Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mabilis ang takbo ng mga pangyayari kaya naman dapat ay alisto ka. Hindi ito ang panahon para magpahuli ka sa mga balita.
Love:
Couples: Maraming magbabago sa inyong relasyon kaya naman dapat ay maging handa ka sa mga ito. Huwag ka masyadong close-minded.
Money/Career:
Kung kikilos ka na ngayon, mas maaga kang magtatagumpay sa buhay.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring maging busy ka ngayong araw. Kaya naman kung may plano kang mag-outing, siguraduhin mong natapos mo na ang mga ipinapagawa sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang nawawalan ka na ng oras sa iyong partner kaya naman may malaking chance na magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Kung magulo ang isip mo, hindi ka makakapagfocus nang mabuti sa iyong trabaho at ikaw lang ang mapapahamak dahil dito.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mas mabuting huwag ka na muna tumulong sa ibang tao. May malaking chance na isipin nila na nakikialam ka lang.
Love:
Couples: Huwag kang masyadong demanding sa iyong partner. Bigyan mo siya ng space para naman hindi niya feel na nasasakal siya.
Money/Career:
Maging kalmado ka lang. Kung hahayaan mong uminit ang iyong ulo, mas lalo ka lang mapapahamak.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang tama naman ang gagawin mong desisyon kaya huwag ka na mangamba. Marami namang tao ang susuporta sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang stressed ka na kaya naman kailangan mo munang magpahinga kahit sandali lang. Mahirap na magkasakit.
Money/Career:
Kung meron kang gustong gawin, dapat ay ibinibigay mo ang 100% ng iyong effort.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyadong magconcentrate sa iyong mga problema. Lilipas din ang karamihan sa mga ito kaya naman huwag kang masyadong magpastress.
Love:
Singles: Tandaan mo. Meron kang charming personality at hindi bagay sa iyo ang maghabol sa taong wala namang gusto sa iyo.
Money/Career:
Kung kaya mong magpahinga kahit sandali, gawin mo ito para makabawi ang iyong katawan.
Lucky color: Cyan
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung paulit-ulit na lamang ang ginagawa mo araw-araw, may malaking chance na ma-bore ka at bumaba ang iyong productivity.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner. Umagree ka na lang muna sa mga sasabihin niya para hindi na maging magulo ang lahat.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para maghanap ka ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi ka agree sa opinyon ng ibang tao, mas mabuting irespeto mo na lang ang kanyang sasabihin.
Love:
Singles: Walang taong perfect. Kaya naman mas mabuting huwag ka masyadong mapanghusga sa iyong kapwa.
Money/Career:
Magkakaroon ka na ng sagot kung gusto mo pang magtrabaho sa iyong kasalukuyang kumpanya o lilipat ka na.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung naipit ka lamang sa isang sitwasyon, gawin mo ang lahat para makaalis dito. Ikaw lang ang mahihirapan kung magtatagal ka pa roon.
Love:
Couples: Kung lagi ninyong iniiwasan ang inyong mga problema, hindi ito makakatulong sa pagprogress ng iyong relasyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang panahon na para simulan mo ang isang bagong proyekto. Huwag ka masyadong mag-alala dahil tiyak naman na kaya mo ito.
Love:
Couples: May malalaman kang bago sa iyong partner ngayong araw. Pero ikaw lang ang makakapagsabi kung magugustuhan mo ito o hindi.
Money/Career:
Panahon na para magpaimpress ka sa iyong boss. Gawin mo ang lahat para mapansin ka niya.
Lucky color: Green
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang naisip na ideya, mas mabuti kung huwag mo muna ito ipagsabi sa iba dahil may chance na nakawin nila ito sa iyo.
Love:
Singles: Kung wala talagang gusto sa iyo ang isang tao, huwag mo na siya pilitin. Marahil ay mas makakabuti kung magiging magkaibigan na lamang kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang pending na trabaho, may malaking chance na matapos mo na ito sa wakas ngayong araw. Kaya naman iwasan mong tamarin buong araw.
Love:
Couples: Kung nagkaroon kayo ng tampuhan kamakailan, may malaking chance na magkabati na kayo ngayong araw.
Money/Career:
Maging consistent ka lamang sa iyong trabaho at tiyak na magiging successful ka rito kaagad.
Lucky color: White
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Panahon na para magseryoso ka sa buhay. Marami ka pang dapat na gawin kaya mas mabuti na magfocus ka muna sa mga ito.
Love:
Couples: May malaking chance na maging aggressive ka ngayong araw at maaaring maguluhan dito ang iyong partner.
Money/Career:
Kung enjoy ka talaga sa iyong trabaho, ipagpatuloy mo lang ito hanggang kaya mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18