Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron ka pang mga bagay na dapat gawin, simulan mo na ito kaagad para naman makapagpahinga ka nang maaga.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong pagbigyan ang iyong partner lalo na kung nagiging demanding na siya. Magbigay ka ng limit sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi pa rin umuusap ang iyong career, baka panahon na para magkaroon ng pagbabago rito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 30
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi mo kailangang magpapansin sa ibang tao. Gawin mo lang ang mga bagay na talagang gusto mo at huwag mo na isipin ang sasabihin nila.
Love:
Couples: Maging positive ka lang kahit na hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong relasyon.
Money/Career:
Tapusin mo na ang iyong mga nakatambak na mga gawain para naman makapagpahinga ka nang maaga.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong hayaang maging bilanggo ka ng iyong nakaraan. Matutong mag-let go para naman makamove on ka na sa iyong buhay.
Love:
Couples: Iwasan mo munang makipag-away sa iyong partner ngayong araw. Subukan mo munang unawain siya.
Money/Career:
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw ang pinakamaaapektuhan dito.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaari kang magsaya ngayong araw. Pero mag-ingat ka lang dahil baka maubos ang iyong budget nang hindi mo namamalayan.
Love:
Couples: Kung medyo boring na ang inyong relasyon, mag-isip kayo ng isang bagong hobby na tiyak na ieenjoy ninyo.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang araw para magsimula ka ng sarili mong business.
Lucky color: White
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Ito na ang tamang oras para umaksyon ka. Huwag ka na magdalawang-isip at kumilos ka habang maaga pa.
Love:
Couples: Sabihin mo sa iyong partner kung sumosobra na siya sa kanyang ginagawa sa iyo, lalo na kung hindi naman siya aware sa kanyang ginagawa.
Money/Career:
Paganahin mo ang iyong utak tuwing ikaw ay nasa trabaho. Huwag palaging lutang ang isip.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit na hindi mo gustuhin, marami ang makakapansin sa iyo ngayong araw. Baka nga isipin nila na blooming ka.
Love:
Couples: Kung hindi mo kapiling ang iyong partner ngayong araw, lagi mo lang isipin na lagi ka niyang inaalala.
Money/Career:
Kung magkaroon man ng problema ngayong araw, sure naman na magagawan mo ito ng paraan basta kalmado ka lang.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang nalamang bago ngayong araw, huwag mo muna itong ipagkalat lalo na kung hindi mo naman sigurado kung totoo ito.
Love:
Couples: Kung stressed na kayong dalawa, marahil ay panahon na para magbakasyon muna kayo sa paborito ninyong lugar.
Money/Career:
Huwag ka muna makipagtalo kahit na kanino lalo na kung ayaw mong masira ang iyong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na makipag-away sa mga taong hindi marunong makinig sa rason. Hindi mo dapat inistress ang sarili mo sa kanila.
Love:
Singles: May taong may gusto sa iyo, pero kaibigan lamang ang tingin mo sa kanya. Sabihin na sa kanya ito para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho at bawas-bawasan mo ang pakikipagtsismis mo sa iba.
Lucky color: Brown
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang mag-alala dahil lahat naman ng effort mo ay tiyak na may magandang hatid sa iyong career at sa iyong future.
Love:
Singles: Hindi porke mabait siya sa iyo ay may pagtingin na siya sa iyo. Huwag masyadong assuming at ikaw lang ang masasaktan sa huli.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa journalism ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging busy ka ngayong araw, kaya naman mas mabuti kung sisimulan mo na agad ang iyong mga gawain para maaga kang matapos.
Love:
Couples: Kung may gusto ang iyong partner, ibigay mo ito sa kanya lalo na kung kaya mo naman siyang pagbigyan.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga ginusto ang iyong trabaho sa ngayon, may malaking chance na magresign ka rito soon.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may plano kayo na mag-outing, magtipid ka na habang maaga pa. Huwag kang mag-alala dahil sure naman na hindi drawing ang mangyayari.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, hindi pa ito ang tamang panahon para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at tiyak naman na makukuha mo rin ang nais mong makuha.
Lucky color: White
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi mo kayang mag-isa ang iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa iyong partner ngayong araw. I-treat mo siya sa isang dinner o kaya’y mamasyal kayo sa isang park.
Money/Career:
Maging consistent ka lang sa iyong trabaho at tiyak naman na magiging maganda ang takbo ng iyong career.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7