Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may chance ka na tapusin ang isang gawain na hindi mo natapos kahapon. Pero kung nahihirapan ka pa rin dito, humingi ka na ng tulong sa iba.
Love:
Couples: Gumawa kayo ng bago ng iyong partner ngayong araw. Kung hindi naman kayo makagala, marami kayong pwedeng gawin sa loob ng bahay.
Money/Career:
Okay lang na magfocus ka sa iyong mga gawain. Pero kung hindi ka marunong magmulti-task, matatagalan ka sa pagtapos ng mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung naguguluhan ka sa mga nangyayari sa iyong paligid, habaan mo lang ang iyong pasensiya at malalaman mo rin ang rason sa likod nito.
Love:
Couples: Huwag mo na pagdudahan ang iyong partner. Magtiwala ka lang sa kanya para hindi ka na rin nag-aalala.
Money/Career:
Mukhang may malaking pagbabago na darating sa iyong career. Maaaring magkaroon ka ng bagong trabaho sa hinaharap.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi ka pa sigurado sa isang bagay, mas mabuti kung huwag ka muna magcommit dito para hindi ka na rin masabihan na paasa.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon ng complication sa inyong relasyon. Pero tandaan na kung parehong mainit ang inyong mga ulo, wala kayong maiisip na solusyon.
Money/Career:
Humingi ka ng payo sa isang professional kung nahihirapan ka na sa iyong trabaho.
Lucky color: White
Lucy number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may posibilidad na mapagastos ka ng malaki at maubos ang iyong budget.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung busy ka sa iyong trabaho. Pero dapat ay gumawa ka ng paraan para magkaroon ka ng oras para sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka lang titigil sa pagiging masipag sa iyong trabaho at tiyak naman na magtatagumpay ka rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Makukuha mo ang atensyon ng maraming tao ngayong araw, kaya naman mabibitter ulit sa iyo ang iyong mga kaaway.
Love:
Couples: Itigil mo na ang pagiging pasaway mo sa iyong partner. Huwag mo na dagdagan pa ang sakit ng kanyang ulo.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na gagamitin mo ito at hindi mo lang itatambak sa huli.
Lucky color: Gold
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Alagaan mo ang iyong sarili. Makakasama sa iyo kung palagi na lang trabaho ang nasa isip mo. Kailangan mo rin ng pahinga.
Love:
Couples: Maaaring maging stressed ang iyong partner ngayong araw kaya naman huwag ka na dumagdag pa sa stress niya.
Money/Career:
Habaan mo ang iyong pasensya. Hindi minamadali ang mga bagay-bagay.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung medyo bored ka na, subukan mong yayain ang mga kaibigan mo sa isang road trip o kaya’y kumain kayo sa isang favorite na resto.
Love:
Couples: Mukhang maayos na naman ang status ng inyong relasyon. Kung sakali na magkaroon ulit kayo ng problema, alam na ninyo kung paano ito ihahandle.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ka sa iyong career lalo na kung may mga client kang foreigners.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang passion for the arts, mukhang magiging maswerte ka ngayong araw dahil babahain ka ng mga ideas para sa iyong next project.
Love:
Couples: Mukhang may paparating na conflict sa inyong relasyon ngayong araw. Kaya naman dapat ay maging handa kayo parehas at maging matatag.
Money/Career:
Iwasan mong maging tamad sa iyong trabaho dahil hindi mo maiiwasang maperwisyo ang ibang tao.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may malaking chance na maging galante ka ngayong araw. Kaya naman huwag ka na mahiyang ilibre ang iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Dapat ninyong tandaan na para tumagal ang inyong relasyon, ang mga problema ay dapat hinaharap at hindi tinatakbuhan.
Money/Career:
Huwag kang mainggit sa achievements ng ibang tao. Kung magsisikap ka sa buhay, meron ka ring ipagmamalaki sa iba.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gawin mo na agad ang iyong mga gawain sa umaga para pagsapit ng hapon ay magagawa mo na ang mga bagay na gusto mo.
Love:
Couples: Para mabawasan ang stress mo sa trabaho, yayain mo ang iyong partner na mag-enroll sa isang fitness program.
Money/Career:
Kung hindi sapat sa iyo ang kinkita mo sa iyong kasalukuyang trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may tao na nagkukunwari lang sa harap mo. Mukha siyang friendly pero hindi mo alam na may balak siyang siraan ka.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-pamper mo ang iyong partner. Maging malambing sa kanya at tuparin mo ang kanyang requests.
Money/Career:
Kung nag-iisip ka na lumipat na sa ibang company, simulan mo na ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging maganda ang mood mo ngayong araw. Kaya naman magtataka ang mga tao sa iyong paligid kung bakit ka blooming.
Love:
Singles: Kung talagang gusto mo siya, gumawa ka ng paraan para araw-araw kayong magkita at maging close kayo kaagad.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para bilhin ang isang bagay na matagal mo nang pinag-iipunan.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 1