Aries (Mar 21 – Apr 19)
Lumayo ka sa mga tao na negative mag-isip. Huwag mo ring hahayaang maapektuhan nila ang iyong mga gagawing desisyon.
Love:
Singles: May chance na hindi ka maging approachable ngayong araw. Kaya naman kung meron kang problema, ayusin mo ito kaagad.
Money/Career:
Hindi makakatulong sa iyo kung mawawala ang iyong focus sa iyong trabaho. Huwag kang magpaistorbo sa iba.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 23
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi ito ang tamang panahon para sumubok ka ng isang bagay na bago para sa iyo. Mas mabuting gawin mo muna ang mga bagay na subok na.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Bumawi ka sa mga panahon na naging busy ka.
Money/Career:
Kailangan mong maging masipag ngayong araw dahil tiyak na maraming bagay ang iuutos sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo masyadong alalahanin ang iyong mga problema. Lilipas din ang mga ito kaya naman magrelax ka lang.
Couples: Sabihin mo sa iyong partner kung ano talaga ang gusto mo. Hindi siya manghuhula kaya naman huwag mo na siya pahirapan pa.
Money/Career:
Bago ka gumastos sa isang bagay, subukan mo munang tumingin sa mga sale online at baka makatipid ka.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang unti-unti ka nang nahuhulog sa isang kaibigan na matagal mo nang kakilala. Pero huwag masyadong excited at baka lumipas din ito.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner. Pero huwag ka masyadong mataranta dahil mukhang good news naman ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa journalism ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may mga tao na hahadlang sa iyong gusto. Kaya naman i-gather mo ang iyong mga kaibigan para labanan sila.
Love:
Couples: Kaya mo namang solusyunan ang iyong mga problema. Pero kung hahayaan mong tulungan ka ng iyong partner, mas mapapadali ang buhay mo.
Money/Career:
Kung magiging masipag ka lang, magagawa mong tapusin ang lahat ng mga tambak mong gawain.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang merong tao na kakailanganin ang iyong tulong ngayong araw. Kaya kung kaya mo namang tulungan siya, gawin mo ito.
Love:
Singles: Malaki ka na kaya alam mo na ang dapat mong gawin sa iyong problema. Hindi ito ang oras para maging pasaway ka.
Money/Career:
Kung meron kayong meeting ngayong araw, may malaking chance na maging successful ito.
Lucky color: Violet
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang gustong matapos ngayong araw, dapat ay focused ka sa iyong mga gawain para naman hindi masayang ang pagod mo.
Love:
Couples: May malaking chance na manibago ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Magmasid- masid ka muna sa kanya.
Money/Career:
Kahit na hindi umaayon sa iyong gusto ang mga nangyayari ngayong araw, manalig ka lang at mag-iiba rin ang resulta nito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mag-ingat ka sa mga pwede mong masabi ngayong araw dahil may malaking chance na meron kang ma-offend na taong malapit sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong pasaway sa iyong partner. Huwag kang magtampo sa kanya lalo na kung hindi niya ibinibigay ang gusto mo.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang panahon para tamarin ka. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos- kilos ka.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman subukan mo munang lumayo sa problema ng ibang tao.
Love:
Couples: Sundin mo kung ano sa palagay mo ang tama. Doon ka sa magdudulot sa iyo ng peace of mind.
Money/Career:
Mukhang hindi masyadong maganda ang takbo ng iyong career sa ngayon. Kung kailangan mong magsimula muli, gawin ito.
Lucky color: Rose
Lucky number: 21
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Dahil kaya mong isakripisyo ang iyong oras at pagod para sa ibang tao, hindi malayong gusto ka talaga ng iyong mga kaibigan.
Love:
Singles: Kung hindi naging maganda ang past experience mo, mukhang hindi talaga siya ang nararapat para sa iyo.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang trabaho kamakailan, may posibilidad na may matanggap kang balita sa mga susunod na araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung gusto mo na umalis sa iyong kasalukuyang trabaho, gawin mo na ito lalo na kung kailangan mo ng pagbabago sa iyong buhay.
Love:
Couples: Kung going steady naman ang inyong relationship, marahil ay panaho na para i-level up ninyo ang inyong samahan.
Money/Career:
Mukhang may makukuha kang pera mula sa isang tao ngayong araw, kaya naman makakapagbayad ka na sa mga utang mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang matatanggap na tulong ngayong araw, siguraduhin mo na magpasalamat ka sa tao nang mabuti.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Ipasyal mo siya sa kanyang favorite place.
Money/Career:
Kahit na maganda ang takbo ng iyong career, dapat ay hindi mo kinakalimutan ang iyong kalusugan.
Lucky color: White
Lucky number: 19