito ay tungkol sa pagbabago. Mukhang may taong mag-iimpluwensiya sa iyo at tiyak na babaguhin niya ang iyong isip tungkol sa isang bagay.
Love:
Couples: Huwag kang matakot na magshare ng sikreto sa iyong partner, lalo na kung makakagaan ito sa iyong loob.
Money/Career:
Kung may balak ka na bumili ng bahay o lupa, mas mabuti kung sisimulan mo na ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Lumayo ka sa mga taong negative ang pananaw sa buhay. Kung kailangan mo ng makakausap, lumapit ka sa iyong mga kaibigan o mga kamag-anak.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para makipagkulitan sa iyong partner. Gawin ninyo ang mga bagay na magpapasaya sa inyo.
Money/Career:
Huwag mong takasan ang iyong mga responsibilidad dahil ikaw lang din ang magsisi sa huli.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung medyo bored ka na sa mga ginagawa mo lately, subukan mong humanap ng bagong hobby para naman mabuhayan ka kahit konti.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin ang oras mo sa mga taong hindi ka naman pinapahalagahan. Kung hindi ka nila gusto, pabayaan mo na lang sila.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa photography ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May tiwala ka sa iyong sarili, pero huwag ka naman sana umabot sa point na nagiging mayabang ka na sa iba.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa nakakamove on, magagawa mo rin ito basta matutunan mong i-let go ang mga bagay tungkol sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka muna maghanap ng bagong trabaho. Magstay ka muna at magiging maayos din ang lahat.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Okay lang naman na magsaya ka, pero dapat ay huwag mong kalimutan na limited lang ang iyong budget at kailangan mong magtipid.
Love:
Couples: Kahit na anong gawin mo, may chance na hindi ka papansin ng iyong partner lalo na kung may tampo pa siya sa iyo.
Money/Career:
Magtipid ka na sa ngayon dahil may posibilidad na gumastos ka ng malaki sa mga susunod na araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, pero piliin mo lamang ang mga bagay kung saan ka talaga magaling.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa iba. Pero kung ipagpapatuloy mo ito, mahihirapan kang makahanap ng taong seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Malapit ka na maging successful, pero may mga bagay talaga na humahadlang dito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung pinag-iisipan mong maghanap na ng ibang trabaho, marahil ay panahon na para simulan mo ito.
Love:
Couples: Kung palagi na lamang kayong nag-aaway, marahil ay magandang ideya kung bibigyan ninyo muna ng space ang bawat isa.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw, pero huwag mo muna itong gagastusin.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may kakilala ka na malapit nang ikasal. Kaya naman magregalo ka sa kanya at icongratulate sila.
Love:
Couples: Bantayan mo ang iyong temper dahil may malaking chance na magalit ka at mailabas mo ito sa iyong partner.
Money/Career:
Kung hindi nakikipagcoordinate sa iyo ang iyong mga kasama, isumbong mo sila sa iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang matatapos mo na ang isa sa iyong mga obligasyon, kaya naman magkakaroon ka na ng panahon para sa mga bagay na gusto mo.
Love:
Couples: May malaking chance na maging malambing sa iyo ang iyong partner ngayong araw, kaya naman maging romantic ka rin sa kanya.
Money/Career:
Imotivate mo ang iyong sarili na maging masipag sa trabaho. Huwag ka na maging tamad.
Lucky color: Green
Lucky number: 27
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang achievement na dapat i-celebrate, gawin mo ito at yayain mo ang iyong pamilya at ilan sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang hindi maganda sa iyong partner. Pero huwag mo siyang husgahan kaagad.
Money/Career:
Ipagpaliban mo muna ang iyong paggala ngayong araw at magpahinga na muna sa inyong bahay.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 30
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang na maging busy ka sa iyong trabaho, pero dapat ay naglalaan ka rin ng oras sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Mukhang ito na ang tamang panahon para i-level up ninyo ang inyong relasyon. Ipakita ninyo sa iba na going strong ang inyong samahan.
Money/Career:
Okay lang na magkacrush ka sa iyong trabaho. Pero dapat ay hindi lang palagi sa kanya napupunta ang iyong atensyon. Magtrabaho ka rin.
Lucky color: Violet
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng regalo ngayong araw mula sa taong hindi mo inaasahang magbibigay.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa iyong partner. Ipakita mo sa kanya na kaya mo pa ring pakiligin siya.
Money/Career:
Kahit na kaya mo namang tapusin ang iyong trabaho, hindi mo ito magagawa dahil sa sobrang pagod mo.
Lucky color: Green
Lucky number: 3