Aries (Mar 21 – Apr 19)
Makikita mo na kahit maganda naman ang iyong mga ideya, hindi ito susundin ng mga tao. Kaya mas mabuting huwag na lang mag-effort para rito.
Love:
Couples: Maging faithful ka sa iyong partner. Hindi ka na dapat naghahanap pa ng mga qualities na wala sa kanya.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka, mas mabuti kung susundin mo kung ano sa palagay mo ang tama.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Ito na ang tamang panahon para tuparin mo ang mga bagay na ipinangako mong gagawin dati pa. Hindi ito ang oras para maging tamad ka.
Love:
Couples: Kung parehas kayo ng trabaho, mas maiintindihan ninyo ang isa’t-isa at maiiwasan ninyo ang ilang pagtatalo.
Money/Career:
Subukan mong tapusin ang iyong mga gawain sa umaga pa lang, para puro pahinga ka na lang pagsapit ng hapon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Tapusin mo muna ang iyong mga gawain bago ka maglakwatsa lalo na kung ayaw mong mapagalitan at mabadtrip buong araw.
Love:
Couples: Kung nananakit na ang iyong katawan, subukan mong yayain ang iyong partner na mag-exercise ngayong araw.
Money/Career:
Maging mahigpit ka sa iyong paggastos. Kung hindi mo naman talaga kailangang bilhin ang isang bagay, ipagpaliban mo muna ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Okay lang maging confident sa iyong sarili, pero iwasan mo namang maging mayabang dahil mapapasama ka lang sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung going steady naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para ilevel up ninyo ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino ngayong araw lalo na kung ayaw mong tumaas ang iyong blood pressure.
Lucky color: Red
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may malalaman kang sikreto ngayong araw, gawin mo ang lahat para hindi ito ipagkalat kahit na big deal ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Yayain mo siya sa isang date.
Money/Career:
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman magagawa mong tapusin ang iyong mga gawain nang walang kahirap-hirap.
Lucky color: Red
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung medyo naguguluhan ka sa iyong buhay, marahil ay makakatulong sa iyo kung susubukan mong magsimba ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag mong balewalain ang iyong partner. Tandaan mo na kahit alam niya na busy ka, ineexpect pa rin niya ang iyong tawag o text.
Money/Career:
Kung may balak kang sumali sa isang event na may kinalaman sa sports, gawin mo ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag naman umabot sa point na nagiging rude ka na.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong partner na lumabas at i-enjoy lang ang mga sandali na magkasama kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagsusulat ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang pupuntahang event ngayong araw, maging maingat ka dahil may malaking chance na mapahiya ka roon.
Love:
Couples: Bago ka lumabas kasama ng iyong partner, siguraduhin mo munang natapos mo na ang mga gawain na inutos sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Hindi ito ang panahon para magdalawang-isip ka. Kung merong dumating sa iyo na oportunidad, kunin mo ito kaagad.
Love:
Singles: Huwag ka matakot magcommit sa isang tao lalo na kung talagang sersyoso ka naman sa iyong nararamdaman.
Money/Career:
Kung meron kang problema sa ngayon, huwag mo muna ito masyadong alalahanin dahil makakaisip ka rin ng solusyon para rito.
Lucky color: Black
Lucky number: 24
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung nalilito ka, mas mabuti na ikaw na ang gumawa ng paraan para malaman mo ang katotohanan at para hindi ka na rin malito pa.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin mo ang iyong partner, lalo na kung meron siyang achievement kamakailan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong nagtatrabaho sa service sectors.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang marami ka pang dapat asikasuhin ngayong araw kaya naman hindi pa ito ang panahon para magpahinga ka.
Love:
Couples: Huwag mong gawing complicated ang mga bagay-bagay. Ikaw lang ang nagpapahirap sa iyong sarili.
Money/Career:
Maging positive ka lang palagi lalo na kung ikaw ay nasa iyong trabaho, para lapitan ka ng good vibes.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maging maingat ka sa pagtulong sa ibang tao, dahil baka imbes na makatulong ka, lalo ka pang mapasama sa kanila.
Love:
Couples: Huwag kayo masyadong magmadali. Pag-isipan ninyo munang mabuti ang isang bagay bago ninyo ito gawin.
Money/Career:
Kung talagang gusto mong maging successful sa buhay, dapat ay ibinibigay mo ang lahat ng iyong effort sa iyong career.
Lucky color: Green
Lucky number: 6