Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magkakaroon ka ng problema habang bumibyahe, kaya naman mag-isip ka na agad ng ibang ruta sa iyong pupuntahan.
Love:
Couples: Gumawa ka ng something special sa iyong partner today. Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa kanya.
Money/Career:
Dapat ay maging mabait ka sa mga kasama mo sa iyong trabaho, lalo na kung may balak kang magpatulong sa kanila.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magkakaroon kayo ng problema at may malaking chance na may kinalaman dito ang ilan sa iyong mga kamag-anak.
Love:
Couples: Huwag ka na makipagsagutan sa iyong partner. Tumahimik na lang para matapos na ang away.
Money/Career:
Kahit na gusto mo ang iyong trabaho, hindi mo ito maeenjoy kung toxic naman ang iyong mga kasama.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Para hindi ka na mahirapan pa, sumunod ka na lamang sa agos at hayaan mo na mangyari ang mga dapat maganap.
Love:
Couples: Kung matagal na kayong nagsasama at steady naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para magpakasal kayo.
Money/Career:
Okay lang maging confident sa iyong trabaho, pero iwasan mo naman ang maging mayabang.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka masyadong umasa sa ibang tao. Tandaan mo na kaya mong harapin ang mga bagay-bagay kung may tiwala ka sa iyong sarili.
Love:
Couples: Huwag kayong masyadong magpaapekto sa inyong mga problema. Malalampasan ninyo rin ang mga ito kung kayo’y magkasama.
Money/Career:
Kung marami ka pang gawain na dapat tapusin, may malaking chance na mag-overtime ka ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging matino ang isip mo ngayong araw, kaya naman makakagawa ka ng mga tamang desisyon sa iyong buhay.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, mas mabuting huwag mo muna siyang i-approach at baka mapahiya ka sa harap niya.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para itodo mo ang iyong effort sa trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang problemang hinaharap sa ngayon, mas mabuting aksyunan mo na ito bago pa lumala ito.
Love:
Couples: Walang taong perfect. Kaya naman kung nagkamali ang iyong partner, huwag mo na siya pahirapan pa.
Money/Career:
Malaki naman ang iyong naipon, kaya kung may balak kang magshopping, gawin ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Importante sa iyo ang iyong pamilya. Kaya naman hindi mo kayang iwan sila sa ere lalo na kung meron kayong problema sa ngayon.
Love:
Couples: Ito ang tamang araw para bumawi ka sa iyong partner sa mga panaho na naging busy ka sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Tinutulungan ka naman ng ibang tao, kaya naman gawin mo rin ang lahat para tumulong sa iba.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang marami ang nagbabago sa iyong paligid. Kaya kung hindi ka mabilis mag-adjust, tiyak ikaw ang mahihirapan.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang oras para pumasok ka sa isang relasyon. If the feeling is mutual, mukhang maswerte ka talaga.
Money/Career:
Gawin mo ang mga bagay kung saan ka masaya. Huwag ka na makinig pa sa sasabihin ng iba.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Okay lang naman na magsaya ka, pero dapat ay alam mo rin na may mga bagay na hindi mo dapat ginagawa.
Love:
Couples: Hindi ito ang panahon para maging pasaway ka sa iyong partner. Huwag mong pasakitin ang kanyang ulo.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting magpaalam ka sa iyong boss at magpahinga na muna sa inyong bahay.
Lucky color: Grey
Lucky number: 27
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang kailangan mong harapin ang isang bagay kahit na hindi ka pa handa para rito. Tapangan mo na lamang ang iyong loob.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa rin nakakamove on sa iyong nakaraan, pinapahirapan mo lang ang iyong sarili.
Money/Career:
Huwag masyadong OA tuwing ikaw ay nasa trabaho. Baka isipin ng iyong mga kasama na masyado kang maarte.
Lucky color: Blue
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mas mabuting sundin mo na lang ang sa tingin mo ang tama. Magtiwala ka sa iyong mga kutob at hinala.
Love:
Singles: Huwag kang ma-fall sa kanya kaagad. Tandaan mo na baka hindi lang ikaw ang dinidiskartehan niya.
Money/Career:
Kailangan mong magdesisyon kaagad tungkol sa isang problema para hindi ka na mahirapan pa.
Lucky color: Violet
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nahihirapan ka na sa isang sitwasyon, mas mabuting huwag ka na lamang magbigay dito ng effort lalo na kung wala na talagang pag-asa.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner at ipaghanda siya ng isang sorpresa.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may makuha kang bonus sa mga susunod na araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 12