Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging energetic ka ngayong araw at may malaking chance na yayain mo ang iyong mga kaibigan para gumimik sa gabi.
Love:
Singles: Maaaring may tao kang nagugustuhan, pero kahit anong gawin mo ay hindi ka talaga niya pinapansin.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na magkaroon ka ng pera ngayong araw.
Lucky color: Cream
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging matino ang isip mo ngayong araw, kaya naman magagawa mong makapagdesisyon ng tama at ito naman ay talagang papabor sa iyo.
Love:
Singles: Kung meron kang balak na makipag-date ngayong araw, gawin mo ito dahil malaki ang chance na swertehin ka.
Money/Career:
Kung masyadong demanding ang iyong mga kasama, sabihin mo ito sa kanila dahil baka hindi lang sila aware.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mas mabuting sundin mo muna kung ano ang sinasabi ng iyong kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Kung gusto mo na talaga magkalove life, humingi ka ng advice sa iyong mga kaibigan at dapat sundin mo ang mga ito.
Money/Career:
Marami mang gawain ang ibigay sa iyo, magagawa mo naman ang lahat ng ito nang tama.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna makipagtsismisan sa ibang tao lalo na kung ikaw ang may pasimuno. Baka may masabi kang sikreto at malalagot ka kapag nalaman ito ng iba.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, marahil ay hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho. Hindi mo man ito magustuhan sa umpisa, masasanay ka rin dito sa huli.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mag-isip ka muna bago ka magsalita. Tandaan mo na mas mabuting mag-play safe ka muna kaysa ikaw naman ang mapahamak.
Love:
Singles: Kuntento ka na sa pakikipagflirt mo sa ibang tao. Pero darating din ang araw na gugustuhin mo ng isang taong seseryohin ka.
Money/Career:
Okay naman ang iyong mga gawain, pero kailangan mo lang magrelax paminsan-minsan para hindi ka masyadong mastress.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo muna alalahanin ang iyong mga problema. Gumawa ka muna ngayong ng mga bagay na magpapasaya sa iyo.
Love:
Couples: Kung masyado ka nang stressed sa inyong relasyon, marahil ay kailangan ninyo lang ng space sa isa’t-isa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong makipagkasundo sa mga taong parehas mo ng hilig o interes. Marahil ay mas magiging matagumpay ka sa buhay dahil dito.
Love:
Couples: Maaaring maging iritable ka ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman dito ang iyong partner.
Money/Career:
Kung suswertehin ka ngayong araw, maaaring may matanggap kang bonus o makuha mo na inaasam mong promotion.
Lucky color: Violet
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang iikot ang mundo mo sa isang tao sa mga susunod na araw. Makakatulong siya sa iyo para makita mo ang mga bagay na hinahanap mo.
Love:
Singles: Alam mo na kung ano ba talaga ang hinahanap mo sa isang tao. Kaya naman kung makikita mo na siya, gawin mo ang lahat para makuha siya.
Money/Career:
Kung lagi na lang magulo ang isip mo, wala kang matatapos na trabaho at ikaw lang ang mapapagalitan sa huli.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring maging moody ka ngayong araw. Pero mukhang mawawala ito kung may taong magbibigay sa iyo ng isang regalo.
Love:
Singles: May malaking chance na mahulog ang loob mo sa isang foreigner. Kaya naman kung may pagtingin din siya sa iyo, huwag mo na siyang pakawalan pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito sa mga estudyante na naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung feeling mo ay lagi ka na lamang binabalewa ng mga tao na nasa iyong paligid, may malaking chance na magbago na ito ngayong araw.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na pumasok sa isang relasyon, huwag mo itong gawin. Huwag kang magpapressure sa taong gusto mo maging kapartner.
Money/Career:
Maaaring may pagbabago na mangyari sa iyong trabaho. Kaya naman magtanong-tanong ka sa iyong mga kasama para may ideya ka.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung kaya mong tumulong sa ibang tao, gawin mo ito. Hindi ito ang tamang panahon para ikaw ay magdamot sa iba.
Love:
Couples: Kung naging busy kayo ng iyong partner kamakailan, ito na ang tamang araw para bumawi kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mong pumasok sa isang investment, magiging successful lamang ito kung alam mo ang iyong ginagawa.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 8
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi ito ang panahon para ikaw ay maging tamad. Marami ka pang dapat gawin kaya naman magsimula ka na para mabawasan ang iyong mga tambak na trabaho.
Love:
Couples: Kung masaya ka naman sa inyong relasyon, ipagpatuloy mo lang ito. Pero kung masakit na para sa iyo ang inyong pagsasama, mas mabuting itigil na ninyo ito.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong career. May malaking chance na lumipat ka sa ibang company.
Lucky color: White
Lucky number: 12