Aries (Mar 21 – Apr 19)
Lumayo ka sa mga taong masyadong negative sa kanilang buhay. Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan nila ang mga desisyon mo.
Love:
Couples: Ito na ang tamang panahon para baguhin mo ang iyong ugali na ayaw sa iyo ng iyong partner.
Money/Career:
Huwag kang mangako sa isang tao tungkol sa isang bagay lalo na kung hindi mo ito mapanindigan na gawin sa huli.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may chance na magkaroon kayo ng misunderstanding ng isang tao. Kaya naman dapat ay nakikinig ka nang mabuti sa sinasabi ng ibang tao sa iyo.
Love:
Couples: Kung kasal na kayo, merong malaking chance na madagdagan ang inyong pamilya.
Singles: Chill lang. Huwag masyadong magpaapekto sa love life ng ibang tao.
Money/Career:
Okay lang na sumunod sa inuutos ng ibang tao, pero dapat ay alamin mo rin kung inuuto ka lang nila.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magtiwala ka sa iyong kakayahan. Huwag mong maliitin ang iyong sarili dahil may malaki kang chance para maging successful sa buhay.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong kulitin ang iyong partner. Maiirita lang siya sa iyo at baka bigla kayong mag-away.
Money/Career:
Kung may natatanggap ka na tulong mula sa ibang tao, matutong magpasalamat sa kanila.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang meron kang kaibigan na malapit nang ikasal. Kaya naman huwag mong kalimutan na bigyan siya ng regalo.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa ibang tao. Pero kung palagi mo itong gagawin, hindi ka makakahanap ng taong seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Kung may plano kang mag-alaga ng isang pet, magandang araw ito para simulan mo.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 21
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging hectic ang iyong schedule ngayong araw kaya naman mas mabuting magrelax ka para hindi ka gaano magkamali sa iyong mga gagawin.
Love:
Couples: Kung may nagawang kasalanan sa iyo ang iyong partner, patawarin mo siya lalo na kung humingi naman siya ng sorry.
Money/Career:
Kung hindi mo mapipigilan ang iyong sarili sa paggastos, hindi malayong maubos nang tuluyan ang iyong mga naipon.
Lucky color: White
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw. Kaya naman may malaking chance na matapos mo ang mga bagay na iuutos sa iyo.
Love:
Couples: Kilala mo ang iyong partner. Kaya naman huwag ka kaagad maniniwala sa mga tsismis na naririnig mo tungkol sa kanya.
Money/Career:
Kung kaya mo namang tapusin ang isang bagay, huwag mo na ito ipagpabukas pa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 29
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung nadedelay man ang mga bagay-bagay, marahil ay may rason ito at malay mo makatulong din ito sa iyo sa huli.
Love:
Couples: Mukhang magiging complicated ang love life mo ngayong araw. Kaya naman mas mabuting habaan mo ang pasensiya mo sa iyong partner.
Money/Career:
Kung meron kang balak na simulan na business, maganda ang araw na ito para gawin iyon.
Lucky color: Red
Lucky number: 27
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang maganda naman ang takbo ng iyong career sa ngayon, pero huwag mong kalimutan na maglaan ng oras sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Magplano kayo ng isang outing ng iyong partner. Puntahan ninyo ang isang lugar na naging memorable sa inyong dalawa.
Money/Career:
Marami kang dapat gawin ngayong araw, pero marami ka rin namang oras para gawin ang mga ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka masyadong magpakabusy sa iyong trabaho. Kailangan din ng katawan mo ng pahinga kaya naman bawas-bawasan mo ang pagpupuyat.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali na magkaroon ng love life. Kung ipipilit mo ito, maaaring hindi maging maganda ang magiging relasyon mo.
Money/Career:
Mukhang magiging maganda naman ang takbo ng iyong career. Kaya hindi malayong maging successful ka rito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magkakaroon kayo ng outing ng iyong mga kaibigan. Pero huwag ka masyadong maging excited dito dahil may chance na hindi ito matuloy.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para pag-usapan ninyo ang mga bagay-bagay na hindi ninyo nagugustuhan sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang may chance ka na makapag-abroad, lalo na kung meron kang kaibigan na tutulong sa iyo.
Lucky color: Violet
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman halos lahat ng iyong mga gawain ay matatapos mo nang mabilis.
Love:
Couples: Mukhang may pinagdaraanan ang iyong partner kaya naman mas mabuting habaan mo ang iyong pasensiya sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang subordinates, mas mabuti na kausapin mo sila lalo na kung hindi sila nakikipagcoordinate sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi ito ang tamang panahon para magback-out ka sa isang bagay na sinabi mo na gagawin o pupuntahan mo.
Love:
Couples: Kung masyado kang insecure sa iyong partner, magkakaroon kayo ng maraming problema at ikaw ang pagmumulan ng mga ito.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na magaganap sa iyong trabaho. Hindi man ito maging maganda sa umpisa, makakasanayan mo rin ito sa huli.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7