Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi ito ang tamang oras para maging emosyonal ka. Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga dapat gawin bago ka umaksyon.
Love:
Singles: Mukhang may tao kang nagugustuhan at merong chance na may pagtingin din siya sa iyo. Huwag mahiyang iexpress sa kanya ang iyong nararamdaman.
Money/Career:
Mukhang kontrolado mo naman ang iyong paggastos kaya wala kang magiging problema pagdating sa iyong budget.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Taurus (Apr 20 – May 20)
Tuparin mo ang iyong mga pangako. Hindi ito ang tamang oras para umatras ka sa usapan ninyo ng iyong kaibigan.
Love:
Couples: Kung mukhang stable naman ang inyong relasyon at nagkakaintindihan kayong mabuti, marahil ay panahon na para magpakasal kayo.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw. Hindi dahil sa kailangan mo ito, kundi dahil sa gusto mo lang.
Lucky color: Red
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maging malakas ka. Kailangan mong maging matatag kung haharapin mo na ang iyong mga problema. Kaya mo iyan. Kapit lang.
Love:
Couples: Mukhang may mapapansin kang kakaiba sa iyong partner ngayong araw. Magmasid-masid ka muna sa kanyang mga kilos.
Money/Career:
Kung meron iaalok sa iyong trabaho, pag-isipan mo muna itong mabuti kung tatanggapin mo dahil tiyak na hindi ito madali para sa iyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna gumastos ngayong araw sa mga bagay na hindi mo naman talaga masyadong kailangan. Magtipid ka muna.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali na magkalove life. Darating din ang taong nakatadhana sa iyo kaya naman huwag kang maging atat.
Money/Career:
Kung talagang magaling ka sa iyong trabaho, hindi malayong mapansin ka ng iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Madali kang tamarin sa mga bagay na paulit-ulit. Kaya naman makakatulong sa iyo kung maghahanap ka ng bagong hobby para maaliw ka naman.
Love:
Couples: Huwag kang manghinayang sa tagal ng inyong pagsasama. Kung hindi mo na talaga siya gusto, mas mabuting itigil na kaagad ang inyong relasyon.
Money/Career:
May chance na maging hectic ang iyong schedule ngayong araw, kaya hindi mo maiiwasan na mag-overtime.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang gustong puntuhan, ikaw na ang magplano at huwag mo na asahan ang ibang tao para rito dahil baka hindi pa ito matuloy.
Love:
Couples: Kung may gusto ang iyong partner, subukan mong ibigay ito sa kanya lalo na kung kaya mo naman.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap kang regalo mula sa isang tao, lalo na kung maganda ang performance mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang hindi gusto, sabihin mo ito nang maayos. Huwag ka masyadong demanding lalo na kung wala ka naman sa lugar.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga ang isang tao, huwag kang susuko agad. Malay mo marealize niya na worth it ka pala.
Money/Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para sumubok ka ng isang bagay na bago sa iyong paningin.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong pamilya. Maglaan ka ng panahon sa kanila lalo na kung naging busy ka masyado kamakailan.
Love:
Couples: Huwag ka na tumingin pa sa iba dahil lahat naman na qualities na hinahanap mo sa isang tao ay nasa iyong partner na.
Money/Career:
Kung meron kang job interview na paparating, may malaking chance na maging successful ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Hindi ito ang oras para magdalawang-isip ka pa. Umaksyon ka na kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner sa isang lunch at kamustahin mo ang araw niya lalo na kung hindi na kayo masyadong nakakapaglaan ng panahon sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang malilito ka ngayong araw, kaya mas mabuting magpatulong ka sa iba.
Lucky color: White
Lucky number: 24
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may matatanggap kang good news at may malaking chance na may kinalaman ito sa iyong finances.
Love:
Couples: Huwag mo hayaang maging masyadong demanding ang iyong partner. Kung dapat mo siyang pagsabihan, gawin ito.
Money/Career:
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw at magagawa mong matapos ang iyong mga gawain.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang nakaaway kamakailan, mas mabuti kung makikipagbati ka na sa kanya para magkaroon ka na ng peace of mind.
Love:
Couples: May chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman mas mabuti kung hindi ka muna gagawa ng mga mabibigat na bagay.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magrelax-relax ka muna. Hayaan mo muna ang iyong sarili na makapagpahinga at huwag mo na rin masyadong alalahanin ang iyong mga problema.
Love:
Couples: May malaking chance na mairita ka sa iyong partner ngayong araw, lalo na kung masyado na siyang makulit.
Money/Career:
Maging consistent ka lang sa iyong trabaho at makukuha mo rin ang promotion na inaasam mo.
Lucky color: Green
Lucky number: 28