Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain kung may taong lagi na lang kumokontra sa mga paraan mo.
Love:
Singles: Maaaring hindi ka pa handa para pumasok sa isang serious relationship. I-enjoy mo na lang muna ang pagiging single mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa engineering ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong hayaang maging bilanggo ka ng iyong nakaraan. Matutong i-let go ang mga bagay na pumipigil sa iyo para makapagmove on.
Love:
Couples: Maging malambing ka muna sa iyong partner. May pinoproblema lang siya kaya minsan ay nasusungitan ka niya.
Money/Career:
Kung may nag-alok sa iyo ng trabaho, pag-isipan mo muna ito bago mo tanggapin lalo na kung malayo ito sa iyo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka mawalan ng pag-asa. Kaya mong gawin ang isang bagay kaya naman magtiwala ka lang sa iyong sarili.
Love:
Couples: Sinusuportahan ka naman ng iyong partner kaya bawas-bawasan mo na ang pagiging pasaway mo sa kanya.
Money/Career:
Tapusin mo muna ang iyong trabaho bago mo gawin ang mga bagay na gusto mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging tahimik naman ang araw mo ngayon. Kaya magpahinga ka kung magkakaroon ka ng oras at huwag ka muna magpastress sa iyong mga kasama.
Love:
Singles: Mukhang may tao na nagkakagusto sa iyo. Pero mukhang hindi pa siya umaamin dahil takot siya na baka i-reject mo lang siya.
Money/Career:
Kailangan mo muna mag-adjust lalo na kung hindi masyadong nakikipagcoordinate sa iyo ang iyong mga katrabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mas mabuti na ikaw na lang mismo ang umalam ng detalye kaysa sa ibang tao para hindi ka na magduda.
Love:
Singles and Couples: Ayusin ninyo muna ang mga problema ng inyong pamilya para hindi na kayo mahirapan pa sa hinaharap.
Money/Career:
Makinig ka sa sinasabi ng iyong konsensiya bago ka gumawa ng desisyon.
Lucky color: Brown
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring maguluhan ka ngayong araw. Pero huwag kang masyadong mag-alala dahil magiging maayos din ang lahat sa huli.
Love:
Couples: Kung complicated ang inyong relationship, dapat ay nag-uusap kayo para naman masolusyunan ninyo ang inyong mga problema.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na makapag-abroad ka dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang gustong gawin pero natatakot ka simulan ito dahil hindi ka masyadong pamilyar dito, mas mabuting humingi ka muna ng tulong sa iba.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para i-level up ninyo ang inyong relasyon, pero ikaw dapat ang gumawa ng unang hakbang para rito.
Money/Career:
Maging masipag ka lang. Malapit ka na maging successful sa napili mong career.
Lucky color: Black
Lucky number: 13
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mong ischedule ang mga bagay na iyong gagawin para hindi ka malito kung alin sa mga ito ang dapat mong unahin.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong maging sweet sa mga tao sa iyong paligid dahil baka akalain nila na may pagtingin ka sa kanila.
Money/Career:
Huwag ka masyadong makipagkwentuhan ngayong araw dahil may malaking chance na may masabi kang sikreto sa kanila.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mag-ingat ka sa mga taong humihingi sa iyo ng tulong. Baka naman ay inuuto ka lang nila para gawin mo ang mga bagay na ayaw nilang gawin.
Love:
Couples: Kamustahin mo ang iyong partner kahit na nagkakasama naman kayo araw-araw. Malay mo may gusto siyang ikwento sa iyo na magpapagaan ng kanyang pakiramdam.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho. Hindi porke nakita mo na naman ang crush mo ay mawawala ka na sa focus.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gawin mo lang ang mga bagay na gusto mo. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba dahil buhay mo naman iyan.
Love:
Couples: Kung meron kayong gagawing event, iinvite ninyo lang ang mga tao na sure na pupunta at hindi puro paasa.
Money/Career:
Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya. Huwag kang makikinig sa mga tao na walang bilib sa iyong kakayahan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 28
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kahit na hindi ka naman dapat mag-alala ay hindi mo pa rin maiwasan ito. Kumalma ka lang at huwag ka masyadong praning.
Love:
Singles: Kung wala talagang pagtingin sa iyo ang taong nagugustuhan mo, maaaring mas makakabuti kung maging magkaibigan na lamang kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa service sectors ang trabaho.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 30
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Wala namang masama kung susubok ka ng bago. Basta maging maingat ka lang at huwag magpadalos-dalos.
Love:
Couples: Kung may away man kayo ngayong araw, mas mabuting huwag ka na sumagot at hayaan mo na lang na lumamig ang kanyang ulo.
Money/Career:
Mukhang may darating na pagbabago sa iyong career. Pero huwag kang masyadong mag-alala dahil pabor naman sa iyo ang pagbabagong ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18