Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi mo sigurado kung ano nga ba ang mong gawin, sundin mo na lang kung ano sa palagay mo ang tama.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutang maglaan ng panahon sa iyong partner. Kahit na pagod ka, lambingin mo pa rin siya.
Money/Career:
Kumonsulta ka muna sa ibang tao lalo na kung may mabigat kang desisyon na gagawin tungkol sa iyong career.
Lucky color: Gold
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman mabuting huwag ka muna gumawa ng mga mabibigat na desisyon dahil may chance na pagsisihan mo ito sa huli.
Love:
Couples: Mas mabuti na huwag ka na munang makipagtalo sa iyong partner ngayong araw para naman hindi na pumangit ang iyong mood.
Money/Career:
Mukhang may taong magbibigay sa iyo ng pera ngayong araw kaya naman magagawa mong bayaran ang iyong utang sa iba.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magdahan-dahan ka naman. Huwag kang magmadali dahil magiging malaki lang ang chance mo na magkamali sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Kung may gusto talaga siya sa iyo, sigurado naman na gagawa siya ng paraan para lagi kang makasama.
Money/Career:
Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho, marahil ay matulungan ka ng isa mong kaibigan.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na maging hectic ang iyong schedule, kaya naman mas mabuti na alagaan mo ang iyong sarili para makaiwas sa pagod.
Love:
Singles: Kung may pagtingin ka pa sa iyong ex, may malaking chance na magkabalikan kayo kung mahal ka pa rin niya.
Money/Career:
Huwag ka masyado maging sensitive kapag ikaw ay nasa trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo masyadong isipin ang iyong problema. Makakaisip ka rin ng solusyon para rito kaya naman magrelax ka lang.
Love:
Singles: Mukhang kaya mo namang pabilibin sa iyo ang taong nagugustuhan mo. Pero mas mabuti kung magiging humble ka lang.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong trabaho, kung toxic naman ang iyong working environment ay lalo ka lang maiistress.
Lucky color: Silver
Lucky number: 30
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magiging iba ang awra mo ngayong araw at tiyak naman na mapapansin ito ng mga tao sa iyong paligid.
Love:
Singles: Marami ang makakapansin sa iyo ngayong araw. Pero kung wala kang nagugustuhan sa kanila, mas mabuting sabihin ito agad sa kanila.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa mga bagay na i-ooffer sa iyo dahil may chance na maloko ka ngayong araw.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magkakaroon ka ng bisita ngayong araw, kaya naman siguraduhin mo na may handa ka para sa kanya.
Love:
Singles: Huwag ka magmadali na magkalove life. Gawin mo muna ang mga bagay na gusto mo habang ikaw ay malaya pa.
Money/Career:
Kung hindi na masyado maganda ang takbo ng iyong career, mas mabuti kung magsisimula ka na lang muli sa umpisa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Ito na ang tamang oras para gawin mo ang mga bagay na ipinangako mong gagawin dati. Hindi ito ang oras para maging tamad ka.
Love:
Couples: Okay lang naman na habaan mo ang iyong pasensiya. Pero kung feeling mo ay sumusobra na ang iyong partner, magsalita ka na.
Money/Career:
Kung ikaw ay isang estudyante, may malaking chance na swertehin ka sa exam ninyo ngayong araw.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyo na gagawin.
Love:
Couples: Mukhang malalaman mo na ang rason sa likod ng mga ikinikilos ng iyong partner. Kung nagtatampo siya, lambingin mo lang siya.
Money/Career:
Maging consistent ka lang sa iyong mga gawain at tiyak naman na magiging successful ka rin sa iyong career.
Lucky color: Cream
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Para hindi ka na mahirapan pa, mas mabuti kung aaksyunan mo na ang iyong problema. Humingi ka ng tulong sa iba kung hindi mo kaya ito nang mag-isa.
Love:
Couples: Mukhang magiging stable naman ang takbo ng inyong relasyon. Maganda rin ang araw na ito para maging romantic kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Magiging maganda ang araw mo ngayon sa iyong trabaho. Magagawa mong tapusin ang iyong mga gawain sa oras.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang pinoproblema, subukan mo itong i-share sa ibang tao ay baka mapayuhan ka nila ng tama.
Love:
Singles: Huwag ka malungkot kung hindi masyadong maganda ang naging kalabasan ng iyong date. Marami pa namang tao diyan na maaaring magkagusto sa iyo.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na mabigyan ka ng isang bagong project ng iyong boss.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang balak na magpatayo o magrenovate ng bahay, ito na ang tamang panahon para gawin mo ito.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw, pero siguraduhin ninyo na hindi matatapos ang araw na ito nang hindi kayo nagkakaayos.
Money/Career:
Maaaring may dumating na oportunidad sa iyo ngayong araw. Hindi ito libre kaya naman pag-isipan mong mabuti kung tatanggapin ito o hindi.
Lucky color: Cream
Lucky number: 6