Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang matatapos mo na ang isang proyekto na matagal mo na sinimulan. Tutulungan ka rin ng isang kaibigan para matapos ito.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga siya, maging handa ka sa maaaring kumplikasyon na hatid ng inyong magiging relasyon.
Money/Career:
Minsan, kailangan mo talaga ang tulong ng ibang tao para maayos mo ang iyong gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 27
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman iwasan mo na lang ang paggastos ng malaki para hindi ka mastress.
Love:
Singles: Bago ka umasa na mahalin ka ng ibang tao, mahalin mo muna ang iyong sarili at tanggapin kung ano ang meron ka.
Money/Career:
Tuwing ikaw ay nasa trabaho, mas maganda kung hindi ka tinatamad kahit na paulit-ulit na lamang ang iyong ginagawa.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang maganda ang araw na ito para magsimula ka ng bago. Maraming oportunidad ang darating sa iyo kaya naman maging handa ka.
Love:
Couples: Maaaring may third party na sumira sa inyong relasyon. Pero kung parehas kayong matatag, hindi niya magagawang wakasan ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Hindi importante kung gaano kahirap ang iyong trabaho. Ang mahalaga ay nakakayanan mo itong harapin at gawin nang maayos.
Lucky color: Brown
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kumalma ka lang. Hindi makakatulong sa iyo ang pagpapanic. Mas mabuting humingi ka na lang sa iba ng tulong para hindi ka na mahirapan pa.
Love:
Couples: Kung may away kayo, huwag ninyong hayaan matapos ang araw na hindi kayo nagkakabati. Maging maunawain kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung saan ka talaga magaling, iyon ang mas mabuting i-develop mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging busy ka ngayong araw. Marami ka pang dapat na gawin kaya hindi pa ito ang oras para magpahinga ka.
Love:
Singles: Subukan mong imbitahan sa bahay ninyo ang isang tao na special sa iyo. Malay mo pumayag siya at maging close pa kayo.
Money/Career:
Kung nagsisimula ka pa lang, dapat ay ibigay mo ang lahat ng iyong effort kaagad para naman bumilib sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Hindi mo kailangang magpapansin sa iba para makuha mo ang kanilang atensyon. Kung may care sila sa iyo, sila mismo ang lalapit.
Love:
Couples: Bago ka gumawa ng malaking desisyon, ikonsulta mo muna ito sa iyong partner para naman hindi siya mabigla sa iyong gagawin.
Money/Career:
Mukhang malapit mo na makuha ang promotion na matagal mo nang inaasam.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Para matapos na ang isang gawain na matagal na dapat natapos, humingi ka na ng tulong sa iba at huwag ka na mahiya.
Love:
Couples: Lambingin mo ang iyong partner ngayong araw. Kantahan mo siya o kaya’y ipagluto mo ng kanyang favorite dish.
Money/Career:
Mukhang may paparating na pagbabago sa iyong career kaya naman maging alerto ka.
Lucky color: Green
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Para magkaroon ka ng peace of mind, dapat ay ayusin mo na ang isa mong problema at para hindi ka na rin mukhang stressed palagi.
Love:
Couples: Mukhang ito na ang tamang panahon para i-level up ninyo ang inyong relasyon. Huwag kalimutang magtiwala sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung may balak kang magtayo ng iyong sariling business, mas mabuting simulan mo na ito kaagad.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag mo ito ipamukhan sa iba dahil ikaw lang ang malilintikan sa huli.
Love:
Couples: Kung medyo magulo ang inyong pagsasama recently, mas mabuti siguro kung bigyan ninyo muna ng space ang bawat isa.
Money/Career:
Kung may taong nagkasala sa iyo at humingi naman siya ng sorry, mas maganda kung patawarin mo na siya para gumaan na ang iyong pakiramdam.
Lucky color: Purple
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kausapin mo ang isa sa iyong mga kaibigan ngayong araw. Malay mo at matulungan mo siya sa problema niya at ilibre ka pa.
Love:
Couples: Mukhang stressed ang iyong partner ngayong araw kaya naman gumawa ka ng mga bagay na makakapagrelax sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo inaalagaan ang iyong katawan, ang stress sa trabaho ang sisira sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang bagay na balak simulan, gawin mo na ito ngayong araw. Huwag ka na tamarin at kumilos ka na.
Love:
Singles: Mukhang malapit mo na makita ang taong nakatadhana sa iyo. Hindi man siya ang tipo mo, magiging maganda naman ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Magconcentrate ka na lang muna sa mga bagay na gusto mong gawin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging matino ang isip mo ngayong araw at makakagawa ka ng mga desisyon na papabor sa iyong future.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para magrelax ka kasama ng iyong partner. Gumawa kayo ng mga bagay na tiyak na ieenjoy ninyo.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na mapagastos ka ng malaki ngayong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 2