Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magtiwala ka sa iyong mga hinala at kutob at gawin ang mga ito. Pagtawanan ka man ng iba, tiyak na ikaw pa rin ang magwawagi sa huli.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng pagmamahal sa ibang tao, dapat ay matutunan mo munang mahalin at tanggapin ang iyong sarili.
Money/Career:
Mukhang may chance na meron kang manahin na yaman sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyadong kumain ng marami ngayong araw. May malaking chance na sumakit ang iyong tiyan at maging awkward ito para sa iyo.
Love:
Couples: Diretsuhin mo ang iyong partner kung meron kang gustong sabihin sa kanya. Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.
Money/Career:
Alagaan mo ang iyong katawan. Kung mabuti ang iyong pakiramdam, magiging masigla ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Umiwas ka muna sa kahit anong sugal ngayong araw, dahil malaki ang posibilidad na malasin ka at malugi ka lang.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magpastress sa iyong trabaho. Kung hindi ka magiging maingat, maaaring maapektuhan nito ang inyong relasyon.
Money/Career:
Okay lang na manlibre ka, pero isipin mo rin na hindi ka naman ganun kayaman para manlibre nang madalas.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi pa ito ang tamang panahon para gumawa ka ng isang mabigat na desisyon. Pag-aralan mo muna ang iyong problema at huwag kang padalos-dalos.
Love:
Couples: May malaking chance na hindi ka maintindihan ng iyong partner ngayong araw, kaya mas mabuting huwag ka na lang makipagtalo sa kanya.
Money/Career:
Kailangan mong mag-isip nang mabilis lalo na kung gusto mong umangat agad sa iyong career.
Lucky color: Purple
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Okay lang naman na utusan mo ang ibang tao. Pero kung mayabang na ang asta mo, ibang usapan na iyon at mas mabuting itigil mo ang ganung ugali.
Love:
Singles: Maging mabait ka sa lahat ng tao na iyong nakakasalamuha. Kaya ka nasasabihan ng masungit kasi hindi ka masyadong friendly.
Money/Career:
Kung naiisip mo na magpalit na ng trabaho, ito na ang tamang panahon para rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magtiwala ka sa iyong mga hinala at kutob. Kahit na sa tingin mo ay malabo itong mangyari, gawin mo pa rin ang mga ito.
Love:
Couples: Kung nasasaktan ka na sa inaasta ng iyong partner, sabihin mo ito sa kanya at baka hindi niya alam na nakakasakit na siya.
Money/Career:
Kung may ginawang tama ang isang tao para sa iyo, matutong purihin siya para naman matuwa siya.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 6
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo kalimutang magrelax kung feeling mo ay sobrang stressed ka na. Makakabuti sa iyo kung magpapamasahe ka muna ngayong araw.
Love:
Singles: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya kahit na busy ka. Kahit saglit lamang ito, malaking bagay na ito sa kanila.
Money/Career:
Kung nag-apply ka kamakailan, may malaking chance na tawagan ka nila ngayong araw.
Lucky color: Violet
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Masyado mong pinapagod ang iyong sarili. Magpahinga ka naman kahit konti para makabawi man lang ang iyong katawan.
Love:
Couples: May malaking chance na maging isip-bata ka ngayong araw. Kung makukulitan sa iyo ang iyong partner, baka masermonan ka niya.
Money/Career:
Gawin mo lang ang mga bagay na inutos sa iyo. Naiintindihan ka naman ng iba kung hindi mo pa masyadong gamay ang iyong mga gawain.
Lucky color: Gold
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka masyadong mainitin. Magrelax ka lang kung hindi lalo ka lang mapapahamak. Hindi ito ang panahon para makipagtalo ka sa ibang tao.
Love:
Couples: Dapat ay nag-eeffort kayong dalawa kung paano pa patitibayin ang inyong relasyon. Kung wala kayong gagawin, maaaring ma-bore kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung hindi ka sang-ayon sa nangyayari sa iyong trabaho, magsalita ka. Sabihin mo ito lalo na kung nasa tama ka naman.
Lucky color: Green
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring maguluhan ka sa mga mangyayari ngayong araw. Pero kahit ano pa man ang mangyari, tandaan mo na may mga taong nakahanda para suportahan ka.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, tandaan ninyo na hindi lang basta-basta ang pagbuo ng isang matibay na samahan.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng isang magandang balita tungkol sa iyong trabaho ngayong araw.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maghanda ka ngayong araw dahil may malaking chance na mapagastos ka ng malaki. Siguraduhin mong meron kang sapat na ipon para rito.
Love:
Couples: Kung stressed ka, sabihin mo ito sa iyong partner para naman hindi siya gaanong mabigla sa attitude mo.
Money/Career:
Medyo masama ang iyong pakiramdam kaya naman may malaking chance na hindi ka gaano makapagtrabaho ngayong araw.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maayos naman ang takbo ng iyong araw, pero mag-ingat ka pa rin dahil may chance na may taong sumira nito.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mahigpit sa iyong partner. Mahirap na kung feeling niya nasasakal na siya sa inyong relasyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may ginagawang research ngayong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26