Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ito na ang tamang panahon para umaksyon ka. Huwag ka na magdalawang-isip pa at baka ma-miss mo ang isang magandang opportunity.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa iyong partner ngayong araw. Magcompose ka ng isang song para sa kanya para naman maiba.
Money/Career:
Kung confident ka sa iyong trabaho, may malaking chance na mapansin ka ng iyong mga boss.
Lucky color: Red
Lucky number: 23
Taurus (Apr 20 – May 20)
Pagplanuhan mong mabuti ang iyong mga balak, lalo na kung gusto mo talagang matuloy ito nang walang problema.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Magplan ka ng something special para sa kanya.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho. Hindi ito ang tamang panahon para makipagtsismisan ka sa iba.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring may bumisita sa iyo ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang ipaghanda siya ng makakain.
Love:
Couples: Kung marami kang free time ngayon, ilaan mo ito para sa iyong partner para naman makabawi ka sa mga oras na naging busy ka.
Money/Career:
Matuto ka sa iyong mga pagkakamali. Kung hindi ka magbabago, tiyak na magiging sawi ka ulit.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Okay lang naman na gawin mo ang mga gusto mo, pero siguraduhin mo muna na natapos mo na ang mga bagay na inuutos sa iyo.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, gawin mo ang lahat para magmeet ulit kayo ng mas madalas.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang oras para umabsent ka sa iyong trabaho. Kailangan ka ng maraming tao kaya naman pumasok ka.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mag-ingat ka ngayong araw lalo na kung makikipag-usap ka sa isang sensitive na tao. Magdahan-dahan ka lang sa iyong mga sasabihin.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong pananamit ngayong araw. May malaking chance na ma-impress sa iyo ang ibang tao.
Money/Career:
Kung merong nagawang mali ang iyong kasama, patawarin mo siya lalo na kung nagsorry naman siya.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang hindi magiging maganda ang araw mo ngayon. Pero huwag kang masyadong mag-alala dahil lilipas din naman ang problema.
Love:
Singles: Hindi mo ito napapansin pero unti-unti ka nang nahuhulog sa isa mong kabarkada. Maging honest ka sa iyong sarili.
Money/Career:
Magaling ka naman sa iyong trabaho. Pero kung toxic ang environment mo, mas maganda kung magreresign ka na lang at humanap ng iba.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong maoffend sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo. Marahil ay may point naman sila kaya maging open-minded ka na lang.
Love:
Singles: Huwag ka na pumatol sa mga taong nagtitrip lang. Mas deserve mo ang isang tao na talagang seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Maging malambing ka naman sa iyong mga kasama. Huwag palaging masungit sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na maging charming ka ngayong araw, kaya naman huwag kang mabigla kung may ilang tao ang mag-aapproach sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay sumabak sa isang relasyon. Malaki ang chance na hindi ka pa ready.
Money/Career:
Magiging okay naman ang takbo ng iyong career ngayong araw. Maging consistent ka na lamang sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mabait ka talagang tao. Nagagawa mong isakripisyo ang iyong oras at pagod para sa ibang tao, kaya talaga namang blessed ka.
Love:
Couples: Kung malayo sa piling mo ang iyong partner, lagi mo lang isipin na lagi ka niyang inaalala.
Money/Career:
Kung may balak kang sumali sa isang charity event, mas mabuti kung gagawin mo ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 21
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang gustong i-celebrate, mas maganda siguro kung hindi ka na mag-iimbita ng maraming tao. Isang simpleng party ay okay na.
Love:
Singles: Mukhang nakakamove on ka na sa iyong past experience, kaya naman mapapansin ng ibang tao na blooming ka na.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang tapusin ang iyong mga gawain sa itinakdang oras, humingi ka ng tulong sa iyong mga kasama.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mas makakabuti sa iyo kung magtitiwala ka muna sa iyong mga kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner. Hindi makakabuti sa inyong relasyon kung lagi na lamang kayong nag-aaway.
Money/Career:
Kung meron kang mga foreign clients, may malaking chance na maging maswerte ang business transactions mo sa kanila.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magbubunga na ng maganda ang isang proyekto na kasalukuyan mong ginagawa. Maging consistent ka lamang dito at siguradong magtatagumpay ka.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. At kung may balak na kayong magstart ng isang pamilya, ito na ang tamang panahon para rito.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang isang offer, i-check mo muna kung talagang totoo ito.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 8