Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magandang ideya na idonate mo na ang mga bagay na hindi mo na masyadong ginagamit. At least, makakatulong ka pa sa iba.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nakakamove on sa iyong nakaraang relasyon, kaya naman magiging maganda na rin ang iyong mood.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ang araw na ito sa mga estudyanteng gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Brown
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng regalo mula sa taong hindi mo inaasahan. Magpasalamat ka sa matatanggap mo.
Love:
Couples: Maaaring sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw. Mukhang ito na rin ang tamang panahon para i-level up ninyo ang inyong samahan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa law ang trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting iwasan ka muna ng mga tao para hindi sila madamay sa badtrip mo.
Love:
Couples: Ipagpatuloy mo lang ang pagiging faithful mo sa iyong partner dahil ganun din naman siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang may chance na mapagastos ka ulit ngayong araw kaya naman maging maingat ka sa iyong budget.
Lucky color: Black
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mong balewalain ang iyong commitments. Unahin mo munang gawin ang mga ito bago ang ibang bagay.
Love:
Couples: Hindi ito ang tamang araw para mag-away kayo ng iyong partner. Habaan mo na lang ang iyong pasensiya sa kanya.
Money/Career:
Kung merong iaalok sa iyo ngayong araw, mas mabuting tanggihan muna ito lalo na kung hindi ka naman sigurado.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyado maging demanding ngayong araw. Pagbigyan mo muna ang iba sa kanilang gusto at hayaan mo sila.
Love:
Couples: Kung medyo stressful na ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para bigyan ninyo muna ang isa’t-isa ng space.
Money/Career:
Mukhang malaki ang nakuha mong pera kamakailan pero mas mabuti na hindi mo muna ito gastusin.
Lucky color: Red
Lucky number: 13
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka masyado maging clingy sa iyong mga gamit. Kung hindi mo naman ginagamit ang ilan sa mga ito, mas mabuting alisin na ito sa iyong kwarto.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner sa isang road trip ngayong araw. Ienjoy ninyo na lang ang mga oras na magkasama kayo.
Money/Career:
Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Kung kaya mong sabihin ito sa harap niya, gawin mo.
Lucky color: Black
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging mas close ka pa sa isa sa iyong mga kaibigan. Makiramdam kang mabuti at baka may pagtingin siya sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may pagbabago na darating sa inyong relasyon. Maging matatag lang kayo sa kung ano ang darating.
Money/Career:
Napalaki ang iyong gastos kamakailan at dahil sa hindi ka nag-ingat, matagal-tagal ulit bago ka magkaroon ng malaking ipon.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
I-maintain mo lang ang iyong focus sa mga bagay na gusto mong gawin. Kung magpapadistract ka, mas lalo ka lang matatagalan na tapusin ito.
Love:
Singles and Couples: Make sure na naglalaan kayo ng oras sa inyong mga magulang. Dapat ay hindi ninyo sila binabalewala.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap kang advice mula sa isang tao ngayong araw at kailangan mo itong sundin.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Hindi makakatulong sa iyo ang pagmamadali. Magrelax ka lang at huwag ka masyadong magpanic dahil lalo ka lang magkakamali.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para ilevel up ninyo ang inyong relasyon, pero ikaw dapat ang unang gumawa ng hakbang.
Money/Career:
Kung merong magandang offer sa iyo, tanggapin mo ito kaagad lalo na kung pamilyar ka naman dito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Magpahinga ka naman lalo na kung sumusuko na ang iyong katawan.
Love:
Couples: Kung steady naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para kayong dalawa ay magpakasal.
Money/Career:
Kung may matatanggap kang tulong, huwag mong kalimutang magpasalamat at gumawa rin ng bagay na makakatulong sa kanya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may malaking chance na maipit ka sa traffic ngayong araw. Kaya naman mas mabuti kung aagahan mo na lang ang iyong pag-alis.
Love:
Singles: Panahon na para magsimula ka ng bago. Kung meron kang peace of mind, mas madali kang makakahanap ng taong mamahalin.
Money/Career:
Ilista mo muna ang mga bagay na kailangan mong bilhin para malaman mo kung alin sa mga ito ang iyong priority.
Lucky color: Blue
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang magandang ideya, wala itong maitutulong sa iyo kung hindi mo naman ito gagawin.
Love:
Singles: Marahil marami ang gustong maging kaibigan ka dahil sa mayaman ka. Kaya naman mas mabuting maging mapanuri sa ibang tao.
Money/Career:
Kaya mo naman gawin ang mga bagay na gusto mo, wala ka lang motivation para sa mga ito.
Lucky color: White
Lucky number: 28